4 - #WelcomeToEliteAcademy

85 1 0
                                    

4 - #WelcomeToEliteAcademy

"Wow!"

Yan lang ang nasabi ko. Ang galing! Haha. Ang yaman pala talaga nina Mr. Yap. Siya nga pala. Kakalipat lang namin dito sa mansyon. At oo! Malaki talaga itong mansyon. Ang yung mga rooms ng maid eh akalain nyo ba naman parang guest room? OHA! Saan ka pa.

Halos pumasok na ang langaw sa baba ko. Nakanganga lang ako. 0O0 Eto kasing kwarto namin. Anlaki! parang bahay na nga namin eh! Haha. OHA!

"Nak, sabi ni Mr. Yap, bukas na bukas raw eh papasok ka na. Sabay ka na raw kay Gino papuntang school." sabi ni inay na busy sa paglalagay ng damit sa cabinet.

"Okioki!" Sabi ko ng nakangiti. Sya nga pala! Excited na akong makita yung batang yun! Siguro ang cute ni Gino sa personal. Kahit na parang nakasinmangot at makulit siya doon sa picture eh ang cute cute niya! Ansarap pisilin ng pisngi. Naku! Kung nagkataon gusto ko siyang maging baby brother!

Pero di ako excited at the same time kasi sa Elite Academy na ako mag-aaral. Hmmmp!!! I hate lahat ng Elites (tawag sa mga nag-aaral sa EA o Elite Academy)

"Ah nay! Kailan po pala dadating si Gino?" tanong ko. Excited na kasi ako makita siya.

"Ah. Baka bukas pa. May pinuntahan yung mag-ama eh" -inay

Ganon ba. Okay lang. Hehe.

*beep beep*

=============== 

From: Bes Bennie :D

Uy bes! Absent ka ah! Sya nga pala, may assignment tayo sa Math. Lahat ng even numbers sa page 58. :) 

===============

---

Di ko alam kung ano irereply ko. Masyado kasing mabilis yung takbo ng pangyayari eh. Tingnan mo, mag-aaral na ako bukas sa EA, di pa alam ng best ko. Ansama ko naman bestfriend.

=============== 

To: Bes Bennie :D

Ah bes, mag-aaral na pala ulit ako. Pero di na sa San Pedro. Nagtransfer na ako sa EA. Hehe. Long story ^^ 

===============

Pagkatapos nun, di na siya nag-reply. Hala. Baka nagalit or something? Baka walang load? Imposible! Ang yaman niyan eh! ANubayan bes. Pero sa totoo lang, ako naman may kasalanan ata? Sinabi kung di na ako mag-aaral pero ang ending eh magtatransfer na ako sa EA. Anubato. Ang gulo!!!!!

Dahil kasambahay na ako, tumulong naman ako sa mga gawaing bahay. Pero di masyado kasi sabi ng ibang maid eh wag ko raw pagurin sarili kasi may pasok pa ako bukas at babantayan ko pa si Gino.

Nung gabi na, di ako makatulog. Kasi, excited at the same time, kinakabahan. Alam kong di ako bagay sa EA. Kasi mahhirap lang ako. Siguro mabubully ako dun. Paano na si Gino? Walang magbabantay sa kanya. Hala!

Dahil sa sobrang pag-iisip eh nakatulog ako. Weird ba?

[next day]

Maaga ako nagising. Naligo ako at oo, shower yung paliguan dito. Medyo di ko alam gamitin. Hehe. Pasensya na, taong bundok eh!

"Uhmm, paano ba to?" pinindot-pindot ko yung mga buttons pero wala namang lumalabas na tubig.

"Baka eto" may inikot ako. At yun lumabas na ang tubi----------------------------

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH"

Napasigaw ako. Ang init ng lumabas na tubig! As in! Yung umuusok pa. Feeling ko pinakuluan ako. Ang init! So HOT! Parang ako lang! Hahahaha! Joke ^__^V

Maid for You [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon