PLEASURE 4 | Throb

52 2 0
                                    

CHAPTER 4: THROB

Luna

Alas sais ng gabi'y sinimulan kong magluto para sa makakain namin ni Stone.

Simula nang tumapak ako sa pamamahay niya'y hindi ko na siya nakita pa. Huli ko siyang nakita at nakausap nung nandoon kami sa loob ng kusina.

He explained to me kung ano-ano ang mga gagawin ko sa loob ng pamamahay niya.

He also warned me not to scape from him kung ayaw ko daw na maparusahan ako.

But of course, Luna is Luna. Matigas ang ulo.

Hindi ko siya susundin. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay susundin ko siya. It's a big no.

I cooked sinigang na bangus, menudo, and also dessert. Hindi ko na dinami pa ang mga niluto ko dahil dalawa lang naman kami sa bahay except kay manong guard na mukhang palaging may dalang baon.

Inihanda ko ang mga niluto ko sa mahabang lamesa. Pati mesa'y malaki. Siya lang naman ang nakatira ngunit masyadong malaki ang bahay, kung bahay nga bang matatawag ito.

Napangiti ako nang ma satisfied ako sa mga niluto ko.

Noon, ang mga bruha, sila tita at ang mga anak niya, ang pinagluluto ko. Ngayon naman ay iba na.

I can't wait in the future kung para kanino naman ako magluluto. Mukhang magpapalipat-lipat na ako ng bahay nito.

Kaninong bahay naman kaya ang sunod? Or kung may kasunod pa nga ba ito, dahil ramdam ko na na hindi na ako makakatakas pa sa poder niya.

Mukhang sa kaniya na ang dead end ko. Ngunit hindi ako makakapayag. Gagawa ako ng paraan makaalis, makapagtago sa kaniya.

Nakangiting tinahak ko ang itinurong kuwarto ni Stone, sa third floor.

Huminga ako ng malalim bago katukin ang kanyang pintuan.

"Sto--Master, kakain na po!" malakas na sigaw ko.

Nag-antay pa ako ng ilang minuto ngunit wala manlang akong nakuhang sagot sa kabila.

Ano ba 'yan!

Tulog kaya siya? Kaya hindi niya narinig ang sinabi ko?

Napabuga ako ng hangin at muling kinatok ang pintuan.

Siguro naman ngayon maririnig na niya ako nito.

"MASTER, KAKAIN NA POOOOO!" malakas na sigaw ko.

Tignan lang natin kung hindi mo parin ako maririnig.

Malakas na pinaghahampas ko ang pintuan ng kuwarto niya. Nakita kong unti-unti narin namumula ang mga kamay ko ngunit hindi parin ako doon tumigil.

"KAKAIN NA! BUMABA KA NA MAHAL KONG MASTER! HINDI NA MAKAKAPAGHINTAY ANG PAGKAIN!" baka tumakbo ang pagkain.

Hahampasin ko na sanang muli ang pintuan nang magbukas ito.

Napahinto ako at pinasadahan ng tingin ang nag-uumapaw sa kaguwapohan at kakisigan ng aking kaharap.

S-Shit.

I bit my lower lip dahil sa nakikita ko. Nice view.

White sando na bakat na bakat ang katawan, abs niya. Ilan kaya 'yung abs niya? Nagsusumiksik na muscles. Kahit kaunting galaw lang ay nag f-flex sila. And a jogger.

Napailing ako. P-Pinagnanasaan ko ba siya?

Shit! Kalma, Luna. May Allan kana.

Pero aminin, mas yummy ang master mo. Halos sapukin ko na ang isang bahagi ng utak ko dahil sa sinabi nito.

Sold For PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon