PLEASURE 3 | Rules

47 2 0
                                    

CHAPTER 3: RULES

Luna

"What a lucky bitch you are," nag-init ang ulo ko sa sinabi ni Dede. Just fuck! Ibenenta na nga nila ako tapos ano, lucky? Mapalad ako sa lagay na 'yan? "So yeah pack your all things up because you're leaving the house."

I gritted my teeth.

So kaya pala? Kaya pala ibenebenta na nila ako para makaalis ako ng bahay? Para solohin nila ang bahay ko?

Papalayasin nila ako sa sarili kong tahanan.

Galing rin.

And what the fuck is master? Tangina lang ha. Bakit maypa-master pang nalalaman?

Seryuso ba talaga sila? Seryuso ba ang mga ito?

Tinignan ko si Danny. Nakatungo lang ito at walang makikitang emosyon sa mukha. Hinda manlang ba siya tututol sa mga katarantaduhang pinaggagagawa ng ina at kapatid niya?

Mahigpit na napakapit ko sa dulo ng damit ko. Nagngingitngit ako sa inis. Gusto kong lumaban. Ngunit paano?

Kahit kailan ay hindi ako mananalo sa kaniya.

"Ano pang tinutunga-tunganga mo diyan, Luna?!" sigaw sa akin ni tita habang idinuduro-duro niya ako gamit ang hintuturo sa aking noo.

Mariing ipinikit ko ang aking mga mata't pinakalma ang sarili.

Ayuko nang ganito.

Gusto kong lumayo.

Gusto kong maglayas at hindi na muling bumalik pa.

I want to be free.

Ayuko na rito.

Ayuko na.

"Touch her again, and I will fuckin break your fingers." nagtaasan ang mga balahibo ko dahil sa tono ng pananalita niya. Masyado itong mahinahon ngunit nakakatakot.

Napahinto si tita sa kaduduro sa noo ko at mabilis na umatras siya sa akin. Iniwasan niya ang malamig na mga mata ni Stone, ang magiging master ko daw.

"Pack your things." I was taken aback because of what he said.

Napapalunok ako na tinitigan ko si Mr. McGregor ngunit mabilis rin kaagad akong tumungo dahil hindi ko kayang titigan ang mga mata niya, hindi dahil sa pangit ito o ano ngunit dahil sa nakakapanghina ito ng tuhod.

"B-Bakit?" nauutal na tanong ko habang nakatungo parin sa simento.

"You'll come with me--in my house."

Napakurap-kurap ako sa harapan niya at hindi makapaniwalang tinignan siya.

"Ano?! A-Ayuko一"

"Whether you like it or not you'll come with me."

"But一"

"No more but's, woman!"

Gigil na tumayo ako. Bago ako magtungo sa kuwarto ko'y sinamaan ko muna siya ng tingin.

"Go, fuck yourself!" sigaw ko.

Padabog na umakyat ako sa hagdan. Akala naman yata niya'y susundin ko siya, ha! In his dreams!

Nilock ko ang pintuan ng kuwarto ko pagkatapos ay padapang humiga sa kama.

Bahala sila doon.

Mabilis akong nakaidlip ng tulog ngunit agad ring nagising dahil sa ingay na nanggagaling sa labas ng pintuan ng kuwarto ko.

Sold For PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon