Chapter 6 : Part 1

0 1 0
                                    

Gabi na pero abala parin lahat ng mga tao sa loob ng Unibersidad, dahil sabi nila magkakaroon ng seremonyang pagtatapos, na kung saan tanging ang pinakamagaling lamang ang maitatanghal. Nakabihis na kaming magkakapatid at isang kulay pink na baro't saya ang suot ko, blue ang kay Sylvia at green naman kay Armenia na halata ang pag-iyak sa mga mata nito. Habang naglalakad kaming magkakapatid patungo sa ganapan ng selebrasyon ay may binubulong sa akin si Armenia. "Ikaw na ang bahala kay Felma kapatid, gawin mo ito para sa ating dalawa." tumango na lang ako para tumigil na siya, halatang kinasusuklaman niya talaga si Felma.

Tumingin ako kay Sylvia at nagtanong. "Paano kung malaman mo na merong isang binata ang nagkakagusto sayo?" diretsahang tanong ko, napatingin na din si Armenia sa aming dalawa. Nagulat si Sylvia sa tanong ko at bahagya pa siyang umiling. "Hindi na maaaring may magkagusto pa kay Sylvia dahil naitakda na siyang ipakasal" malungkot na saad ni Armenia, napabuntong hininga na lang din si Sylvia. "Pero bakit? Sino ang nagtakda sa iyo na magpakasal  sa  taong hindi mo naman kakilala?" nagtatakang tanong ko. "Si Tiyo Jaime ang may desisyon nito, hindi nais ni Ina ang mga ginagawang desisyon ng ating Tiyo para sa atin, kaya madalas silang mag-away na magkapatid." paliwanag ni Armenia.

"E paano ang tatay natin, bakit hindi niya tutulan?" nagtatakang tanong ko, pero automatic na napahinto silang dalawa at tumingin sa akin. Nagtinginan pa silang dalawa at mababakas ang lungkot sa kanilang mukha. "Tila iyong hindi naaalala na wala na tayong Ama" sambit ni Armenia na ikinagulat ko. "Nang maisilang ka ay namatay na ang ating ama, nagkaroon kasi ng kaguluhan noon, at bilang isang pinunong heneral ng hukbo ng ating bayang San Oriente kinailangan siya doon, at nasawi siya." malungkot na litanya ni Sylvia. Teka, so ibig sabihin, bunso ako?

" Teka ilang taon na ba si Amar- este ako? " muntik na ako dun ah. Nagtinginan ulit silang dalawa. At hinawakan ni Sylvia ang kamay ko."Marahil nga ay malala ang pagkawala ng ilan sa iyong mga alaala." malungkot na sambit ni Armenia. "Ikaw ay labing walong taong gulang pa lamang, samantala ako naman ay dalawampung taong gulang at si Sylvia ang pinakamatanda kaya siya ang naunang ipapakasal." Nagulat ako dahil sa narinig ko, si Sylvia ang panganay e napakabata ng mukha niya.

Pagkarating sa isang malawak na hall, mapapansin ang kasiyahan ng mga tao dito. Punung-puno din ng palamuti at pagkain  sa loob. Tumingin ako sa adobo at target locked! Nilibot ko ang paningin sa loob at nagulat ako ng may isang binatang napakakisig ang lumalapit sa aming tatlo, para siyang isang Diyos dahil sa ganda ng tindig nito. Nakatulala lang akong nakatingin sa kanya ng makalapit siya pero huminto siya sa harapan ni Sylvia, mahinhin na ngumiti si Sylvia. Jusme, napakagwapo naman pala ang magiging asawa ni Sylvia.
"Magandang gabi sa mga naggagandahang Binibini ng Pamilya Sarmiento" ngiti nito.
"Magandang gabi din sa iyo Ginoong Felipe" magalang at mahinhin na bati ni Armenia.

"Kuya, may naghahanap sa'yo" shocks! kuya niya iyang napakapogi? iba rin tong si Timoteo eh. Tumingin siya sa kuya kuno niya at diretso kay Sylvia na hindi nakatingin sa kanya. Nakangiting isinukbit ni Sylvia ang kamay niya sa braso ni Felipe, yumuko pa sa amin si Felipe bago umalis. Nagkangitian silang magkuya bago sila tuluyang lumisan.

Naiwan naman sa harap ko ang malungkot na Timoteo. Kaya naman pala hahaha, kuya niya ang gusto at ipapakasal kay Sylvia. "Magandang Gabi sa inyo mga Binibini" nakangiting sambit ni Timoteo sa amin at napangiti naman ng todo si Armenia. "Magandang gabi din sa iyo napakakisig na Ginoong Timoteo" ngiti nito. Aba kanina lang ay umiiyak ito tapos ngayon ngingiti ng napakalaki. "Ako'y nalulungkot sa nangyari sa inyo ni Dencio, marahil ay hindi din ginusto iyon ng pinsan ko, Binibining Armenia" sambit nito. Teka? Pinsan niya ang ex bf ni Armenia tapos Kuya niya ang kasintahan at ipapakasal kay Sylvia? Tirador ba ng pamilya nila ang mga kapatid ni Amara? Ibang klase din!

Malungkot na ngumiti si Armenia. "Gaya nga ng sabi ng aking bunsong kapatid, kung talagang mahal niya ako ay gagawa siya ng paraan upang hindi matuloy iyon" malungkot na saad ni Armenia, tumingin naman sa akin si Timoteo na para bang hinahangaan ako. Ako lang to!

Along With The Billion StarsWhere stories live. Discover now