#78

920 65 12
                                    


Facebook Messenger

(Slapsoils Squad)

Apr 5

------------------------------



Video call ended

15 mins 4 secs, 10:03 PM



Diyosang Maggie

Mamsh tama nang iyak yan

Pati data mo sinukuan ka na


Cute si Joey Forever and Ever

Miss na miss ko talaga sya mamsh


Diyosang Maggie

15 mns mo paulit ulit na sinabi yan bakla

Alam na namin


Che-Che Bureche

Ok lang yan mamsh jo

Magkikita pa rin naman kayo sa may.. Lapit na yun.. ilang days na lang


Diyosang Maggie

Bakla ka cheche april 5 pa lang.


Cute si Joey Forever and Ever

Di ko na talaga sya pipilitin sagutin ako

Natatakot na ko baka di na nya ko pansinin


Diyosang Maggie

Nubayan

Di na nga ako nagjowa para di ako mastress sa love life

Ako naman nastress sa mga love life nyo mga bakla kayo


Cute si Joey Forever and Ever

Sorry na mamsh

Che-Che Bureche

Opinion ko lang to mamsh joey

Better if tanungin mo si kimmybabes kung ano ba yung gusto nya

I mean ano parang dos and donts ganern

Para di kayo nag aaway saka para di ka rin nagwowonder kung may problema kayo


Diyosang Maggie

Hahahaha

Talino ni cheche di ko ineexpect

Pero agree ako dun joey

May point din naman si baklang kim kaso lam mo naman medj mahina pickup natin sa mga red flag

Saka tigil tigilan mo na magpakasuperhero para kay kim kasi alam mo mamsh. sa napapansin ko ha. Ayaw nya nung parang binebaby sya. Dito baka kampihan ko pa sya kasi ayoko rin na masyadong mahina ang tingin sakin.


Che-Che Bureche

Ako gusto ko ako baby


Diyosang Maggie

Che alam na namin yan wag mo na paalala


Cute si Joey Forever and Ever

Di ko na alam ano na kami ni kim

Parang kahit friends di ko na mafeel saming dalawa

Alam mo yun parang anlayo na nya


Diyosang Maggie

Feeling mo lang yan mamsh kasi napagalitan ka

Pero sabi naman nya namiss ka nya so ano lang konting adjustment lang

Para kasing tanga tong pandemic nakakasira ng love life!


Cute si Joey Forever and Ever

Mas ok ba kung ulit ulit kami sa umpisa?

Diyosang Maggie

Kung saan ka di mahihirapan mamsh dumoon ka

Parang sa inyong dalawa ni kim ikaw lang ang umiiyak


Che-Che Bureche

Baka umiiyak din si kimmybabes di lang nya pinapakita kay mamsh joey


Diyosang Maggie

Nubanaman kasi yan jo.

Pipili ka na lang ng jojowain yung gaya pa ni kim eh mas matibay pa yata sa semento emosyon nun apakahirap tibagin


Cute si Joey Forever and Ever

Kung kelangan umulit ulit kami as strangers ok lang sakin

Basta di ako susuko dito


Diyosang Maggie

Laban lang mamsh! Push!

Batas nga ng gobyerno binabangga mo. tapang ka diba?

Ginusto mo yan panindigan mo.


♥♥♥

Not My Cup of Tea (Chat fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon