PLEASURE 5 | Plan

36 0 0
                                    

CHAPTER 5: PLAN

Luna

Ikinusot ko ang aking mga mata nang makarinig ng sunod-sunod na katok.

I yawned and place my left hand on my mouth. Hindi ko na sana papansinin ang papansing katok nang katok sa kuwarto ko ngunit mas malakas na katok na ngayon ang ginagawa nito na halos ikasira ng pintuan. Bwisit naman.

Iritang binuksan ko ang pintuan.

"Ano?!" sigaw ko.

Kinusot ko ang dalawa kong mata nang mapagtantong totoo pala iyong mga nangyari kagabi sa akin. Akala ko panaginip lang ngunit akala ko lang pala.

May nagmamay-ari na nga pala sa akin. Dahil do'n ay napuyat ako kagabi sa pagp-plano kung paano ako makakaalis sa bahay nito.

"M-Master!" nataranta ako nang mapagtantong si Stone pala ang nasa harapan ko. Shit lang!

Madilim ang mukha nito habang mariing nakatitig sa akin.

Napalunok ako sa paraan kung paano niya ako tignan.

Hinagod niya ang buo kong katawan ng tangin. Doon ko napagtantong naka short shorts lang pala ako at maluwag na white tshirt. Bakat na bakat ang utong ko kaya nanlaki ang mga mata ko.

"B-Bastos!" hiyaw ko at hindi sinasadyang masampal siya ng dalawang beses. Actually sinadya ko talaga.

Inirapan ko siya. Akala ko naman kung sinong matinong lalaki, may pagkamanyak naman pala! Buti hindi ganiyan si Allan ko.

Napailing ako. Ugh! Bakit pinagkukumpara ko silang dalawa? Eh kita namang magkaiba sila. Magkaibang-magkaiba.

Mahinang pinukpok ko ang aking noo. Kunot ang noo naman akong tinitigan ni Stone. Siguro'y nagtataka ito kung bakit sinasaktan ko ang aking sarili.

"What the hell are you doing?" anito habang magkasalubong ang dawang kilay nito.

I mentally rolled my eyes. Nakikita naman niya kung anong ginagawa ko tapos magtatanong pa siya? Hindi ko alam na may pagkabobo siya. Kitang-kita namang pinupukpok ko ang noo ko. Siya itong pukpokin ko diyan para naman matauhan siya.

Sira na yata mata niya. O baka bobo lang talaga siya.

Panigurado talagang patay ako nito pagnagkataong nakakabasa siya ng isipan. Baka nga tinadtad na ako nito ng bala sa noo. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung nalaman niya ang mga masasamang pinag-iiisip ko sa kaniya. Pasalamat na lang ako't humihinga pa naman ako.

"Bakit ka ba nandito?" embes na sagutin ko ang tanong niya'y nagtanong nalang ako. Sana lang ay hindi ako nito masapak.

"Oh, that?" napatango-tango ako bilang tugon. "Cooked for me." Dugtong nito dahilan para mapaangat ang isang kilay ko.

Ako papapaglutoin niya? Suwerte naman yata siya.

"Bakit ako? Wala ka bang chef? Wala kang tagaluto? Paano ka nabuhay nito nang wala ang--nasaan na nga ulit 'yong kusina niyo? Hehehe."

Napakamot ako sa aking ulo dahil sa sama ng tingin nito sa akin.

Bakit ba kasi ang dami ko pang tanong sa kaniya? Bakit ba kasi minsan nakakalimutan kong master ko nga pala siya? Aish!

"You'll cooked for me or do you want me to blasted your brain out of your body? Choose, woman."

Napaubo ako dahil sa kanyang sinabi. T-Tototohanin kaya niya 'yon? Pero bakit pa ba ako nag-iisip. Syempre one-hundred percent sure na kayang-kaya niya ngang pasabugin ang utak ko.

Sold For PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon