CHAPTER IV: ACCEPTING A JOB OFFER

2 0 0
                                    

Kanina pa nakamasid si Lara sa kanyang cellphone nag aabang ng reply sa isang taong inaasahan niyang magreply sa kanya – Si Lester Avila. Ngunit nakakailang tasa na ito ng kape at mag iisang oras na itong nakaupo sa isang coffee shop pero walang reply mula kay Lester.

Inaantok pa ito habang nakatambay s, mag aalas diyes na nag umaga, at kakatapos lang nila ng huli niyang ka meet up sa araw na yun sa nabid nitong item noong nakaraang gabi.

Kasabay nito ay pang lulumo niya nung makita kung magkano inabot ang kanilang bidding. successful man ito ay may iilan na binogus silang magkakapatid. Nag offer ng highest bid ngunit ininjan sila kaya kailangan na naman nilang ulitin ipa bid ang mga items na yun.

Nag uumpisa na itong mainis. Nang may narinig siya sa kaniyang likuran.

"I know you missed me. And I know I'm right." Sabi ng isang lalaki na pamilya ang boses.

Paglingon nito at di niya alam kung ano ang magiging reaksyon. "Ganun na ba ako kaganda para puntahan ng isang Lester Avila." Sabi niya sa sarili at di niya namalayan na namumula na pala siya.

Wearing his navy blue tight polo shirt and pants, halatang bagong ligo pa ito at mamula mula ang labi di ito halatang 40 years old na. Maraming napapalingon, napapatingin sa kanya sa loob ng coffee shop na kina proud naman ni Lara.

"I want to talk to you somewhere quiet, you know, where we can make sounds that no one will hear, Tara!" pagbulong ng lalake malapit sa kaniyang tenga na para bang nanayo lahat ng balahibo niya sa katawan.

Di niya maitatanggi na hindi naman siya nahirapan makipagsiping sa lalakeng ito. He was a gentleman and knows how to woo a lady. Feeling tuloy ni Lara siya ang pinakamaswerteng babae na nabingwit niya ang isang Lester Avila.

Nakahawak ito sa kanyang bewang habang papalabas sila ng coffee shop.

Habang nasa kotse sila, ay tahimik silang dalawa. Ngunit napasalita si Lara nung mapansin nito na hindi sila papunta sa isang motel, or hindi sa compound ni Lester. Papalayo na sila ng papalayo sa syudad at parami ng parami ang puno sa paligid. Pero isa ang sigurado niya, papunta silang Batangas. Dahil minsan na niyang nadaanan ang lugar na yun.

"Pupunta tayo sa bahay naming sa Batangas. Where I grew up. Matagal tagal nadin akong hindi nakakabakasyon doon. Magugustuhan mo doon. Malapit lang sa dagat. Kaso feeling ko di ka handa sa vitamin sea, so I brought you something." Sabi ng lalaki sabay abot ng isang paper bag.

May mga laman iyon na damit, at swimsuit. Magaganda at mamahalin.

"Salamat. Pero di naman to kailangan. Wala din ako sa mood mag beach." Pataray na sagot nito.

"I know, that's why I brought friends para malibang ka." Sabay turo sa isang kotse na nakasunod sa likuran nila, biglang bumusina.

Kaway ng kaway sa bintana ng sasakyan si Tanya ng makita niya ito. Napatingin siya kay Lester, nakatitig ito sa bintana habang tuloy ang byahe ng sasakyan. Tinitigan niya ito, at napapangiti siyang isipin na kahit papano ay kilala na siya ng lalakeng ito. Kahit sa isang iilang beses pa lang nilang pagkikita, at isang beses na may nangyari sa kanilang dalawa.

Makalipas ang ilang minute ay nakarating na sila sa kanilang pupuntahan. Tama nga ang sabi ni Lester sa kanya, malapit iyon sa dagat.

Paghinto ng sasakyan ay dali dali siyang bumaba ng kotse at sinalubong ang kaibigan.

"Loka ka! Bakit mo ko iniwan nung isang gabi?" sabi ni Lara.

"Nalowbat ako beshy, kaya di na nakapagpaalam. Pero nakita naman kami ni Lester lumabas kaya alam ko naman na sasabihin niya din sayo." Tugon ni Tanya.

"Kahit na! Eh kung minurder pala ako dun wala akong witness!" bulong ni Lara na nadinig pala ni Lester.

"Wag kang mag alala, kahit ayawan moko hindi ikaw ipapapatay. Tsaka bakit ko gagawin yun? I love you more alive than dead." Sagot ni Lester.

Namumula itong parang napahiya sa sagot ng lalaki, samantalang inaasar naman siya ng kaibigan.

May lumapit na isang may edad nang babae sa kanila. Na may ngiting ang pagbati.

"This is Manang Alice, siya ang caretaker ng bahay. Dito nadin sila nakatira kasama ang anak niya at apo. Manang, si Lara po at si Tanya." Pagpapakilala nito.

"Magandang araw po Manang Alice." Bati ng dalawa.

"Magandang araw din sa inyo mga hija. Halina kayo at pumasok. May hinanda kaming meryenda para sa inyo. Eto pala yung susi sa kwarto." Tugon ng matanda.

Tinanggap naman iyon ni Lara. Magkaiba pala sila ng kwarto ni Lester. Bahagya itong nanlumo ng malaman iyon. Ngunit hindi niya ito ipinakita.

Maganda ang bahay na iyon. Gawa sa kahoy ngunit namaintain ng maayos ng pamilya nila Manang Alice.

"Dito lumaki yan si Lester. Lumipat lang sila ng maynila nung maghiwalay ang magulang nila." Sabi ng matanda.

"Mabait naman yang batang yan, magalang din. Pero ewan ko bakit di nag asawa. Kaya nung malaman ko na may kasama siyang bisitang babae ay natuwa ako. Ni minsan wala pang dinala yan dito." Dagdag pa nito.

Ngumiti lamang si Lara sa sinabi ng matanda. Di naman nito alam kung anong stado ng relasyon nilang dalawa. At nandun lamang siya dahil sa pera.

Binuksan ng matanda ang kwarto. Ang ganda ng kwartong ito. Paghahatian nila ni Tanya ang kwarto ng ilang araw. Lingid sa kaalaman ni Lara na aabutin sila ng isang lingo sa lugar na iyon.

"Buti naman at tinanggap mo na yung offer ni Lester." Sabi ni Tanya nung maiwan na silang dalawa sa kwarto.

"Kailangan ko besh. Andami pang problema sa bahay at need kong mag ipon." Sagot ni Lara.

"Pero sa totoo lang, pwede mo naman totohanin si Lester eh. Single naman siya. Tsaka seryoso siya sayo. Kita mo kahit anong paraan gagawin niya para sa'yo. Di tulad ni Harry na me sabit na." nanlulumong sabi ni Tanya.

"O bakit? In love kaba jan sa Harry mo?" tanong nito

"Sino ba naming hindi beshy? Maliban sa sex, eh napakagalante ni Harry." Maluha luha itong sumagot. "Kung mas maaga sana akong pinanganak at nakita siya." Dagdag pa nito.

Biglang nakaramdam ng takot at lungkot si Lara, dahil baka manyari sa kanya ang nangyayari sa kaibigan niya. Ang mainlove sa sugardaddy niya. Pero mas nangingibabaw ang kagustuhan niyang perahan lang ang lalakeng ito. At wala na siyang paki kung sa huli ay masaktan man siya.

Biglang may kumatok sa pinto at pinagbuksan ni Lara.

"Ma'am Lara po? Pinapaabot po ni Kuya Lester, pasensya na daw po at may importante lang silang lalakarin ni Kuya Harry sa bayan. Pahinga na lang daw po muna kayo. Kung may kailangan po kayo wag kayo mahihiya lumapit sa amin." Sabi ng binatilyo.

"Salamat po." Agad na tinanggap ni Lara ang basket na may lamang meryenda at maiinum.

Nagshower silang dalawa at nakatulog sa pagod matapos magmeryenda. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE SUGARBABY VLOGGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon