Facebook Messenger
Apr 4
------------------------------
Kyle Anthony Tsu
Hey Joey!
How are you?
Jose Primitivo Legarda Regidor IV
Ui,, hi kyle!
Eto ok lang,, Napachat ka?
Kyle Anthony Tsu
I heard the news kasi, nahuli ka raw because of quarantine protocol issues.
Jose Primitivo Legarda Regidor IV
Ay yun ba hehe
Warning lang naman,, di naman yung parang prison eme na criminal
Kyle Anthony Tsu
I see. Pupunta ka raw sana sa Celina kaya ka nahuli.
Jose Primitivo Legarda Regidor IV
Uu,, sana
Sorry pala baka nabalitaan mo rin na nahuli din si kim
Promise di ko alam na mahuhuli sya,,
Kyle Anthony Tsu
No, it's okay. Nag-message lang ako kasi nalaman kong blinock ka ng kapatid ko. Gusto ko sanang mag-apologize, minsan strict lang talaga sya.
Jose Primitivo Legarda Regidor IV
Ok lang kyle nukaba,,
feeling ko nga fault ko din na blinock nya ko kasi pinipilit ko syang gawin yung ayaw nya
Naexplain naman nya yung reason nya saka narealize ko din na mali din ako,,
Di ko lang siguro pinansin yung sinabi mo last time na irespeto yung decision nya saka magtiwala sa kanya,,
Altho gusto ko lang naman sya maging safe din pero ayern
Pero ok na kame pramis :'>
Kyle Anthony Tsu
You really love kim that much? Going beyond your limit para lang makita sya?
Jose Primitivo Legarda Regidor IV
Di ko sure kung maiintindihan mo ko kyle,,
Ilang araw nya kasi akong di kinausap
Nagtry naman akong idivert ang attention ko sa ibang bagay pero di ko nagawa
Nung una nga akala ko pag binigay ko lahat kay kim ok na kami
Kaso sabi nya kagabi nasosobrahan na daw ako sa bigay di na ko nagtitira sa sarili ko
Yung ibang binibigay ko,, di naman nya kelangan saka di rin naman daw nya babalaking hingin sakin
Di ko na nababalanse priorities ko tas cino-consume ko rin yung time na kelangan nya para sa sarili nya
Wala na daw akong pinagkaiba dun sa mga classmate naming lalake na super magdemand sa babae na parang kontrolado nila yung buhay ng mga jowa nila dahil lang lalake sila
gusto nya maisip ko yun on my own kaya siguro nagkaroon ng miscommunication and misunderstanding samin
Kyle Anthony Tsu
Sorry joey. Kim knows where she stands at di sya madaling kausap kapag desidido sya sa paniniwala nya. Sorry kung assertive sya at may instances na nasasapawan ka. Defense mechanism nya yun kasi nakita nya yung mommy namin na masyadong nakontrol ni daddy. I know you're softer than her pero sana maging strong ka kung talagang ipupursue mo sya.
Hindi sya madaling mahalin, I can attest to that. Hirap din ako dyan until now kahit kuya nya ko.
Jose Primitivo Legarda Regidor IV
Ok lang naman kyle,,
Hihintayin ko pa rin sya hanggang pwede na
Sabi lang naman nya di pa nya ko pwedeng sagutin
Di naman nya sinabing di ko sya pwedeng mahalin
Salamat sa concern,, magiging ok din kaming dalawa pramis :'>
♥♥♥
BINABASA MO ANG
Not My Cup of Tea (Chat fiction)
RomanceHindi typical school guy si Jose Primitivo Legarda Regidor IV at hindi rin basta-bastang estudyante si Kim Tsu. Magkasundo kaya ang dalawa kung wala silang ibang ginawa kundi mag-away na parang aso't pusa? WARNING: FOUL LANGUAGE. READ AT YOUR OWN RI...