Chapter 14

1K 38 6
                                    

Chapter 14

Fiona PoV

It's been a week since i was discharged.Hindi ko alam kung alam ba ni Duke na na-ospital ako or wala lng talaga siyang pakialam sa akin.

Naninikip na naman ang dibdib ko sa isiping iyun.Okay lang naman sa akin kung hindi alam ni Duke kaya siguro hindi sya naka bisita baka busy masyado sa trabaho

Sa isiping yun bumalik sa aking alaala ang sinabi ni Dra.Mercado.

"You need a heart transplant before it's to late"

"You need a heart transplant before it's to late"

"You need a heart transplant before it's to late"

Nang gabing iyun hindi ako nakatulog kakaisip.Sabi ni Samantha siya na ang bahalang humanap ng paraan.

Nahihiya nako kay Sam,Pakiramdam ko kasi masyado na akong pabigat sa kanya.

"Ma'am parating napo Ang lolo nyo"napabaling ang tingin ko kay Nay Lucing"Opo....Nanay"nagmamadali kung niligpit ang mga gamit ko bago humarap sa salamin

Family Dinner namin ngayon dito sa bahay namin.Natatakit akong bumaba.

Alam kong naroon si Mommy ang tunay kong ina.Ang huli naming pagkikita ay bago ako kinasal kay Duke.Hanggang ngayon hindi nya man lang ako kinamusta o kahit man lang niyakap kahit isang beses lang

Naiingit ako sa ibang mga bata dahil sila mahal na mahal ng magulang pero bakit ako hindi?

Niyayakap ng mahigpit kapag natatakot.Bakit ako walang yumayakap kapag natatakot ako?bakit ako hindi ko naranasang mayakap ng mga taong mahal ko.

Gusto ko ring maramdaman ang yakap ng isang ina kahit sandali lang.Kahit isang minuto lang.Gusto kung rin maramdaman yung pag-aalala ng isang ina kapag may sakit ka.

Kasi lahat ng iyun ay hindi ko pa nararanasan sa buong buhay ko.

Lumabas ako suot ang maskara ko.

Hindi tunay na maskara kundi ang maskara ng pagpapanggap.

Pagpapanggap na okay lang lahat.Na okay lang ako na walang problema.Na masaya ako sa buhay ko.Na masaya ako na makita ko silang lahat.

Ganon naman talaga. Minsan mas magandang magpanggap na masaya kesa ipakita ang totoo mong nararamdaman.

Dahil kapag ikaw ay nagpakatotoo sa nararamdaman mo sasabihin ka ng ibang tao ng masyadong Over acting.

Pero hindi ibig sabihing nagpapanggap ka ay mahina ka.Minsan sa buhay ng tao ang pagtatago ng sariling saloobin ang nagpapatatag at nagbibigay lakas sa mga taong walang masandigan kundi ang kanilang mga sarili.

Sa mundong mapaglaro isa lang ang iyung kakampi at yun ay walang iba kundi ang iyong sarili.

Hindi ang mga magulang mo,hindi ang kaibigan,hindi ang pamilya mo kundi ikaw mismo.Ang iyung Sarili.

"G-good evening po"magalang na bati ko kina Lolo Miguel kasama nya ang dalawa nyang anak si Mommy at si Tito Haze.Kasama naman ni tito Haze ang asawa nya at dalawang taong gula na anak na babae.

"H-hi Mom"i whispered.Nanginginig ang mga kamay ko ng tinitigan nya ako gamit ang malamig na tingin

Mabilis siyang umiwas ng tingin at tumango ng kaunti.Para bang pinahihiwatig na narinig nya ako.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko ng maramdaman ang pag-iinit ang sulok ng mga mata ko

Shit!

Palagi na lang ganito.Hindi kapa sanay self.Nakakaawa kana

Kasunod nilang dumating ay ang pamilya ni Duke.Si Lolo Alfred at ang Mommy at Daddy ni Duke

"G-good Evening po"i greeted them.Lolo Alfred just nod.

"Good evening hija"bati ng Mommy ni Duke malawak ang ngiti nya habang tumititig sa akin.

Siya ang pinaka mabait sa pamilyang ito.Ang Mommy ni Duke si Tita Esmeralda or Tita Esme.

Dumeritso kami sa dining area."Tatawagin ko lang po Si Duke"paalam ko bago umakyat pataas

Naabutan ko si Duke ng nag-aayos ng damit nya."L-love,Let's go"i said softly

Napatalon sya sa gulat ng magsalita ako.Hindi nya siguro narinig ang yabag ko

Napangiti na lang ako sa isiping iyun."Play Nice Fiona Gabriel"he warned me.I just nod like a puppy.

Hinapit nya ang bewang ko at mahigpit akong hinawakan don.

Ganito palagi ang ginagawa namin kapag may ganitong pagtitipon.

Magyayakapan sa harap ng pamilya namin.Sasabihin ayos ang lahat.Masaya kaming pareho.

Pero kabaliktaran ito sa totong buhay.

________

His Unwanted WifeWhere stories live. Discover now