CHAPTER III: LARA

1 0 0
                                    

Eksaktong alas nuwebe, marami nang viewers sa live bidding ni Lara. Mayroon silang 20 items na ipapasubasta dahil yung mga item na yun ay maliban sa mamahalin, bagong bago pa. Bags at dresses at iba nilang appliances dahil sa loob ng 2 linggo lilipat na sila sa mas maliit na tirahan.

15 minuto lamang ang paghahanda ni Lara pero ang ganda ng registro niya sa video.

Natapos sila ng halos mag aalas kwatro na ng umaga. Nailista na yung mga nabenta at kung kanino naibenta. Sa pagod nilang dalawang magkapatid ay di nila namalayan na nakatulog na sila sa sala.

20 years old lamang si Lara ng mamatay ang mama niya. Kasalukuyan siyang graduating sa BS Biology ng panahon na yun sa isang kilalang eskwelahan sa Maynila. Dahil sa biglang pagkamatay ng kanyang mama ay napilitan siyang alalayan ang kanyang papa sa pagtaguyod sa pamilya nila. Tumigil ito sa pag aaral at nag focus sa pagtitinda ng mga damit at gamit online. Nangutang ito ng capital para maumpisahan ang negosyo niya. Namana nito ang galing sa negosyo sa kanyang mama. Honest din siya pagdating sa pagbebenta. Nag aangkat siya ng mga ukay ukay, mga imitation bags at mga damit sa tyangge at Divisoria.

Maraming nalilibang sa kanya habang naglilive dahil likas itong makwento, may hugot at marunong din magpakilig at magpatawa. Kaya minsan siya ay sinabihan ng kanyang mga buyers na mag vlog din siya dahil natural na natural siya sa harap ng camera.

Sa tangkad niyang 5'5, balingkinitan, may maipagmamalaking dibdib at balakang, maputing balat at flawless, madalas siyang pagkamalang modelo sa isang commercial. Maganda din ito na may hawig sa mga british beauty na artista tulad ni Nadine Samonte sa starstruck kung saan siya ay madalas pagkamalan.

Sumikat din siya sa Tiktok kung saan pinapamalas niya ang galing sa pag arte at pagsayaw kung saan mas dumami ang followers niya kaya simula noon ay nahikayat nadin siyang magvlog ng buhay niya.

Nagmamake up tutorial sila ng kapatid niyang si Angel, at minsan ay nahihikayat niya ang kanyang papa na sumali sa vlog nito at nagluluto sila ng mga best dishes ng kanyang papa.

Kadalasan sa kanyang subscribers mga lalake na sobra kung humanga sa kanya. Wholesome at sweet flicks madalas ang kanyang content kaya maraming mga kabataan ang gustong gusto ang kanyang personality.

Kung ang mga bata ay nahilig sa kanya. Nahihilig din ang mga matured men sa kanya. Madaming nagsesend ng private message, nag aalok ng date, nag popropose ng mga kasal. Ngunit lahat ng yun ay tinatawanan lamang niya. Mas mahalaga sa kanya yung views at subscription para magbunga na ang kaniyang pinaghirapan.

Dahil unti unti na siyang nakikilala, inoofferan siya ng gig mula sa mga salon na ieendorse niya at pumupunta sila ng family niya sa isang lugar kung saan isasama niya sa vlog niya upang mas lalo itong mapromote. Yung iba ay binabayaran siya, yung iba ang binibigyan siya ng free use of services para maenhance lalo ang beauty niya. Kahit anong paraan ay gagawin niya basta maitaguyod ang pamilya niya.

Ngunit isang araw ay ginulantang sila ng balita na nawala ang scholarship ng kapatid niya dahil sa bumaba ang grado nito. Nadepress ng bahagya si Angel dahil sa biglaang pagkawala ng kanilang mama at pagkakabaon nila sa utang. Nahihirapan itong mag move on sa mga nangyari. Nasaktan ito ng labis kaya nagawa din nitong mag drop sa eskwela at natutong magbarkada.

Ngunit sa gabay ng papa nila at ni Lara at naibalik din ang dating si Angel. Ngunit ngayon ay kailangan na nilang pag aralin ito ng walang scholarship. Na medyo mahirap sa kalagayan nila. Gayung ang papa nila ay may sakit din na iniinda. Kahit mahirap ang sitwasyon ay ayaw ni Lara ipakita sa kaniyang pamilya na nahihirapan siya.

Sa oras na yun ay nakilala niya ang kapwa niya vlogger na si Tanya, Mas nauna ito sa kanya sa pag vvlog. Iniidolo niya ito dahil sa galing ng mga content sa youtube.

Pero lingid sa kaalaman ni Lara, ay mayroon itong iba pang trabaho. Isa siyang sugarbaby.

Na ngayon ay pinapasok na din ni Lara, dahil sa kagipitan sa pera at sa pangarap niyang may timeline, at the age of 28, dapat ay isa na siyang ganap na doctor.

Siya ay nakumbinsi ng kaibigan na pasukin ang pagiging sugarbaby ngunit ayaw na nitong pumasok sa isang site kung saan ni Tanya natuklasan ang tungkol sa pagiging sugarbaby. Dahil umiiwas ito sa mga possibleng maging hadlang ang malaking eskandalo na pwedeng makapagpaguho ng pagkakataon niya.

Isinama siya ni Tanya sa isang party kung saan pinakilala ni Tanya kay Lara ang kanyang sugardaddy na hindi naman katandaan, isang 40 years old na bachelor na investor sa isang telecom company, Si Harry Rivas.

Doon nito nakilala si Lester Avila, 40 years old din na bachelor at di hamak na mas gwapo, mas mayaman kaysa ka kaibigan nitong si Harry. Ngunit may pagkamayabang ito at mahilig makipaglaro sa mga babae.

Aminado ito na sa lahat ng babae na kanyang nakausap at inaya at sadyang kay Lara siya nagkaroon ng interes. Maliban sa alam nito magpakipot ay nakikita niya ang isang ambisyosang tao na willing abutin ang pangarap sa kahit anong paraan, kaya nirerespeto niya ito. Dahil sa likas nitong pagiging mailap sa lalaki, ay ginagamit ni Lester ang kahit anong paraan para mapalapit ito kay Lara, at yun na nga..

Nagbiro ang pagkakataon at nakuha niya ito sa bitag, nung mamoblema ang pamilya ni Lara sa pera.

THE SUGARBABY VLOGGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon