pangapat

4 1 1
                                    

nakauwi na ren! hayss napagod ako sa pagbike ko grabe.

pinark ko ung bike ko sa parkingan ng mga bike at kinuha ko ung bag at plastic bag na nasa basket, at nilock ko ung bike ko.

nakita ko si marsh sa labas ng bahay natutulog, pinet ko muna siya bago ako pumasok sa bahay "ma! nandito na po ako!" sigaw ko.

"kumain ka na ba nak?" sigaw saken pabalik ni mama

"opo ma!" sigaw ko bago pumasok sa kwarto ko, binato ko ung bag ko sa may gilid ng kama at humiga.

tangina bat ko pa kase nakita yung gagong un? kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko at tinawagan si akio.

"aki, nasan ka?"

"nasa bahay baket?"

"punta ka dito dali"

"baket?"

"nakita ko nanaman yung hinaupak na yun"

"ANO??!! SANDALE PAPUNTA NA AKO"

binabaan ako ni akio, tangina naman kase. di ko mapigilan ang luha ko na umagos dahil bumalik sa isip ko yung nangyare.

_____

nakahiga ako sa kama at walang magawa nanaman sa buhay palibasa weekend, tawagan ko kaya si jason? pero baka busy siya eh, sabi niya sakin may project raw sila nung kaibigan niya. pero hindi ko ren mapigilan sarili ko at tinawagan siya.

nagring ng matagal tas sumagot na siya!

"hello jay, nasan ka?"
"ah, nasa bahay ng tropa ko, baket?"

"wala lang, wala kase ako magawa sa bahay. gusto ko sana tanong sayo kung gusto mo ba samahan ako sa ukay?"

"ah, sorry than may ginagawa kameng assignment eh, bukas nalang"

"ah ganun ba? sige ako si akio nalang aayain ko, good luck sa assignment niyo! i love you!"

"sige salamat bye"

at binabaan niya ako, hindi manlang nag-i love you. pero naiintindihan ko naman, nasa bahay siya ng tropa niya eh, baka magtaka na sino yung pinag-i-i love you han nya.

tinawagan ko si akio pero di siya sumagot, hayop yun. pag siya tumawag ren sakin di ko ren siya sasagutin. naka-ilang tawag na ako sakanya at sa wakas sumagot!

"hello?" grogy na pagsagot ni akio

"huy naka-ilang tawag na ako sayo bat ngayon mo lang sinagot?"

"kakagising ko lang eh"

"tanghali na at ngayon ka lang nagising?"

"oo bakit ba?"

"hayss bahala na nga, samahan mo ako sa ukay"

"bat wala ka nanaman magawa jan sa bahay at gusto mo naman gumastos?"

"ganun na nga"

"bat ayaw mo ayaain ung labidabs mo?"

"gagu anong labidabs? nasa bahay raw siya ng tropa niya gumagawa raw sila ng assignment"

"sus assignment, palusot lang yan. alam mo ayaw ko jan sa jowa mo. masama kutob ko sa kanya"

"wag ka naman ganyan, may tiwala naman ako sakanya na hindi niya gagawin yun"

"ay bahala ka, magaayos lang ako at pupunta ako jan sa inyo"

"sige sige, mag aayos lang ren ako"

binaba ko na ung call at nag palit ako ng damit, pagkatapos nun nqgpabango ako at kinuha ung wallet at cellphone ko.

nagpaalam kay mama at umalis, paglabas ko nandun na si akio nakatambay lang sa labas.

"ano tara?"

"tara!"

tumawag kami ng tricycle at pumunta sa paborito naming ukay ukay. nung dumating na kami pumili na kami ng mga damit na bibilin namin.

nagaya si akio na kumain sa mcdo, pag pasok namin may nakita akong pamilyar na lalake na nakapila at may babaeng nahawak sakaniya.
nung paglingon niya nakita ko na si jason pala yun. napatigil siya sa paglakad at gulat na nakatingin sakin, di ko na malayan na tumulo yung luha ko.

"e-ethan"

hinila ako paalabas ni akio habang si jason tinatawag ako. hindi ako makapaniwala na may iba na pala siya, hindi ako makapaniwala na nagsinungaling siya sakin. tuloy ang pagbagsak ng luha ko habang tumakbo kami paalis ni akio.

tumigil kami sa may gilid ng kalsada na walang masyadong tao "e-ethan okay ka lang?" hingal na pag aalala ni akio.

"h-hindi, bat kasi n-nagsinungaling siya?" nasabi ko sa gitna ng pagiiyak ko.

inakap ako ni akio at lalong tumindi ang pag-iyak ko, ngayon lang nakita ni akio na umiyak ako. ngi-isang beses ako umiyak kahit nung pinapagalitan ako ni mama o nadapa ako.

pero ngayon? di ko talaga mapigilan, masakit eh. kala ko naman, makakapagtiwalaan ko siya, kala ko naman, yung magiging first boyfriend ko magiging last ko. hindi pala, putangina naman kase eh.

habang inaakap ako ni akio nagriring yung phone ko, kinuha ni akio yung phone ko at tingnan kung sino tumawag. nung pagkita niya agad niyang binababa, kaya alam ko agad kung sino yung tumawag. si jason.

"uwi nalang tayo ethan tapos, dun ka nalang muna matulog samin" sabi sakin ni akio

tumango nalang ako at tumawag siyang tricycle pauwi, nung nakarating na kami di parin tumitigil ang pagring ng cellphone ko.

kinuha ulit ni akio cellphone ko at binlock si jason. pumasok kami sa kwarto niya at pinaupo ako sa kama niya, di parin tumitigil yung luha ko hanggang ngayon.

"kuha kita tubig sandali lang" sabi ni akio bago siya lumabas.

tiningnan ko yung cellphone ko at nakita yung mga messages ni jason na nakikiusap, na kaibigan niya lang raw siya at natisod lang yung babae kaya nakahawak, bullshit.

sa tingin niya ba tanga ako? na maniniwala na natisod lang yung babae tas hinawakan yung braso niya at hindi na bumitaw? gago ba siya? dinelete ko yung number niya at umiyak lalo.

pagkatapos nung araw na yun hindi ko na siya kinausap, iniiwasan ko siya tuwing dumadaan siya sa hallway namin. hindi ko siya pinapansin tuwing sinusubukan niya akong kausapin.

tas nung summer break na namin sinabi ko kay mama na lipat ako sa school ni akio, kase gusto ko siya kasama. buti nalang pumayag sila mama.
____

"NANDITO NA AKO ETHAN!" sigaw ni akio nung pagbukas niya ng pinto.

"a-aki" iyak ko

lumapit sakin si akio at inakap niya ako "kwento mo sakin lahat ng nangyari" sabi sakin ni akio.

kinwento ko lahat na nangyari at nanggalaiti ren si akio sa ginawa ni jason.

"ang kapal naman ng mukha niyan! pagkatapos ka niyang saktan gusto ka pa niya kausapin, ano yung sasabihin niya? magbalikan kayo? nako hinding hindi ako papayag!" galit na sinabi ni akio, dahil sa mukha niya natuwa ako ng konti.

"pero buti nalang nadun si sir, tinulungan ka niya"

"oo nga eh, magpapasalamat ako kay sir sa monday"

"ay! oo nga pala! binilan ako ni sir ng damit
pagpapasalamat niya raw sakin" sabi ko habang kinuha yung plastic bag.

"ay grabe, may paganun pa"

"dapat nga ako magpapasalamat eh"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ukay TamisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon