lunch break na!!!! woohooo!! tumayo ako sa upuan ko tas lumapit kay akio "huy wag mo sabihin nagtatampo ka paren?"
"ako? nagtatampo? nako hinde" tanggi niya. nako, ito nanaman siya.
"wag ka nang umarte jan, tara na"
tumayo na si akio at biglang nag tiliian ang mga babae sa klase namen, lumayo nalang kame ni akio sa eksena.
"kuya ethan!" tumingin ako kung saan nangaling ang sigaw at nakita ko si ivan na kumakaway, lumapit naman ako pero puta andameng babae di nalang ako nakipagsiksikan, si ivan nalang lumapit.
sinamaan ako ng tingin ng mga babae, baket kayo galet? ako ba ung may kasalanan na ako hinahanap ni ivan? grabi talaga yung mga babae na yan.
"tara na?" tanong niya, tumango ako tas lumapit kame kay akio.
"ay ivan, ito ung friend na sinasabi ko sayo si akio tanaka"
"ah siya ba yan, nice to meet you po" bati ni ivan kay akio tas si gaga nakangiti "huy, wag ka nang magganyan turing mo nalang ren saken parang kuya, tara na nagugutom na ko" sinabi ni akio habang hinihimas ung tiyan niya
"okay po kuya tara na" sabi ni ivan, habang palabas kami nakita ko si sir miller kasama ung junior nameng si marcus de marco, isa ren siyang rapper parang si ivan pero may jowa na singer sa school na si ambus reyes.
gulat nga ako nung naging sila, torpe ung si ambus halata na may gusto ung isa, di pa rin siya naniniwala. openly gay si ambus at si marcus bi, at hindi nila tinatago na magjowa sila. sana magawa ko rin yun, eh yung gusto ko naman halatang bawal na maging kami.
tas si sir naman magulo yung buhok, parang na-stress siya. di ko nalang muna pinansin kasi kailangan na naming bilisan pumunta sa canteen. dadami ung mga tao, mawawalan kame seats.
nakarating na kami sa canteen, buti nalang makonti konti pa ung tao kaya nakakuha kami ng upuan.
"aki ikaw na magbabantay ng table naten?"
"oo basta alam mo na ung bibilin mo saken" nagfinger guns siya, inirapan ko nalang ung gago.
"ikaw ivan ano gusto mo?"
"a-ay uh, sama nalang ako sayo kuya, magtitingin nalang ako kung ano gusto ko" ngumiti siya, angkyut naman. para siyang bata na gustong ilagay ko sa bulsa ko pero shuta di siya kakasiya, masyado siyang matangkad
"sige, hoy aki bantayan mo yang pwesto naten wag ka mag pupunta kung saan saan" paala ko sakaniya
"oo na! wala ako sa mood maglayas kase nandun siya, hehehe" binulong sakin ni aki yung huling part. hayss, things they do for love.
"halika na ivan, baka humaba ung pila" hinila ko siya hanggang nasa counter na kame.
"oh mga hijo ano gusto niyo?" ngiti nung tindera
"dalawa pong tapsilog po, ikaw ivan ano gusto mo?" lumingon ako at nakatitig siya sa menu.
"ano nalang po saken, umm... tocino"
"sige, isa ren pong tocino at tatlong mineral water po"
"sige sandali lang" tumalikod ang tindera at hinahanda ang pagkain namin.
"kakatransfer mo lang ba dito?" tanong ko, might as well start a conversation than wait around in silence.
"opo, masyado akong naging busy, pero ngayon di na masyado kase binigyan ako break ng agency ko para mag-aral" hinimas niya ung batok niya, ang shy niya.
dati naman napakadaldal niya, halos ung buong buhay niya kinwento niya saamin nung mga contestant. tas hanggang balikat ko lang siya, papaalala ko lang sainyo na mas matanda ako dito ng 2 years.
BINABASA MO ANG
Ukay Tamis
Romance"sir?" "oh ethan! what are you doing here?" "ah nag titingin po ng clothes po sir" "really? do you have a specific type?" "you po" "what?" "what?"