Chapter 2

6 1 0
                                    

"Oliv, tawag ka ni Mrs. Sanchez", napatigil ako dahil sa narinig ko. Sabi ko sa kanya huwag na huwag na niya akong tatawagin. Dahil wala akong pakeelam sa mga taong kagaya niya. Napahilamos ako sa sarili kong mukha bago naglakad patungo sa opisina niya.

"Ano na naman ba ito?" galit na bungad ko sa kanya.

"Ganyan ka ba bumati sa mas nakakataas at nakakatanda sayo?" pabalik niyang tanong.

"Pinatawag kita dahil ikaw na ang bagong head nurse na iaasign ko." sambit nito habang nakatingin sa mga mata ko.

"Ayaw ko,  dahil aalis din ako sa hospital na ito! At kung sakali man, maaabot ko ang pwestong iyon dahil sa may abilidad ako, hindi dahil tinutulungan niyo ako" madiin na sambit ko.

"Hindi sapat ang abilidad, Olivia. Kailangan mo din ng kaunting tulong", mapakla akong napatawa dahil sa sinabi niya.

"Tulong? hindi ko kailangan ang tulong mo! Hindi mo ba naiisip ang mga pinaggagawa niyo noon? at ngayon sasabihin niyong tulong? wala akong pakeelam sa mga posisyon o mga perang yan!" nanggagaliiti kong sambit sa kanya.

"Oh sige, magresign ka na at lumipat ng ibang hospital" ngumiti pa ito na tila hinahamon niya ako na hindi ko kayang gawin iyon.

Napahinga ako ng malalim,at pilit na bumabalik ang mga alaalang kasindungis ng pagkatao  niya.

"Olivia, magbihis ka ng sexy na damit alam mo na, baka matuwa iyong bisita ko at sabi niya bibigyan niya daw ako ng magandang posisyon sa hospital niya kaya ikaw galingan mo!"

"Pero bakit po?" inosenteng tanong ko.

"Sabi po ni mama, huwag daw po akong sasama sa inyo"

"At bakit, aber? ako ang nag-aalaga sa'yo ngayon kaya susundin mo lahat ng sasabihin ko!" naluluha na ako dahil sa takot. Takot dahil sa mga galit niyang tingin sa akin kapag may pinipilit siyang bagay na ayaw kong gawin.

"Ayaw ko po sa inyo, g-gusto ko kay mama! " umiiyak na sambit ko.

"Hindi kayo mabubuhay ng nanay mo, at ako kaya ko, kaya pumasok ka na doon at magbihis!" sigaw nito sa akin.

Tumayo ako papuntang kwarto, pero napatigil ako ng pumasok si mama na parang may hinahanap. At ng makita niya ako agad niya akong niyakap. Agad niya rin akong binitawan at humarap siya kay lola.

" Ano ba sa tingin niyo ang ginagawa niyo? Tangina ma, anak ko yan!Tapos idadamay niyo sa pambubugaw niyo! Buti na lang at nalaman ko ito kay Ate Esang!" galit na galit si mama na para bang handa na  siyang lumusob sa isang gyera.

"Pati ako nadamay niyo noon dahil lang sa walang kakwenta kwentang kagustuhan niyo sa pera! At yung anak ko naman? Pwes hinding hindi niyo yan magagawa dahil aalis na kami."

"Hoy Janica, dapat nga magpasalamat ka dahil tinutulungan ko kayo, kung hindi dahil sa akin, hindi mo mararanasan ang karangyaan!" sigaw na sumbat ng lola ko.

"Sa inyo na ang karangyaan niyo!" madiin na sambit ni mama.

At habang lumalaki ako, dun ko nalaman na muntik na akong naging biktima ng pambubugaw. At dun sa palabas ni nanay? Si lola ang may kagagawan. Walang kamalay malay si nanay noon na ganoon ang mangyayari sa kanya. Binantaan siya noon ni lola na kapag hindi niya  gagawin iyon ay ilalayo niya si nanay kay tatay. Sanggol pa lang ako ng mangyari yon, at pera ang dahilan ng lahat ng iyon.

At ng makapasok ako sa ospital na ito, nalaman ko na asawa ng may-ari ng hospital na ito si lola. Gusto ko noon na umalis at lumipat ng ibang hospital pero malubha na ang karamdaman ni tatay kaya kailangan namin ng malaking halaga ng pera. Hindi alam nina nanay na sa hospital ng nanay niya ako nagtatrabaho. Ang sabi ko sa sarili ko noon, hanggang dalawang taon lang ako dito at siguro ito na ang oras para tapusin ito.

Along With The Billion StarsWhere stories live. Discover now