Heuthale Blr Rio Grande
NAGISING ako na habol ang hininga, tuyo ang lalamunan at pawisan. Sinubukan kong tanawin kung nasaan ako. Nang makita ko ang buong kwarto, napagtanto kong nasa hospital ako. Halos puti lahat ng paligid maliban sa kulay tsokolate ng pinto.
Sinubukan kong umupo, pero sumakit ang tagiliran ko kaya napahawak ako sa benda. Dahan-dahan akong umupo at isinalarawan ang ulo at kalahati ng katawan ko sa headboard ng kama. Doon ko lang nakuhang makapag-relax. Nilinga ko ang kanan ko at nakita ang baso ng tubig. Inabot ko ito kahit na masakit, saka ko ininom.
Sarap!
Paano nga pala ako napunta dito? Binalikan ko ang mga nangyari. Naalala ko na pagdating ko mula sa South Korea, sinalubong agad ako ng putukan ng baril. Lintek! Mga walanghiya talaga ang mga iyon.
"How is she, Doc?" Sa boses pa lang, alam ko kung sino ang kumakausap sa doktor. Wala talaga silang pakialam sa akin. Kahit pagpunta dito, hindi nila magawa.
"Natanggal na namin ang bala, so you don't have to worry, Mrs. Arellano. She just needs rest to regain her energy."
"Thank you, Doc."
"So if you'll excuse me, I have something to finish."
"Okay, Doc. Thank you ulit."
"Anything for my patient." Narinig ko ang yabag ng doktor na umalis, kasunod ang pagbukas ng pinto.
"My god! Thale! Anong nangyari sa'yo?" Ang tita ko, kapatid ng ama ko sa labas, ay nag-alala at walang hirap na lumapit sa akin. Kahit na anak siya sa labas, hindi siya mapapalitan sa puso ko dahil sa kabutihan niya.
"Ayos lang ako, tita. Wala naman pong masakit." Pero ang totoo, masakit ang lahat. Hindi lang ang sugat ko, kundi ang pagkukulang nila sa akin—hindi pagdalaw o pagpunta para sa akin. Physically, mentally, and emotionally hurt ako.
"Sigurado ka ba?" Tumango lang ako sa kanya. Naubos lahat ng lakas ko, unti-unting bumabalik.
"Ako ang inatasan ng mga magulang mo na asikasuhin ka. Busy kasi sila, alam kong alam mo iyon. At ako rin ang mag-aasikaso sa lilipatan mong school. Actually..." Nag-aalinlangan siya sa susunod na sasabihin. "Doon ka sa Rio High mag-aaral."
"What?!" Nagulat ako sa sinabi niya. Tumango lang si tita, kaya napapikit ako dahil sa kirot sa tagiliran ko.
What are they thinking?
"Alam mo naman siguro kung nasaan ang office diyan?"
"Yes po, tita. Alam ko na ang pasikot-sikot dito. Huwag kang mag-alala." Kanina pa si tita nag-aalala kung alam ko ang mga dapat malaman. Syempre alam ko na! Don't worry.
"Naniniguro lang ako, Thale. Baka maligaw ka pa, kaya mabuti nang siguradong alam mo. By the way, napasa ko na kay Dean lahat ng requirements mo. Ang gagawin mo na lang ay i-check kung may kulang ba o sobra, at itanong mo na rin kung anong section ka. Sana pala pinasamahan muna kita kay Ayu."
"Okay lang talaga ako, tita. Nasa tapat na nga po ako ng office ni Dean e. Sige na po, ibaba ko na ito."
"Sige, umuwi ka agad pagkatapos mo diyan."
"Opo."
"Bye, Thale! Ingat ka dyan."
"Kayo rin po. Bye."
YOU ARE READING
Ang Section D Barkada Series#1 (Ongoing)
Teen Fiction-Taglish- Ang Section D, kahit na panghuli sa rankings, ay nangunguna sa pagkakaisa. Sa samahan, walang makakatalo sa kanila-mapaaway man o basagan. Lahat ng klase ng estudyante ay nandito: tupakin, isip-bata, badboy/badgirl, nerd, maangas, at boyis...