shet! malalate na ako! bat ba kase di nag alarm phone ko pakshet! 6:45 a.m na putangina!
nagmadali akong nag ayos ng uniform at kinuha ko ang bag ko at nilagay ang mga gamit ko galing sa lamesa, tinanggal ko sa charge ko ung cellphone ko at kinuha ko ung hinandang baon ni nanay.
nilock ko ang pinto at tumakbo ako papunta sa bisikleta ko, nilagay ko ang bag ko sa basket. binilisan ko ang pagpadyak syempre late na eh, nakarating naman ako pero muntikan na ako mabangga ng jeep. parang nalaglag puso ko dun, pero nandito nako sa school!!
tiningnan ko ung oras at 7:00 a.m na kaya nagmadale ako lalo.
dumaan ako sa backdoor at nakita ko wala pa si sir, yes! tiningnan ko ulit ung orasan ko at 7:20 palang at umupo na ako sa aking pwesto sa gitna, nakita ko si akio nakikipaglandian nanaman sa mga classmate namen.
kung tinatanong niyo kung sino si akio, ang buong pangalan niya ay akio tanaka at, siya ang tanging kong kaibigan na sinasabihan ko ng mga sikreto at problema ko dahil magkaibigan kami simula bata pa.
taga-japan sya tumira sila sa pilipinas simula nung 8 siya at kapitbahay pa namin sila kaya naging kaibigan kami.
di pa siya marunong magtagalog pero marunong siya mag-english, kaya natuturuan ko siya tuwing nandun siya sa bahay namin.
"huy tama na yan!" sigaw ko, tiningnan naman ako ni akio.
"ano ba yan ethan bat late ka?" nilapitan ako
"eh gago kase ung cellphone ko eh, di nag alarm"
"tara palitan na naten" pabiro niyang sinabe
"ay kiki, samahan mo ako sa ukay mamaya"
"pota ka anong kiki? gusto mo ba ng away?"
"joke lang naman"
"subukan mo sabihin ulit un, uupakan kita" tinaasan niya ako ng kamay
"di ko na po uulitin sorry po"
"so, gusto mo nanaman pumunta sa ukay?"
"of course! hindi mo ako nasamahan nung inaya kita nung nakaraan eh" inirapan ko siya
"pano naman kase si sir garcia" ang bulong sakin ni akio habang anglaki ng ngiti niya, yung tinutukoy ni akio ay yung p.e teacher namin sa si sir noah garcia pure filipino na lumipat sa america para lang magaral.
"ano nanaman kay sir garcia?"
"nagpasama saken si sir na kunin yung mga libro naten" kilig na kilig na sinabi ni akio
"kilig na kilig ka naman jan, tsaka wag ka maingay! baka marinig ka pa nila gago!" ang sigaw-bulong ko sakanya.
"sus, di naman tayo maririnig tas parang siya walang crush kay si-" bago matapos niya ung sinasabi niya biglang nagring ang bell namen.
"mamaya na nga lang, pagiisipan ko" bumalik si akio sa kaniyang upuan.
pumasok na yung poging teacher este si sir miller. yes, i'm gay pati na rin si akio. nalaman ko na gay ako nung nagkakafeelings ako sa isa naming classmate na lalaki dati.
pero, di alam ni mama na gay ako kase natatakot ako, maraming reasons kung bakit. at iniiwasan kong ipaalam sa mga classmate ko because of personal reasons.
kay akio lang ako nakapag amin noon tas umamin na ren siya sakin na gay rin siya, tas yun lalo kaming naging close.
pero, hindi namin type ang isa't isa. mataas yung standards ko! joke, basta ganun.
si sir ang unang subject namen, his subject is music. ang iisang subject kung saan ako nakikinig talaga, joke. nakikinig rin naman ako sa ibang subject pero, paborito ko talaga ung music.
BINABASA MO ANG
Ukay Tamis
Romance"sir?" "oh ethan! what are you doing here?" "ah nag titingin po ng clothes po sir" "really? do you have a specific type?" "you po" "what?" "what?"