CHEF DEANCharlie
Imposible.
Sa pagkakatanda niya, ang Ding na iniwan niya ten years ago ay patpating lalaki. Matangkad pero payatot. Mukhang kulang na kulang sa bitamina. Ang lalaking nasa harapan niya ay napakalaki. Halatang batak na batak sa kung anong exercise ang katawan. Even the chef's uniform that he was wearing was bulging from his pectoral muscles and biceps. The beard on his face added his masculine look and his head with bandana gave his persona an over-all edgy look.
He couldn't be Ding. And a chef? Tagaluto lang iyon sa karinderya ng nanay nito. The man in front of her looked like those famous chefs that she met abroad. Did she meet him before when she was in the US?
No. It couldn't be him. It's impossible to be him. And it's impossible that he could go and travel abroad. Mahirap pa sa daga ang lalaking iyon.
Ipinikit niya ang mga mata at pilit na inaalis ang mga alaalang pilit na pumapasok sa isip niya.
Kung paano sila nagkakilala.
Kung paano sila nagmahalan.
Kung paano sila nagtanan.
Kung paano niya ito iniwan.
Shit.
"Charlie, this is really a surprise." Noon lang siya natauhan at napatingin sa gawi ni Armando. "What are you doing here again?"
"I-I have something that-" hindi niya masabi ang mga dapat niyang sabihin. Napatingin siya sa gawi ni Ding at nanatili lang itong nakatingin sa kanya. Bakit ba ito nakatingin sa kanya?
Pero sa paraan ng pagkakatingin na iyon, kitang-kita niya na hindi ito natutuwa na nagkita silang muli.
Inirapan niya ito. The feeling was mutual. She doesn't want to see him too. Kahit sa panaginip, hindi na niya pinangarap na makaharap itong muli. Ibinaon na niya sa limot ang lahat ng alaala niya para sa lalaking ito.
Pinilit niyang pinakalma ang sarili at taas-noong tumingin kay Armando.
"Thea asked me to be here. She wanted you to sign this." Iniabot niya dito ang kopya papeles na ipinapabigay ni Thea.
"And what could this be? A love letter? Talaga ang asawa kong iyon. Magpo-profess lang ng pagmamahal niya sa akin ipinapadaan pa sa iba." Nakangiting sabi ni Armando tapos ay tiningnan ang mga papel. Pero nang mabuklat nito ang papel ay nakita niyang sumeryoso ang mukha ng matandang lalaki tapos ay tumingin sa kanya. "She asked you to bring this to me personally?"
"Yeah. You don't want to face her lawyers. Can you please sign it? I need to get back to Manila today. I have so many clients to attend. Pinakiusapan lang talaga ako ni Thea tungkol diyan. Hindi ko lang talaga siya mahindian." Nasa tono talaga niya ang pagmamadali.
Napatango-tango ito at itiniklop ang papel tapos ay ibinulsa.
"Did you eat your lunch? My personal chef here cooks the best food in town. You know Chef Dean?" Tinapunan nito ng tingin ang lalaki.
"Dean?" Tumaas ang kilay niya at tumingin sa lalaki. Nagpalit na ba ng pangalan ang Donato Alvarez na ito?
"Yeah. Chef Dean Alvarez. A well-known chef here and abroad. You better taste his famous Filet of prime beef tenderloin with tartar sauce. Mouth-watering." Hinawakan siya sa braso ng matanda at pilit na pinapalakad papasok sa dining.
BINABASA MO ANG
DELICIOUS TROUBLE (Kitchen Lover Series 1)
RomanceDELICIOUS TROUBLE (Kitchen Lover Series 1) Famous designer Charlie de Vera promised not to look back to the old life that she had. But when her mentor asked her to do something that she couldn't say no, she was forced to go back to her hometown. Mem...