Napansin ko ang pag-iwas ni Raven tuwing may mga bagay akong itinatanong sa kaniya nitong mga nakaraang araw. Agad niyang inililihis ang usapan tuwing tinatanong ko siya tungkol sa koneksyon niya kay lola at kung bakit siya isinumpa ng kaibigan nito. Halatang may bagay siyang ayaw malaman ko.If he didn't want to tell it to me, I will figure it out myself.
Nakatatlong katok ako sa pinto ng kwarto ni lola bago ito magbukas.
"Uhm..." Iginala ko sa loob ng kwarto niya ang aking paningin, mukhang nagbabasa na naman siya ng libro. Nakabukas ang kakaibang libro na madalas niyang binabasa at nakapatong ito sa kaniyang kama.
"May kailangan ka ba, Reign?"
Bumaling akong muli kay lola at ngumiti. "Ano pong ginagawa niyo?"
Ilang segundo niya akong tinitigan bago nagsalita. "Nagbabasa ako, apo. May kailangan ka ba?"
"Ano pong binabasa niyo?"
Nagsalubong ang mga kilay niya sa aking inakto. "Ano ang kailangan mo Reign?" Naging maotoridad ang boses niya. Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok dahil doon.
I gulped. "Lola... n-nahulog niyo ata ito nung isang araw."
I lifted my hand and her gaze fall on it. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang susi ng kwarto kung nasaan ang painting ni Real.
"Saan mo ito nakita?"
"Sa labas po noong kwartong malapit sa kwarto ko," I uttered in a small voice.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ni lola. Nagbukas-sara pa ang bibig niya na tila may nais sabihin pero walang namutawi ni isang salita mula rito.
Matapos kong maibigay sa kaniya iyon ay nagpaalam na akong lalabas para mamasyal. Pinayagan naman ako ni lola, she even gave me pocket money.
Nang makabalik sa kwarto ko ay nadatnan kong nakahiga si Raven sa kama ko habang nagbabasa ng libro. Nanlaki ang mga mata ko nang natanto kung anong libro ang binabasa niya. Agad kong inagaw sa kaniya ang libro. Halata namang nagulat siya sa ginawa ko pero kalaunan ay ngumisi rin.
"Di ba sabi ko huwag mong basta pakialamanan ang mga gamit ko!?" inis kong wika. Mas lalong kumurba sa isang ngisi ang labi niya.
"I didn't know that an innocent-looking girl like you would read books like that," he said smiling from ear to ear, "Hmm my Reign has a dirty little secret."
Agad nag-init ang pisngi ko sa tinawag niya sa akin at sa kadahilanang nalaman niyang nagbabasa ako ng erotic romance novel.
Nagbaling ako sa iba ng tingin. "Nagandahan lang ako sa book cover kaya binili ko. I-I didn't know that it was an e-erotic romance novel when I bought it."
Bumaling ulit ako sa kaniya at nakitang nakangisi pa rin siya. He look at the book in my hand and arched his left brow. He stood up from my bed and walks towards me. Bahagya akong napaatras at nagulat nang mabawi niya sa kamay ko ang libro. Agad niya itong itinaas para hindi ko maabot.
Iniharap niya sa akin ang libro at nakagat ko na lamang ang labi ko nang makitang nakasulat sa cover ng libro ang genre nito. I mentally slapped my forehead.
"Don't worry, my Reign's little secret is safe with me." Kinindatan niya ako bago ilagay ang libro sa mataas na parte ng cabinet ko, iyong hindi ko maaabot.
"Don't call me that!" I rolled my eyes on him.
"Sungit."
Hindi ko siya pinansin at nagtungo nalang ako sa drawer ko para kumuha roon ng damit.
"Pinayagan ka ba ni Josephine?"
Pinangunutan ko siya ng noo. "Can you not call my lola Josephine? She's older than you!" I spat, "Lumabas ka na nga, magbibihis ako."
He raised his hand like he's surrendering to the police before he go to my window. Doon siya dumadaan tuwing lumalabas kami.
These passed few days, madalas niya akong pinipilit na lumabas at gumawa ng kung ano-ano kasama siya. Hindi ko alam kung date ba iyon o trip niya lang talaga gumala. I don't wanted to be assuming but every time he invites me to go out, I hate how my heart reacts.
Ang alam ko pa sa sarili ko ay kuripot ako. Pero pagdating sa kaniya, parang okay lang kahit magkano 'yung nagagastos ko. Wala naman kasi siyang pera kaya ako ang gumagastos tuwing lumalabas kami. Sabi niya kapag tuluyan na siya nakalabas sa painting babayaran niya ako.
Mabilis lang akong nakapagbihis at nagtungo agad sa park malapit sa bahay ni lola. Doon kami madalas magtagpo ni Raven dahil hindi siya puwedeng tumambay sa gilid ng bahay habang iniintay ako.
Nang makapunta sa park ay nadatnan ko si Raven na nakaupo sa isang swing habang nakatingin sa isang matandang babae. My brows met upon looking at the old lady, she's somewhat familiar. Hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita.
"Hello to Earth Raven!" I snapped my fingers. Napakurap-kurap si Raven at bumaling sa akin.
He smiled. "Let's go?"
"Saan ba tayo pupunta ngayon?"
"You'll see."
I furrowed my brows upon seeing an old church in front of us.
"Anong ginagawa natin dito?"
"What do you think?" balik tanong sa akin ni Raven. "We need to decrease your sins, baby."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. How dare he! Hindi niya ba alam kung gaano niya napapabilis ang tibok ng puso ko na halos sumakit na ito.
"Say that to yourself."
Nauna na akong magtungo sa entrada ng simbahan. Bago pumasok ay dumawdaw ako sa holy water na nasa labas at nag-sign of the cross.
Nagsisimula na ang misa. Nang dumating ang punto na kakanta kami ng Ama Namin ay hinawakan ni Raven ang kamay ko. Gusto ko sanang bawiin ang kamay ko dahil pasmado ako pero hinigpitan niya lang ang kapit dito.
Matapos ang misa ay lumabas na rin kami ng simbahan.
"Reign."
Bumaling ako kay Raven nang tawagin niya ang pangalan ko. Agaw pansin siya dahil tumigil siya sa harap ng simbahan, pinagtitinginan tuloy siya ng mga taong lumalabas mula rito. Bumalik ako sa kinaroroonan niya at hinawakan ang kamay niya.
Sasabihan ko palang sana siya na ano ang inaarte niya nang magsalita siya.
"I hope you'll to remember this day."
"Rave—" He putted his index finger on my lips to shut me off.
"Remember that in front of this old church, there's a man who lived in the painting that confessed to you."
My eyes widened when he held my waist and he suddenly drawn closer into me until our lips meet. It was only for seconds but it still made my world stopped. Hindi niya binitawan ang bewang ko matapos akong halikan. Idinikit niya lamang ang noo niya sa noo ko bago bumulong,
"I like you Reign, I hope you'll remember that."
BINABASA MO ANG
He Who Lives In The Painting ✔️
Short StoryReign's parents would always send her off to her grandmother's province every summer breaks. She never wanted to go to the province if not for her parents. Until one day, she found out a mysterious room that got her interest. Her grandmother forbid...