Heuthale
GUMISING ako ng maaga at naligo para sa school. Pagkatapos, nagbihis ako ng maroon skirt above the knee, white blouse with black necktie, maroon blazer, white knee socks, at black school shoes na may one-inch heels. Tinali ko ang buhok ko at kinuha ang Korean-style black and pink bag ko.
Pagbaba ko sa dining, nakita ko sina Tita, Ayu, at Baby Ykamaui. Nang makita nila ako, ngumiti sila kaya ngumiti rin ako sa kanila.
"Good morning ateh!" bati ni Yka. Pinisil ko ang pisngi niya.
"Morning, my little bunny."
"Ateh! Sabi ni Mama, pupunta ka sa school," sabi niya.
"Oo, baby. Pupunta si ate sa school."
"Sana maging katulad mo rin po ako at mag-aral sa school mo."
Ngumiti ako. "Kapag nasa tamang edad ka na, puwede kang mag-aral sa school ko."
Maayos ang breakfast kahit wala sila Tito at Kuya Demon dahil may Maaga silang meeting.
"Helmet mo, cous," sabi ni Ayu. Inabot ang helmet na suot niya, umangkas kasi siya sa motor ko. Maaga kaming nakarating sa school and thank God for that. Ayukong ma late no.
Nang matapos ko ang pag-aayos ng motor, inaya ko si Ayu sa room nila, ihahatid ko lang siya.
"Di mo na sana kailangang mag-abala," sabi niya.
"Wala namang problema. Gusto ko lang malaman ang section mo." Napansin kong parang may tinatago siya.
"May problema ka ba?"
"W-Wala. Tara na!" Hinila niya ako na parang may tinatakasan kami.
"Slow down, cous!" reklamo ko.
"Ay! Sorry!" Pilit na ngumiti siya at naging normal ang paglalakad namin.
Marami nang estudyante sa paligid at halos lahat ng mata ay nakatuon sa akin. Binalewala ko ang mga tingin nila at nagpatuloy sa paglalakad.
Narinig ko pa ang mga bulong-bulongan nila.
"Who is she? Is she the transferee?"
"Yeah! She is!"
"Saang paaralan siya nanggaling?"
"Balita ko kakarating lang galing Korea."
"Tega Negros daw yan."
"Ah, probinsyana!"
"Another rude girl!"
"In fairness, bagay sa kanya ang uniform natin."
"Truelalo, neat tingnan. Not like the others feeling magaganda!"
"Are you referring to us?!"
"Look who's talking."
Napahilot na lang ako sa sentido ko, sobrang ingay talaga nila! Hindi man lang nahiya, nagbubulongan pero rinig na rinig mo. Nasaan ang hustisya doon? Mga tanga din eh!
Huminto na kami sa harap ng isang classroom. Malinis, well-organized, at maingay ang mga lalaki. The hollycow!. Lahat sila lalaki, at ang pinsan ko lang ang nag-iisang babae dito. Sinuyod ko ng tingin ang buong classroom.
Section Butter
What?! Butter? Seriously? Sino naman ang nakaisip na butter ang ipangalan sa isang section?
YOU ARE READING
Ang Section D Barkada Series#1 (Ongoing)
Teen Fiction-Taglish- Ang Section D, kahit na panghuli sa rankings, ay nangunguna sa pagkakaisa. Sa samahan, walang makakatalo sa kanila-mapaaway man o basagan. Lahat ng klase ng estudyante ay nandito: tupakin, isip-bata, badboy/badgirl, nerd, maangas, at boyis...