CHAPTER II: THE DELA ROSA FAMILY

3 1 0
                                    

GARAGE SALE. Yan ang kasalukuyang nagaganap sa isang kilalang subdivision sa Alabang. Sa tapat ng isang 2 storey house ay nakatambad sa karamihan ang mga mamahaling sapatos, damit, bag at marami pang mamahaling gamit na kasalukuyang on sale.

Dahil sa dami ng magagandang gamit na naka sale ay marami din ang nagbakasakali na lumabas at sumali sa kaguluhan dahil maliban sa makakatipid ka, karamihan sa kagamitan na nakadisplay ay minsan lng nagagamit at yung iba ay hindi pa nabubuksan.

Sa Harap ng garage sale na ito ay ang busy makipagtawaran na si Lara. Hindi maipaliwanag ni Lara ang saya sa pagtanggap ng mga bayad sa kanyang mga nabebentang kagamitan dahil sa wakas ay makakaraos na din sila matapos ang ilang buwan na pagluluksa at pamomroblema na iniwan ng kanilang ina dahil sa dami ng pagkakautang nito sa sugal.

Sa isang sulok ng garahe naman ay ang kanyang tahimik na papa nag aayos at nagpepresyo ng mga gamit habang maluha luha nya itong ginagawa. Karamihan kasi sa mga kagamitan na kanyang inaayos ay ang mga kagamitan na kanyang nairegalo sa kanyang isang taon nang namayapang asawa.

FLASHBACK

Mula sa pagiging mayaman, ay biglang nalugmok ang kanilang pamilya sa isang malaking pagkakautang. Stock investor ang mama ni Lara, pero lingid sa kaalaman ng kanilang mag anak, matagal na pala itong nangungutang para iventure sa kahit anong negosyo, dahil ang kinita nito sa ilang taon ay nagoyo ng isang nagpakilalang Lester Avila na isa daw investor sa abroad.

Naging magkasosyo ang dalawa sa pag iinvest na kuno ay pagbili ng gold at pagbebenta ng mahal. Sa umpisa ay malaki ang kanilang kinikita na ang kinahantungan ay dinoble ni Myra ang kanyang investment dahil sa pag hahangad ng malaking kita. Ngunit sa oras na yun, ay biglang nawala ang kanyang business partner na naging sanhi ng pagkalugi, ng kanilang negosyo, unti unti nang kinukuha ni Myra ang share sa ibang negosyo dahil sa hirap na itong makabawi para sa pang araw araw ng kanilang pamilya.

Hindi kinaya ni Myra ang nangyari naging sanhi ito ng pagiging sugarol niya dahil minsan nakakatikim siya ng malaking panalo at naiuuwi sa bahay, ngunit hindi nito nakikita ang mas malaking naitatalo niya sa sugal. Kahit ang lahat ng ito ay nasa kaalaman ng kaniyang ama, pero wala siyang magawa dahil sa maliit lamang ang kinikita nito sa pagiging engineer di na niya halos pinapakialaman ang diskarte ng kanyang asawa dahil sa tagal nito sa negosyo inuunawa na lang nito ang nararamdaman ng asawa.. Sa tuwing ito ay kaniyang pinagsasabihan ay humahantong lamang iyon sa away nilang mag asawa at ilang linggo bago umuwi si Myra. Hanggang sa isang araw, di na lang ito umuwi sa kanila.

KASALUKUYAN

"Pa, okay lang po yan. Makakabili pa naman tayo ng mga ganyan eh. Pag ako naging isang sikat na neurosurgeon, isang pasyente lang makakabili ulit tayo ng mga gamit na ganyan." pangungumbinsi ni Lara sa kanyang ama na si Edwin.

"Di naman yun ang pinanghihinayangan ko anak, alam mo yan." sagot ni Edgar. "Kahit minsan walang halaga yung mga gamit na binibigay ko sa mama mo, kinatutuwa ko padin bigyan siya nito kahit papano." dagdag pa nito.

"Papa, realtalk lang ha, di nga siguro tanda ni Mama na ikaw nagbigay niyan sa kanya sa dami ng gamit na binibili niya sa sarili niya." sagot ni Lara. "Ang importante sa ngayon kahit mahirap na wala si mama kakayanin po naten. Sa oras na maibenta naten pati itong bahay at nakalipat na tayo sa mas maliit, makakapag umpisa na po tayo. Malaki laki din tong kikitain naten sa mga gamit na maibebenta natin eh, sapat na sa pang araw araw natin at pang tuition fee namin ni Angel." pasigurado ng anak sa ama.

Wala nang nagawa ang ama kung hindi ngumiti na lamang at sumang ayon sa kaniyang anak.

Maya maya ay dumating ang kapatid ni Lara na si Angel. Galing ito ng skwelahan kung saan pumapasok bilang grade 7.

"Hi Papa! Hi Ate!" salubong nito sa dalawa. Dahil busy ang mga ito ay humalik lamang ito sa pisngi at pumasok na sa bahay sabay sigaw, "Ihahanda ko na yung pang online bidding naten!"

Lumingon si Lara at binigyan si Angel ng thumbs up senyales na pag sang ayon sa gagawin.

"Misis may online bidding kami sa facebook. Mas marami pong magagandang items doon. Kadalasan po sa mga gamit na yun ay akin mismo. Mga isang beses ko lang nagamit, at yung iba di ko talaga nagagamit baka may magustuhan kayo." sabi ni Lara sa isang customer na nakikipagtawaran sa hawak nitong dress.

"Aba sige titignan namin ng mga kumare ko baka may magustuhan kami." tugon ng babae.

"Add nyo po Facebook page ko, Lara's Closet Online. mamaya po marami kaming ipapa bid. mag uumpisa po ng alas nuebe." sabi ni Lara.

Tuwang tuwa ang mag ama dahil sa dami ng kanilang naibenta at laki ng kanila kinita. Excited nadin ito bumili ng grocery kaya kahit alas sais na ng gabi sila natapos sa pagkukwenta, nagpaalam padin ito sa kaniyang papa upang mamili ng kailangan. Binilinan niya din ang kanyang kapatid na iset up na ang kanilang bidding dahil pag uwi nito, raraket na naman sila online.

THE SUGARBABY VLOGGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon