Chapter 5

1K 29 3
                                    

Chapter 5

Fiona PoV

Gabe na ng matapos kaming mag-bonding ni Samantha.Kanina ko pa sana gustong umuwi dahil baka malaman ni duke na wala ako sa bahay kaso ayaw akong pakawalan ni Samantha.

"Thank you Gab.Hihintayin kita sa party ko"nakangiti akong tumango kay Sam bago bumaba sa sasakyan.

"Gab!"ah-how i miss hearing that word from Samantha.I whispered to my self.

Napatalon ako sa gulat ng may marinig akong pamilyar na boses na galing sa itaas ng hagdan.Nabitawan ko ang mga dala kung paper bags dahil sa gulat

"Saan ka galing?"madiing sambit ni Duke habang matalim ang matang naka tingin sa akin.

"D-duke nakauwi kana pala"mahina kung bulong habang pinipigilang manginig ang aking boses."Nakakain kanaba?Sandali at ipaghahanda kita"dali-dali kung pinulot sa sahig ang mga paper bag na pasalubong ni Sam at handa na sanang tumalikod ng mag salita ulit si Duke

"Tinatanong kita Fiona Gabriel,Saan ka ng galing?"sigaw nya mababakas na ngayon sa gwapo nyang mukha ang galit

"I-i...Ahm D-uke kasi a-ano ahm"nanginginig na ang katawan ko sa takot.Gusto kung mag paliwanang kaso walang lumalabas na salita mula sa bibig ko

Nagmamadali syang bumaba mula sa hagdan habang hindi pinuputol ang malamig na tingin sa akin

Mariin nyang hinawakan ang magkabilang braso ko at matalim akong pinukol ng tingin.Bumaba ang tingin nya sa mga dala kong paper bags bago ako binalikan ng matalim nyang mata.

"Lumandi ka naman ba?Bakit wla ka nabang masusuot?mapang-uyam nyang sabi habang may munting ngising namutawi sa kanyang labi

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang luhang gustong dumaloy sa pisnge ko.Ito ang isa sa dahilan kaya ayaw kung lumabas ng bahay

Kapag lumalabas ako ng bahay palagi na lng akong nakakatanggap ng masasakit na mga salita galing kay Duke.

Nagsimula ito ng dahil sa isang gabe.Isang gabeng sumira ng mga pangarap namin.Isang gabeng hinding-hindi ko makakalimutan habang buhay.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya"Hindi yun sa ganon Duke"mahina kung bulong

"Oh,Really?Nagpapabayad kana pala ngayon."malamig nyang sabe

Wala rin namang kwentang magpaliwanag dahil hindi rin naman makikinig sa akin si Duke

"Pwede ba Duke bukas na lng tayo mag-usap,Pagod ako ngayon e"nagtatapang-tapangan kung sabe sabay bawi ng braso ko at nagmamadaling tumalikod.

"Yeah,Mukha ka ngang pagod."kaswal nyang sabe ng mahinto ako harap ng silid ko.

"Masarap ba?"napabaling ang tingin ko sa kanya ng marinig ko iyon

Pakiramdam ko ay pulang-pula ang buo kung mukha dahil sa mga pinagsasabe nya

Huminga ako ng malalim at binigyan sya ng mapang-uyam na ngisi

"Gusto mong malaman?"mariin kung sabe habang hindi pinuputol ang tinginan namin

"Oo,Masarap.Masarap na Masarap."malakas kung sigaw"Ano pwede na ba akong pumasok?"ng hindi sya nagsalita ay mabilis akong pumasok sa loob at pabagsak na sinarhan ang pinto

Nangmasarhan ko ang pinto ay napaluhod ako sa sahig at umiyak ng tahimik

Nasigawan ko si Duke."I-m sorry Duke hindi ko sinasadyang masigawan ka.I-m sorry,Im sorry"paulit-ulit kung sambit.

________

His Unwanted WifeWhere stories live. Discover now