1 - #NotSoGoodNews
"Aleona!!!!!! Gising na male-late ka na sa schooooool!!!"
Urggh! Anobayan! Ayun na sana eh. Hahalikan na ako ni Prince Charming sa panaginip pero may epal na naman na sumira ng napakaenchanting at malafairytale na panaginip ko. Seriously, kailangan ba ganito araw-araw? Araw-araw kasing putol yun happy ending na panaginip ko eh. Asar ah.
"Eto na! Babangon na!" atat lang tong mother earth ko eh.
"Lena andyan na pagkain sa mesa. Sige alis na ako. Yung pinto sarhan mo mabuti pag-alis mo. At maaga umuwi ah!"
"okioki!"
Siya nga pala. Ako si Aleona Marge Pineda. Kilala bilang Aly o Lena. Third year highschool na. Okay rin naman yung itsura ko. Pwede rin namang panlaban sa mutya ng baranggay. Haha. Di rin naman kasi ako ganun ka ganda noh? Pero marami naman ako mga manliligaw! Oha!!! Yun nga lang, puro tambay dyan sa kanto (_ _") Hahahahaha.
Yung kausap ko kanina eh si mother earth ko. Oo! Palagi niyang sinisira yung panaginip ko. Wala na si fatherloo ko. Deadu na eh. Hehehe. Wala akong kapatid. Di kami mayaman. Di rin naman mahirap. Yung sakto lang. Si mother earth eh kakaalis lang. Nagtatrabaho kasi siya bilang kasambahay kina Mr. Yap. Swerte nga at mabait si Mr. Yap at pinapayagan siyang umuwi-uwi araw-araw kasi ako lang mag-isa dito sa bahay kung sakali.
Pagkatapos kong ayusin yung kama ko eh bumaba na ako. Pumunta ng CR at naligo. Nagbihis ng uniform. Oo. Kahit papaano eh nakakasya naman ni inay yung sweldo niya sa pang-araw-araw at pagaaral ko. Swerte ko nga sa kanya eh. Hehehe. Kumain na ako ng almusal. Pagkatapos kong maghanda eh nilock ko na ang bahay. Kahit di ko pa yan ilock eh wala naman mananakaw dyan eh.
Naglakd na ako papuntang Don Pedro Public High School. Oo. Sa public school lang ako. Di kasi kami mayaman, diba? Remember? Naglalakad nalang ako para makatipid.
*SPLASH*
"O shoot!" napasigaw ako kasi natalsikan ako ng tubig nung dumaang sasakyan. WALANJO!!!!! Magpaharurot ba naman? Mukha tuloy akong basang sisiw dito. Urgggghhhh. Basa na uniform ko. May mga putik pa. Oh great! Just great!!!!
Bigla naman huminto yung sasakyan na bumasa saakin. Bumukas ang pinto at lumabas ang isang gwapong nilalang eh este.. lumabas ang isang lalaki na naka uniform ng Elite Academy.
Ang Elite Academy ay isang private school saamin. Puro mayayaman lang ang nakaenrol dyan. Akalain mo ba yun, yung tuition nila eh annual salary na namin??? Balita ko rin puro mayayabang mga estudyante dyan. At napatunayan ko nga ngayon. -__-
Lumakad papalapit saakin yung gwap-------yung lalaking taga Elite Academy.
"Anobayan! Di ka ba marunong lumakad sa tamang daanan?" sigaw ng gwap----- lalaking to.
"Teka! Ako pa ngayon masama? Eh ikaw kaya------------"
"Magkano?" di ko na natapos yung sasabihin ko kasi pinutol niya ako.
WALANJOOOOOOOO!!!!
"Magkano? Ano tingin mo saakin? Binibili?" sumbat ko.
"Tssk. Oh." May tinapon siya saakin. "Dahil sayo late na ako." Bumalik na siya sa sasakyan niya at pinaharurot ito.
Tiningnan ko yung tinapon niya. Uy! P500! May panbaon na ako!!!
NO! Teka! No! Aly, di ka bayaran! Ba't mo yan tatanggapin? Noooooooo. just a big noooooooooooooo!
Gwapo na sana kaso magaspang ugali. Sayang! Napaka-ungentleman!!!!!!!!!!!!!!!! HAyysss. Napatunayan ko nga mga ugali ng taga Elite Academy!!!!
Pero,
BINABASA MO ANG
Maid for You [Ongoing]
Teen FictionPosible kayang ang isang amo ay magkagusto sa personal alalaay niya na mortal enemy niya? Paano mo mailalagay sa isang kulungan ang dalawang mabangis na leon? Sundan ang mga kalokohan at kahibangan ni Lena sa nakakatawa, nakakakilig at nakakaiyak (w...