3 - #WhyOhWhy
"Waaaahhhhhhhh! Ayan na. Magkikiss na sila! Waaaaaaaaaahhh!"
Napasigaw ako sa kilig. Anubeyen! Nanonood ako ngayon ng koreanovela sa tv. At kung tinatanong niyo kung ba't andito ako sa bahay eh dahil hihinto na ako sa pag-aaral. Remember? Kaya di nalang ako pumasok. Sayang lang din naman yung baon na ibibigay ni mother earth eh.
"ay shoot!"
Bigla nalang kasi dumating yung kontrabida sa koreanovela. Ayan tuloy! Di natuloy yung kiss nila. Hmmpp!.
*beep beep*
May nagtext saakin! Matingnan nga.
===============
From: Bes Bennie :D
Uy Bes! Asan ka na? Magsisimula na klase!
===============
Aish. Si bes. Nagtext kung saan raw ako. Magsisinungaling ba ako? Sabihin ko na kaya? Aish! Ano ba! Di ko alam gagawin!! Urrggggh.
===============
To: Bes Bennie :D
Ah. Okay....
===============
Ay loka. Anubayang reply ko. aiiiishh!!
===============
From: Bes Bennie :D
Bilisan mo na. Sabay tayo lunch mamaya. Libre ko. Ang tumanggi, may parusa! :)
===============
Ohgosh. Di ko talaga alam gagawin. AISHHH!!!!!!! ANUBAYAN!!!!!!!!!!!!
Di na ako nagreply....
Wala na kasi akong load ^__^V hahahaha
Habang pinapatuloy ko yung panonood ng tv eh di pa rin ako mapakali. Ang hirap naman sabihing di ka ako makakapag-aral uli.
...
"Bes! Bes! Yuhooooooo!!!!"
Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas. AISH!!!! nakatulog pala ako. Teka, anong oras na ba? Tumingin ako sa orasan. Hala! Mag aalas singko na!. Naku naman! Nakatulog ako ng hindi naglulunch!!!
"Bes! May tao ba dyan? Yuhooooooo!"
Ay! Oo nga pala. May tumatawag saakin. Sumilip ako sa bintana.
Si bes.
DUHHHH!!!!!!!! Obvious naman siguro na siya kasi siya lang tumawag saakin sa istoryang ito na 'bes'. -__-
Teka, bubuksan ko ba??? Yes or no? No or yes? hmmmmmmmmm.
Di ko namamalayan na dinala na pala ako ng mga paa ko sa labas. Teka. May sariling utak ba tong paa ko?
"Oh bes! Ba't di ka pumasok? Tumatawag ako sayo! Di mo nam----------"
"ah bes." di na siya natapos kasi pinutol ko siya.
"Akala ko naman nakidnap ka na! Hahaha. Teka may parusa ka kasi di ka pumu--------------"
"Bes. may sasabihin ako...." sabi ko na di parin tumitingin sa kanya.
"uh... a-ano yun bes? may problema ba?" nanginginig niyang tanong.
"bes. Di na ako papasok." -ako
"haha. Jinojoke mo ba ako? syempre! Paano ka papasok eh uwian na!!! Ang joker mo talaga bes!"
"Bes!!!!! Di ako nikikipaglokohan. Di na ako papasok. Hihinto na ako sa pag-aaral! Naiintindihan mo ba? Di na ako-makakapag-aaral! Shete!" napatulo yung luha ko. Pagkatapos nun eh tumakbo na ako papasok sa bahay. Di ko na tiningnan ang reaksyon niya. Pumunta agad ako sa kwarto. Kinuha ko yung stuff toy na teddy bear at yinakap. Di ko alam ko bakit ganito ang naging reaksyon ko pag-kasabi ko sa kanya. Siguro may konting nakakahiya factor na di ka na makakapag-aral.
BINABASA MO ANG
Maid for You [Ongoing]
Teen FictionPosible kayang ang isang amo ay magkagusto sa personal alalaay niya na mortal enemy niya? Paano mo mailalagay sa isang kulungan ang dalawang mabangis na leon? Sundan ang mga kalokohan at kahibangan ni Lena sa nakakatawa, nakakakilig at nakakaiyak (w...