Chapter 6 : Part 2

3 1 0
                                    

"Magandang Gabi sa inyong lahat mga Ginoo at mga Binibini" masayang bati sa aming lahat ni Ginang Soledad. Lakas makakontrabida looks nito ah!

"Aking iginagalak na ipinapakilala sa inyong lahat ang pinakamagaling at natatangi sa aking klase, Binibining Felma Delgado." sobrang saya niya, para siyang nanalo sa lotto.

Napairap kaming magakakapatid dahil  sa 'natatangi'. Lumabas si Felma sa likod ng entablado at nakasuot ng puting baro't saya,  nagpalakpakan din ang mga tao dito sa loob. Napansin kong nagpalakpak si Felipe pero tumingin sa kanya si Sylvia kaya napahinto si Felipe sa pagpalakpak. Cute.

"Ang Ingles na sasabihin niya ay isinaulo lamang niya, hindi siya totoong marunong magsalita ng Ingles" bulong na sambit sa akin ni Armenia.

Sabi nila sa Unibersidad daw namin 'lang' itinuturo ang salitang Ingles dahil ang may ari daw ng Unibersidad na ito ay isang mag-asawang Amerikano. Kaya napakahalaga ang salitang Ingles sa tuwing selebrasyon.

Nasa kalagitnaan siya sa pag-i-speech ng Ingles ng magsimula na siyang mautal, nagtataka na rin ang mga tao. Napangisi na lamang si Armenia. Napansin kong nagtataka na rin si Timoteo.

"So I thank you all for the ending support a-nd y-your" boom! napahinto na siya doon, hindi na niya alam pinagsasabi niya, narowrong grammar na din siya kaya may mga tumatawa kabilang na si Armenia. Pero agad siyang nakabawi ng makita niya si Ginang Soledad.

Tapos na ang speech niya pero syempre, papahuli pa ba naman ako? pabida ako eh! Sabi nga ni Armenia, bawiin ang narapat na akin! Itinaas ko ang kamay ko na parang magrerecite at ngumisi, nakatingin na silang lahat sa akin pati na din si Timoteo na nagtataka. Nagulantang naman si Felma habang si Ginang Soledad naman ay napapalunok. So, tama kami? Akin dapat ang pwesto ni Felma, pero dahil nga favoritism, siya ang kinonsiderate?

Tumayo ako, at muling ngumisi kay Felma.
"I'm just wondering if you have some paella, and hamburger. I'm just craving for it and I tried to ask those server if they have some, but I don't think they understand me, maybe you can! " tangina simple na yan, narinig kong tumawa ng malakas si Timoteo kaya tinignan ko siya ng masama. Nakatulala lang na nakatingin sa akin si Felma habang si Ginang Soledad ay masamang nakatingin sa akin. Narinig ko na din na nagbubulung bulungan ang mga matatandang kano at espanyol sa kabilang table.

Jusme nagtatanong lang ako kung may paella at hamburger sila, di na niya masagot habang kanina may long speech pa siya. Nahihiya siyang tumingin sa paligid niya at ng tumama ang tingin niya sa akin masama ang mga tingin nito na parang papatay, kaya nag walk out na siya. Lumapit din ang isang amerikanong matanda kay Ginang Soledad.

Muli akong umupo at halata sa mga mukha ng mga kasama ko ang paghanga. Tumingin ako kay Armenia at kumindat, ang gaga naman sobrang saya.

Tapos na ang selebrasyon at naibunyag ang nararapat, sabi ng mga nagkwekwentuhan na mga binata kanina, napagalitan daw si Ginang Soledad na bakit daw si Felma ang itinanghal niyang pinakamatalino sa Ingles kung sa simpleng tanong ko lang daw sa pagkain ay hindi na niya nasagot.

Habang naglalakad kami, ay biglang sumulpot sa harapan ko si Felma na kagagaling sa pag-iyak.

"Kasalanan mo ang lahat ng ito, Amara. Kung hindi ka sana nakielam pa ay maayos na sana ang kakalabasan ng pagtanghal na selebrasyon." galit na sigaw nito sa mukha ko.

"Ang totoong matalino ay si Amara, Felma. Alam mo ang totoo pero ng ikaw ang itinanghal hindi mo man lang nasabi ang katotohanan sa mga tao." galit na sigaw din ni Armenia.

"Tama na iyan, Armeng at Amara!" mahinhin na pigil sa  amin ni Sylvia.

Ngumiti ako kay Felma. "Hindi ko kasalanan kung mas magaling ako kesa sa'yo", magsasalita pa sana siya pero napahinto siya dahil nakita niyang papalapit sa amin sina Felipe at Timoteo. "Mayroon bang problema, binibini? " matikas na tanong ni Felipe kay Felma, ngumiti lang ito saka yumuko at umalis.

"Ikaw ay talagang naiiba" bulong sa akin ni Timoteo na siyang dahilan kung bakit bumilis ang tibok ng puso ko. "Heto, nakiusap ako sa mga serbidora na kung  maaari ay pabaunan nila ako ng paella at maraming adobo" ngumiti ito sa akin ng pagkatamis tamis. Buong buhay ko walang lalaki ang nagbigay effort tungkol sa mga bagay na paborito ko. Dahan dahan kong inabot ang mga parang tupperware na kahoy na nababalot ng tela. Ngumit ako sa kanya. "Maraming salamat, pero bakit?" tanong ko habang tinitignan ang laman nito.

"Dahil gusto ko" nakangiti itong naunang  naglakad upang makasabay sina Sylvia, Felipe at Armenia. Ngumiti ako sa sarili ko. "Dahil gusto niya" bulong ko sa sarili ko.

Pagkarating sa aming kwarto, agad na nagbihis si Armenia, samantala si Sylvia naman ang nag-aayos ng mga damit namin dahil luluwas na daw kami mamaya papuntang San Oriente. At ako? kumakain na naman.

"Hindi ka ba nabubusog, Amara?" nagtatakang tanong ni Sylvia.

"At paano ka nakapagdala ng pagkain?" dagdag nito. Napahinto ako at ngumiti.

Pagkatapos naming inayos ang mga gamit namin, agad kaming sumakay sa kalesa papuntang daungan. Pagkarating sa daungan, sobra akong namangha dahil sa linis nito. Meron ding mga taong nagtitinda ng parang mga souvenirs sa tabi tabi. Nagulat ako ng may isang matanda ang sumalubong sa amin. "Halina na po kayo mga binibini at ihahatid ko na po kayo sa inyong silid" sabay bitbit ng mga bagahe namin.

Pagkarating sa silid namin, agad humiga sa kama sina Sylvia at Armenia dahil sa pagod. At dahil may kalokohan ako sa kanila, dinaganan ko sila. Binato ako ni Armenia ng unan kayo binato ko din siya dinamay ko din si Sylvia kaya puro tawanan at batuhan kami sa loob ng silid na ito. Nagtatakbo din kami dito sa loob. Sobrang saya ko, kung tutuusin mga kasing edad ko lamang si Armenia kaya  pareho kami ng vibes hindi din nailalayo sa akin si Sylvia. Sa kanila ko lang kasi naramdaman yung saya at kakaibang sisterly bond.

Habang naglalaro nasira ang baro't saya ko, napatigil sila pero agad ding nagtawanan at ipinagpatuloy ang batuhan namin ng may sumigaw sa labas.

"Mga binibini, narito po ang magkapatid na Arguelles." napahinto kami, Agad namang nag-ayos si Sylvia ng sarili habang kami naman ni Armenia, pinagpatuloy namin ang paglalaro. Nang kiniliti ako ni Armenia, ay halos mapaluhod at mahulog ako sa kama hindi ko rin mapigilan ang lakas ng tawa ko. Habang nakahiga, may naaninag ako sa pintuan, napatingin ako doon at pareho kaming natigilan ni Armenia. Nandiyan lang naman sina Timoteo, Felipe at ang isang makisig na binatang kasama nila na pinapanood kami, nahihiya namang nakatingin sa amin si Sylvia. Agad na inayos ni Armenia ang kanyang sarili, habang ang isang lalaki na ngayon ko lang nakita ay napapangiting nakatingin kay Armenia. Teka siya ba yung Dencio?

"Hoy!" , tawag ko dito, nanlaki naman ang mga mata nilang lahat. Ako na lang narito sa kama pero matalim akong nakatingin sa Dencio na yun.

"Bakit ka magpapakasal sa ibang babae kung ang kapatid ko naman ang mahal mo, ginagawa mo ba siyang kabit?" diretsahang tanong ko, halos mahimatay si Sylvia sa kahihiyan tapos si Armenia naman ay pinanlakihan ako ng mata. Manghang mangha naman si Felipe sa akin dapat kuya na itawag ko sa kanya e. At si Timoteo naman walang pinagkaiba sa reaksyon ng kuya niya. Magsasalita pa sana ako pero agad akong tinakpan ng kumot ni Armenia. Naririnig kong nag-uusap silang  lima, hindi ko nga lang marinig ng mabuti.  Tinanggal ko ang kumot at si Timoteo na lang ang naroon sa pintuan.

"Hindi siya si Dencio na dating kasintahan ng iyong kapatid " seryosong sabi nito sa akin. Bakit ba seryoso siya, may nagawa ba akong mali?

"Kaibigan siya ng Kuya Felipe ko, pero paanong napagkamalan mo siyang si Dencio, akala ko ba kilala mo si Dencio?" nagtataka ngunit seryosong tanong nito. Nagulat ako dahil ang lawak ng pag-iisip niya na pati yun ay naisip niya.

"Ahh kasi ano" saby kamot sa magulo kong buhok.

"Mag-ayos ka muna ng iyong sarili." seryoso pa ring saad niya. Tumango ako sa kanya, at ng isarado na niya ang pintuan agad akong nag-ayos ng sarili, at nagulantang ako ng malamang sira nga pala ang damit ko na siyang dahilan na nakikita ang panloob na damit ko.

Along With The Billion StarsWhere stories live. Discover now