Chapter 15

1.1K 40 6
                                    

Chapter 15

Fiona PoV

Nang makita kung umalis na ang kotse nina Lolo ay pumasok nako sa loob ng mansyon.

I hate my self for being weak and useless.

Nang makapasok ako sa loob sinalubong ako ng matatalim na titig ni Duke.Nanginginig ang kalamnan ko ng magsimula na siyang humakbang papalapit sa akin.

Hindi ko alam pero everytime na tinititigan ako ni Duke ng malamig natatakot ako.

Alam ko ang ginagawa ko ay isang gawain ng martyr na asawa.Pero anong magagawa ko?mahal ko si Duke.Hindi ko sya kayang mawala sa akin.Masama ba yun?Hindi ko kayang makita siyang umiibig ng iba.Ayaw ko.Hindi ko kaya.Mahal ko siya.

Hindi ko pa kaya sa ngayon.Hindi pa.

Hanggang sa lumalaban pako sa pagiibigan namin.Hanggang hindi ko pa sinusuko ang lahat.Hanggang mahal ko pa sya magpapatuloy ako.

Hanggang ang kapalaran ko na mismo ang mag sabing tama na.Tigilan mo na ito.Maawa kana sa sarili mo.Mahalin mo naman ang sarili mo Fiona wag puro ibang tao dahil sa kagustuhan mong mahalin ka ng ibang tao nakaklimutan mo ng mahalin ang sarili mo.

Naguunahang mahulog ang luha ko ng mahigpit akong hinawakan ni Duke sa kamay.Para iyong pagpaparusa."D-duke"nanginginig ang kamay na pilit binabawi ang kamay kung mahigpit na hinahawakan ni Duke

"Anong pinapalabas mo ha?na ako ang may kasalan kaya nasira ang relasyon natin?Sa harap pa talaga ng Magulang natin?bakit naghahanap ka ba ng kakampi?"bawat salita ay may diing banggit ni Duke.Umiling-iling ako habang pilit pinipigilan ang paghikbi ko

"Pwes para sabihin ko sayo Fiona Gabriel hindi ka nila kakampihan dahil wala kang kwentang tao.Wla kang halaga sa kanila.Hindi ka nga itinuring na pamilya sa tingin mo bibigyan ka nila ng simpatya?Hindi!Dahil hindi kanila mahal.Walang nag mamahal sayo!"nanginginig ang kalamnan ko pilit na umaatras palayo kay Duke.No!Hindi totoo ang sinasabe nya.

Alam ko mahal nila ako.Mahal nila ako.Mahal nila Ako.

Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman ang paninikip don.Masakit yun ang nararamdaman ko.Pero wala ng mas masakit pa sa sinabi ni Duke.

Siguro nga hindi nila ako Mahal.

Tinititigan ko ang mga mata ni Duke.Ang mga matang bumihag sa akin.Napakaganda ng mata nya.Para iyung dagat payapa,Malamig at kulay asul.

Nakita ko ang pagdaan ng pagsisisi?awa?sa mata ni Duke ngunit agad din iyung napalitan ng walang emosyon

"N-no Duke"i said catching my breath."You love me right?"i ask."Yes,Mahal mo ako syempre"i said.Tinawanan ko pa ng kaunti.Para aking timang na tumatawa habang nakatitig lang sa akin si Duke

"You're wrong."napatigil ako sa pagtawa.Pinunasan ko muna ang luha ko gamit ang likod ng aking palad at nakangiting binalingan ng tingin si Duke"Wrong?"i ask innocently.

"I didn't Love You"

Napahawak ako sa puso sa lakas ng kabog non.Unti-unti parang gusto kong lumubog sa kinatatyuan ko.My vision became blur because of tears.

Bakit Duke?Sa bawat araw na lumipas pinapatay mo ako sa mga salitang lumalabas sa bibig mo.Ang sakit subrang sakit.

Binibigyan mo ako ng dahilan para itigil na ito.

Ito ba talaga ang tadhana ko?Ang magmahal ng taong hindi ako mahal?

O ang masaktan ng paulit-ulit para saan?para saan ang lahat ng dinaranas ko?

Lord kung ito man ang paraan nyo para subukin ako please tama na ang sakit na.

________

His Unwanted WifeWhere stories live. Discover now