PLEASURE 2 | Sold

48 3 1
                                    

CHAPTER 2: SOLD

Luna

Nakangiting naglalakad ako sa kahabaan ng daan. Kakaunting bahay, kakaunting tao ang nakikita ko. Mabibilang lang ito sa daliri.

Linanghap ko ang sariwang hangin na nanggagaling sa mga punong nakapaligid sa akin. Pinakinggan ko ang mga nagsisiawitang mga ibon na namamahinga sa sanga ng mga puno.

Ngiting-ngiti na pinagmasdan ko ang isang ibong lumilipad sa himpapawid.

Sana kagaya ng ibon, ay maging malaya ako.

If I just have wings. I would rather fly on the sky and never come back again.

Ito ang gusto ko sa lugar namin. Hindi matao, hindi rin mausok; usok na nanggagaling sa mga sasakyan. A pollution indeed.

Tago ang lugar namin kaya madalang lang na may dumaan.

Kung papapiliin akong lumipat sa ibang lugar, mas nanaiisin ko nalang na dito na lang mabulok sa maliit naming bayan. A not so small town but average. Ngunit kaunti lang ang bahay sa parte namin kaya kakaunti lang rin ang mga nakikita kong tao.

"Hello, Mrs. Hatson!" masiglang bati ko sa isang babaing matandang nakaupo sa wheelchair.

Kumaway ako sa kaniya na kumaway rin pabalik.

I always great her every time na dumadaan ako at nakikita siya na palaging nakaupo sa paborito nitong wheelchair. Mahina na kasi ang matanda at hindi na kayang maglakad so that's explains why kung bakit ituring na nitong bahay ang wheelchair.

Mabilis akong nakarating sa isang grocery store.

Inutusan kasi ako ni tita na bumili nang pang isahang buwang stock ng pagkain. Palagi naman ako ang bumibili kaya wala itong problema sa akin, na sanay na naman ako.

Puros pang-uutos lang naman ang alam non. Kulang na nga lang ay magsuot ako ng butas-butas at lukot-lukot na damit para magmukha na akong si Cinderella.

Mabuti nga si Cinderella'y may prince charming.

But on the other hand, may prince charming naman talaga ako.

And speaking of prince charming.

"Luna!"

Mabilis akong napalingon nang marinig ko ang pamilyar na boses.

Lumawak ang ngiti ko nang makita si Allan na naglalakad papunta sa akin.

"Hey, baby?" nakangiting ipinulupot niya ang braso sa maliit kong baywang.

"I miss you!" nakangusong sabi ko sa harapan niya habang hindi parin nito tinatanggal ang pagkakapulupot ng braso sa akin.

"Na-miss rin kita! Grabe naman kasi 'yang stepmother mo, ang higpit! Nasa iisang bayan lang tayo pero kung magkita napakadalang. I really missed you, baby."

Napangiti ako nang hinalikan niya ang labi ko, dampi lang iyon pero kinilig na ang kalamnan ko.

Mahal ko talaga ang lalaking 'to.

Sold For PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon