Two

36 10 1
                                    

"What did you do to my lola's painting!? B-bakit kamukha mo 'yung lalaki sa painting?" I stuttered. "Don't go near me! Kung hindi ka magnanakaw, siguro isa kang... isa kang.."

"I am the painting."

Agad nanlaki ang mga mata ko. From his eyes down to his lips and his built, he really looks like the guy in the painting. Pero imposible. It's impossible that a painting became real!

"You summoned me, Reign. You're the reason why I became real."

Unti-unti akong napailing. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at muling mumulat. Agad akong nadismaya nang makita pa rin sa harap ko ang lalaki.

Sinampal ko ang aking pisngi. "This is just a dream. This is a nightmare. Come on, Reign, wake up!"

Nagsalubong ang mga kilay ko nang makarinig ng mahinang pagtawa. I look at him with disbelief.

"H-how?"

"Hiniling mong maging totoo ako, pero ngayong totoo na nga ako, gusto mo naman akong mawala."

"You're fooling me," I uttered as I slowly lift my guitar, "Sorry, but I am not a fool."

Kita ko ang paglaki ng mga mata niya nang ipalo ko sa kaniya ang electric guitar ko. Nasangga niya iyon pero nakita ko pa rin ang pagngiwi niya.

"Damn! Nagsasabi ako ng totoo."

"No! Isa kang magnanakaw. You stole the painting!" Muli ko siyang pinalo ng gitara ko. My poor baby.

"Stop! Huwag—I am saying the truth! Fuck!"

"Ha! Akala mo maloloko mo 'ko!"

Napatigil ako nang marinig ang boses ni lola at ate Anna. "Reign?"

Maya-maya ay bigla na lamang pumasok sa loob ng silid si lola at ate Anna.

"Reign, bakit ka sumisigaw? Didn't I tell you not to go here? Anong ginagawa mo rito?" Agad akong nakaramdam ng takot. Kahit maayos ang pakikitungo sa akin ng lola ko ay hindi pa rin kami ganoong ka-close.

I bit my lower lip. "Lola, i'm sorry," I uttered, "There's a thief... and—"

"Nasaan ang magnanakaw, Reign? Ayos ka lang ba? Bakit hindi mo kami tinawag!?"

Naitikom ko ang bibig ko nang makitang wala ng tao sa likod ko. Wala na ang lalaking kanina ay pinapalo ko pa ng gitara.

"H-he was just here. Nandito siya kanina." It was almost a whisper. "Lola.. I'm sorry, 'yung painting mo."

"Mabuti at hindi nanakaw ang painting ng lola mo."

Agad bumaling ang ulo ko sa painting at nanlaki ang mga mata nang makitang may naka-paint na ulit sa canvas. Nandoon na ulit ang lalaking kamukha ng magnanakaw.

"That's impossible."

I walk back and forth as I fidget with my fingers. Ilang araw na ang nakakalipas pero ginugulo pa rin ako nung nangyari nung isang gabi. Sinubukan ko ulit na makapasok sa kwarto kung nasaan ang painting pero naka-lock na iyon. Siguro ay nagdududa sa'kin si lola, she knows that I will go back there.

But why is she so overprotective for a single painting? Kung mahal man 'yun bakit pati ako na apo niya pinagbabawalan niyang makita man lang iyon. It's not like I'm gonna steal her painting.

Maybe she's hiding something from us.

Nang makarinig ng katok mula sa pinto ng kwarto ko ay agad akong bumalik sa kama at nagtalukbong ng kumot.

"Reign? Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?"

Nagpeke ako ng ubo at dahan-dahan inilabas ang aking ulo.

He Who Lives In The Painting ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon