Chezkill Glimmohr Limson
NAKAKABAGOT ang mga diskusyon ng mga prof namin. Nawawalan ako ng ganang matuto lalo na kung ang mga tinuturo nila ay alam ko na.
Hambog!
Oo! Isa akong hambog! Hambog lang ako kung may ibubuga din naman ako.
Edi! Kahambugan nga!
Ayst, nakakagulo naman o! Ano pa kasing pag-titiwalag ng isipan ko sa gusto ko? Nagtuloy-tuloy lang sa pagtuturo ang professor namin, ang dami niyang dinada, mauuwi lang pala sa dismissal at may papasok na namang bagong professor. Nasa panghuling section kami ng fourth year high school, ipinagmamalaki kong ipapakilala ang Section D.
Ang Section D ay ang huling section na nabuo, nabuo hindi dahil sa kagustuhan ng namamahala rito sa Rio High kundi kami mismong mga estudyante! O! Ano kayo ngayon?! Wala ganyan katindi ang dulot namin sa namamahala nitong school na 'to. Ikaw ba namang estudyante pero dinaig pa ang guro sa daming alam! Syempre, alam sa mga kalokohan. Everyone says high school life is the most memorable and happiest part of being a student. Nandito na kasi lahat sa high school: ang mga kalokohan, katalinohan, at iba pa. Di ko na maisa-isa, napakarami e.
Ang section namin ay may katumbas lamang ng 18 estudyante. Bakit? Dahil kami nga mismo ang nakapagbuo nitong section na 'to, kukunti lang din ang pumapasa sa standards ng section namin. Kung meron mang nakakapasa, gagawa ng paraan para malipat. Takot lang nila sa amin! Kaya naming gawing miserable ang buhay estudyante nila, gaya ng naranasan namin ng mga classmates ko ngayon. May lima kaming babae, dalawang bisexual, at labing isa kaming lahat na lalaki. I mean, labing tatlo sana kaso bisexual nga ang dalawa.
I'm Chezkill Glimmohr Limson, Kill na lang para short, and I can make your life too short too. Di ko maitatangging gwapo ako. May katangusan ang ilong, mahahabang pilikmata (hindi ako bakla ha!), may mapupulang labi, nonal sa ibabang parte ng labi ko, medyo singkitin ang mata pero di mawawala ang pagka-Pilipino ko. Syempre, proud ako bilang isang Pilipino! Kahit half pa'ko. At ang higit sa lahat ay ang magandang hugis ng mukha kong namana ko pa sa mga ninuno ko.
'Being proud of yourself is being sincere.'
Tanginang! Motto yan!
Hindi ako yung tipo ng cold person like what I've read in some pocketbooks. Ang nababasa ko kasi don ay parating cold ang mga lalaking bida sa istorya, walang pakialam sa mundo, at madalang kung makitungo o makipag-usap sa mga nakapaligid dito. Cold nga diba! Singlamig at singtigas din nun ng yelo! Common sense din! Ako, kasi yung tipo ng lalaking hindi cold, hindi rin masyadong nakikitungo sa nasa paligid ko, yung tipong (topakin ako!) May mga times na mabait ako sa mundo, may times din na salbahis! Oo, salbahis talaga! Gumagawa ako ng mga bagay na ayon sa gusto ko, kahit hindi na sang-ayonan ng lahat. Basta ako ay ako! Lumalamig lang ang timpla ko kung may bagay din na dapat pinanglalamigan. Pwede ang magiging himlayan mo!
Sa sobrang layo na ng nilakad nitong mapagmalaki kong utak, hambog kamo! Tsk. Namalayan ko nalang na tapos na ang diskusyon namin para sa unang klase namin sa umaga, at next will be our break time, then dalawa nanaman na subject for morning schedule namin. Pagkatapos, susunod ang lunch at last is the three subjects for our afternoon class.
"Okay class, dismiss! You may take your break now, see you tomorrow," umalis na ang English professor namin ngayon at ang pag-alis niya ay nagdulot ng matinding selebrasyon!
"Ayan na! Makakain na rin ang baby tiyan ko!"
"Wohoooh! Pagkain is life!"
"Tch! Pagkain talaga ang nasa utak mo Cien."
"Eh, ano bang pakialam mo! 'Piste!'"
"Pristy! Hindi 'Piste!'"
Ayun na nga ang kinalabasan sa pag-aaway sa pagitan nina Pristy at Cien. Napailing na lang ako sa nangyayari lalo na nang makisali pa ang iba.
YOU ARE READING
Ang Section D Barkada Series#1 (Ongoing)
Teen Fiction-Taglish- Ang Section D, kahit na panghuli sa rankings, ay nangunguna sa pagkakaisa. Sa samahan, walang makakatalo sa kanila-mapaaway man o basagan. Lahat ng klase ng estudyante ay nandito: tupakin, isip-bata, badboy/badgirl, nerd, maangas, at boyis...