"Ano ba bakit gabi ka na naman umuwi ?? Ikaw bata ka talaga !! Natututo ka na mag sinungaling!!"
Pumasok na ko sa bahay. Kakauwi ko lang galing com shop ginawa ko yung project namin. Nag paalam naman ako kay mama ehh
Ano bayan!
"Ma nag paalam naman ako sayo di ba ? Gumawa ako ng project ko. Bukas na to ipapasa." Sabi ko kay mama na galit pa din. Tsk nako naman
"Masyado ng gabi ?? Ano bang klasing proj. Yang ginawa mu ha ??"
Pasigaw na sabi ni mama di ko nalang siya sinagot baka kasi kung ano pa masabi ko.
"Natuto kanang mag sinungaling !! Yan bang natutunan mu sa mga barkada mu ha ?!!" Sabi na naman ni mama pumasok nalang ako sa kwarto para iligpit yung USB ko.
"Natututo ka na ding kumupit!!!"
"Nag titimpi lang ako sayo ikaw bata ka!!"
"Kung nasasakal kana dito lumayas ka!!! Bukas yung pinto tsaka bintana"
"Any time pidi kang lumayas."
Sunod sunod na sabi ni mama.
Ano ba naman yan--
Ako nangungupit ?? No way! Ganyan na ba talaga nila ako kakilala para pag sabihang nangungupit ?? Tsaka wag nila Idadamay mga kaibigan ko wala silang ginagawang masama.
Pinapakinggan ko lang yung mga sinasabi ni mama. Pinipilit kong palabasin sa kabila kong tenga yung masasakit na salitang sinasabi nila pero bakit ganun bumababa hanggang sa puso ko.
Parang tinutusok ako.
Nanglalamig na ko.
Nakayuko lang ako habang nakaupo at naririnig ang sinasabi ni mama na pilit ko namang pinapalabas sa kabila kong tenga.
Di ko namalayan tumulo na pala luha ko.
Lagi nalang ganto. Kunting pag kakamali ko lang di na nila naaalala yung mga tamang nagawa ko. Lagi nalang nilang nakikita yung pag kakamali ko di nila nakikita yung mga tamang nagawa ko.
Pilit kong pinupunasan yung mga luhang tumutulo galing sa mata ko. Ayuko makita nila akong umiiyak. Pero kahit anong punas gawin ko pilit parin silang lumalabas
Pumunta ako sa kwarto kumuha ng panyo sa drawer ko tapos pinunasan ko yung luha ko pag katapos bumalik na ko sa sala. Pero patuloy parin si mama sa pag sermon.
Okey lang naman sakin yung sermon kaso yung pag bibintangan ako ? Grabi lang talaga.
Gusto ko nang umalis dito.
Bakit ba kasi gantong buhay meron ako ehh.
Di ko to gusto
Di ko to ginusto.
Aalis na ko dito!
Tutal parang gusto naman nilang mawala na ko dito.
Kumain na ko ng hapunan tsaka nag ayus ng mga gamit ko sa kwarto.
Inantay kong mag hating gabi. Nag palit na ko ng damit. Ayan ready na ko.
Dahan dahan akong nag lakad at dahan dahan kong binuksan yung pinto at nilock.
Habang nag lalakad ako. Iniisip ko
Ano ng mangyayari sakin ngayon ? Saan ako pupunta ? Pano pang araw-araw ko ? Pano yung pag aaral ko ?Ahhhhh!! Basta bahala na! Gusto naman nilang mawala ako sa buhay nila ehh. Di naman nila ako mahal
(_ _ )
Nakayuko lang ako habang nag lalakad.
Habang nag lalakad may nakita akong mga taong nakahiga sa sahig mga tulog na sila. May poste na may ilaw kaya naiilawan sila tsaka di naman masyado nadadaanan ng tao tong part na ko. May space pa. Umupo ako don sa bakanti, tinabi ko yung bag ko tapos nilagay yung isang strap ng bag ko sa braso ko tapos niyakap ko yung binti ko sinobsob ko mukha ko sa tuhod ko. Di ko namalayan nakatulog na pala ako. Kinabukasan pag ka-angat ko ng ulo ko may supot sa harap ko. Kinuha ko agad tsaka tiningnan. May lamang pag kain tiningnan ko yung mga tao na nakahiga meron din sila. Sino kaya nag lagay nito ? Kinuha ko phone ko tiningnan ko anong oras na 5:34am palang pero ang liwanag na. Anyways kung sino man ang nag bigay nito salamat sakaniya may pang-umagahan ako.
pangatlong araw ko na dito sa lugar na to. Walang nag bigay ng pag kain nung tanghalian at hapunan tuwing umagahan lang. Sa tingin ko ayaw mag pakilala nun kung sino man yung taong yun.
Sinadya kong gumising ng sobrang aga para malaman kung sino yung nag bibigay ng pag kain. Narinig ko may kotseng huminto. Ayan na siguro yun. Naramdaman ko may nag lalakad palapit sakin tsaka rinig ko din yung tunog ng plastic. Ayan na habang nilalapg niya hinawakan ko yung kamay niya tsaka ko siya tiningnan sempre naninigurado ako na di niya makakatakas. Nakita ko s--
"C-cedrick ??!"
Gulat kong sabi
Si cedrick kaibigan ko. Mayaman siya kaya di na ko mag tataka kung bakit niya ginagawa to.
Ngumiti siya sakin tapos tumabi siya sakin
"Nabalitaan kong lumayas ka daw."
Panimula niya
"Oo nga."
Nakayuko kong sagot
"Gusto naman nila akong mawala don ehh. Kunting pag kakamali ko lang nagagalit na sila."
Dogtung ko.
"Walang magulang na gusto mawala anak nila."
Siya
Di nalang ako sumagot.
Maya maya
"Pano kana ngayon ? Ano ng balak mo ?"
Siya ulit
"Ewan ko di ko alam."
Di ko naman talaga alam.
"Dapat siguro kausapin mo magulang mo, pag usapan niyo yan." Tiningnan ko siya
"Sasamahan kita." Tapos ngumiti siya tapos hinawakan niya kamay ko.
Nagulat ako nung hinawakan niya kamay ko kaya napatingin ako.
"Ayaw ko kasing nahihirapan ka." Sabi niya
"C-cedrick.... "
Wala akong masabi di ko alam dapat kong sabihin.
"Sige ganto nalang don ka muna samin habang di ka pa handa tapos pag handa kana tsaka na tayo pumunta okey ba ?"
Sabi niya dahilan para mapatingin ako sakaniya.
"Seryuso ka ba ?"
Di ko alam dapat kong sabihin
"Oo mukha ba kong di seryuso ?"
"Kasi naman di birong bagay yang sinasabi mo ehh."
Sabi ko
Sa huli napapayag din niya ako. At seryuso talaga siya.
Maraming salamat sakaniya di ako napariwara.
Hanggang sa nahulog loob ko sakaniya...
At nalaman kong matagal na niya akong mahal kaya niya pala ako tinulungan.
BINABASA MO ANG
Romantic Disaster
Cerita PendekThis is Just a short stories Hope you'll Like it guys :) Pls Vote and Comment naman jan ohh :3 Mabait ako Promises ^^) -PiggYna^(oo)^