Finale

73 10 10
                                    

I woke up to the sun streaming in the large windows of my room. I groaned. Mas lalo kong isiniksik ang mukha ko sa unan na yakap ko.

"Reign, it's getting late."

"Give me another minute, mom."

Tila hindi narinig ni mommy ang sinabi ko nang hilahin niya ang unan na yakap-yakap ko.

"Bumangon ka na diyan, may pasok ka pa."

Napasimangot ako at walang nagawa kung hindi ang tumayo mula sa higaan ko.

Ang tagal na rin mula nang nangyari ang bagay na 'yun. Marami nang nagbago, napapansin na rin ako nina mommy ngayon hindi dahil sa failures ko kung 'di dahil sa achievements ko. They even stop comparing me to my brother, maybe that's why we also became close to each other now.

"Good morning kuya." I smiled sweetly at my brother before I settled to my usual seat on our dinning table.

"Morning."

Napasimangot ako nang makitang wala na si daddy. As usual maaga siyang umalis para sa trabaho niya. It suck when you have a workaholic parents.

Kung may hindi nagbabago sa pamilya namin, iyon ay ang magiging workaholic ni mommy at daddy.

I heaved a deep sigh as I look at the familiar grave in front of me.

"I missed you, 'la," I uttered softly, "Sana ay mapatawad mo na rin ang sarili mo sa nangyari noon."

Napatingin ako sa hawak kong letter at naalala ang nilalaman nito. Sulat ito sa akin ni lola bago siya mawala. Nakasaad dito ang mga bagay na hindi niya sinabi noon.

It was shocking when I found out that Raven is her first love. It was stated in her letter.

Naging magkaibigan silang dalawa ni Raven hanggang sa mahulog si lola rito. She thought they has a mutual understanding not until Raven courted another girl.

Sobrang nasaktan si lola sa nangyare at naikwento niya ito sa best friend niya. Hindi alam ni lola na obsess sa kaniya ang best friend niya. Alam niyang wirdo ito pero kinaibigan niya pa rin at hindi niya inakalang ma-o-obsess ito sa kaniya. Hanggang sa isumpa nga nito si Raven. Maging iyon ay ikinagulat ni lola. She doesn't know that her bestfriend is a witch—an evil witch.

Ilang araw matapos maging painting ni Raven, namatay ang kaibigan ni lola at nawala ang painting. Pero bago ito mamatay, sinabi nitong makakalaya lamang si Raven kung may papalit sa kaniya bilang painting.

Madaming taon ang lumipas bago pa muling nakita ni lola ang painting ni Raven. Nabili niya ito sa isang antic shop. Ang libro naman na madalas niyang basahin noon ay pagmamay-ari pala ng kaibigan niya. Lola confessed that she stole that book from her friend.

Nag-aral si lola basahin ang mga nakasulat sa libro upang mahanap ang paraan para maalis ang sumpa. Nalaman nga ni lola ang paraan para maalis ang sumpa at kapalit noon ay ang  buhay niya.

She was ready to give up her life not until I go inside that room and able to summoned Raven from the painting.

May orasyon na ang painting na iyon bago pa ako magsimulang magbakasyon sa bahay niya at dapat siya ang papalit kay Raven sa painting. Pero dahil ako ang bumanggit sa pangalan ni Raven bilang painting, ako ang pumalit sa pwesto ni lola.

Ang mga tila tinta noon sa balat ko ay sensyales na nagiging isa na akong painting. At 'yung araw na pakiramdam ko tila may humihila sa aking malakas na puwersa ay ang araw na muntikan nang mapasa sa akin ang sumpa.

Hindi sinabi sa akin ni lola noon ang mga iyon dahil akala niya ay maaagapan niya ng maaga ang pagbali sa sumpa.

"Maayos na ang lahat lola," saad ko habang nakatingin pa rin sa puntod niya.

He Who Lives In The Painting ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon