Third Person
MATAMAN na nakamasid si Heuth sa likod ng pinto, kitang-kita niya ang paghihirap na ginagawa ng mga taga-Section B. Hirap na hirap ang lalaking bugbog-sarado, nakaluhod na ito sa sementadong sahig.
Dating classroom ang nasa ikalawang palapag. Kahit luma na, makikita mo pa rin ang mga tambak na lumang silya sa likod, binibigyang espasyo ang gitnang bahagi kung saan nakahandusay ang lalaki. Nakapikit na ang isang mata nito dahil sa pasa.
Marahas na huminga si Heuth nang makita kung paano sa ikalimang beses ay pinalo ang lalaki, dahilan para tuluyan itong mawalan ng malay. Siguro'y dala ng sobrang sakit, pagod, at pamamanhid ng katawan.
"Wala palang ibubuga! Ang yabang-yabang, wala rin namang nagawa!" sabi ng lider ng grupo habang tinuturo-turo ng baseball bat ang nakahandusay na katawan.
"Ano na, Klerk? Anong gagawin natin dito?"
"Dadalhin sa ospital?" Singit na tanong ni Heuth.
Lahat sila napalingon sa pinto nang marinig ang boses ng dalagang lumabas mula sa likod.
"Heh! At sino ka naman?" Paangil na tanong ng lider.
Humakbang si Heuth papasok at tiningnan sila nang diretso.
"Kayo? Sino kayong mga unggoy at anong ginawa niyo dito?" Tinuro niya ang lalaking nakahandusay.
Napangisi ang mga taga-Section B, di makapaniwalang tinawag silang "unggoy."
"Ano bang paki mo, babae ka? May magagawa ka ba? Pipitsuging babae lang naman ‘yan," sabi ng lider, sabay halakhak. "O baka gusto mo kaming pasayahin?"
Napangiti nang malupit si Heuth, umarko ang kilay.
"Sige, pero ipaparanas ko muna sa inyo ang impyerno bago ang ‘sarap’ ng kalangitan," sagot niya.
Biglang nawala ang ngiti sa mga mukha ng Section B. Sino ba ang babaeng ‘to? Paano siya mananalo laban sa higit sampung lalaki?
Nagtaas ng kamay ang lider bilang hudyat ng pagsugod ng kanyang mga tauhan.
"Tingnan natin kung hanggang saan ang kayabangan mo, babae!"
"Heh! Hindi lang hanggang saan, kundi kung ano ang magagawa ko," sabi ni Heuth bago umiwas sa unang sumugod sa kanya.
Hinawakan niya ang braso ng lalaking may hawak na dos por dos, tinuhod ito sa sikmura, at sinipa palayo. Sunod-sunod ang sumugod, pero iniiwasan niya at pinalagan ang bawat atake—sipa, suntok, iwas, at ganti.
Bigla siyang natamaan sa likod ng isang hampas, pero agad niyang hinatak ang lalaking umatake at inihampas ito sa pader. Sinuntok niya ito sa sikmura, saka pinulot ang baseball bat na nahulog.
Ngayon, nakaharap si Heuth sa lider ng Section B. Nakahandusay ang ilan sa mga kalaban, bugbog-sarado, may mga sumuka ng dugo, at ang iba’y hindi na makadilat.
Nanginig ang lider sa nakita. Sino ba itong babaeng to?
Samantala, di mapakali ang mga taga-Section D, nag-aalala para sa kaklase nilang si Blaizer, na hindi pa rin nagpapakita. Ang huling natatandaan nila ay kasama nila ito kahapon bago umuwi. Hindi rin ito nakauwi, ayon sa mga magulang nito.
"Kill, saan kaya nagsuot si Blaizer?" tanong ni Lester.
"Blaizer? Mas pipiliin pa nun ang matulog kaysa gumala," sagot ni Kill.
"Babes, ano bang nangyari kay Blaizer? Bakit hindi umuwi?" drama ni Mil.
"Tigilan mo ang kadramahan mo, Mil! Di bagay sayo," sabat ng isa.
YOU ARE READING
Ang Section D Barkada Series#1 (Ongoing)
Teen Fiction-Taglish- Ang Section D, kahit na panghuli sa rankings, ay nangunguna sa pagkakaisa. Sa samahan, walang makakatalo sa kanila-mapaaway man o basagan. Lahat ng klase ng estudyante ay nandito: tupakin, isip-bata, badboy/badgirl, nerd, maangas, at boyis...