Chapter Forty-Two: Roadtrip & Dreams

1.9K 29 7
                                    

Shoutout to Maeve Lucas Sais Trenta:

Ikaw ang first reader ng chapter 41, or should I say first to comment. Ang aking surprise ay...dedication. Hahaha. Sareeee. Next time ang special prizes like gift certificate sa Pure Gold, loljk! XD

This Chapter marks the start of me dedicating this to readers who always read, comment or vote every chapter.

So...'yung mga na-o-observe kong laging nagcocomment diyan ng nakakatuwang comment or compliments...handa na:)

Pwedeng yung mga first chapters na lang ang idedicate ko sa inyo? ^_^

Ayun.... Start na?

-----------------------------------

Julia POV

“What was left when that fire was gone? I thought it felt right but that right was wrong

All caught up in the eye of the storm And trying to figure out what it's like moving on

And i don't even know what kind of things I've said My mouth kept moving and my mind went dead

So, picking up the pieces, now where to begin?

The hardest part of ending Is starting again!”

Habang nasa tahimik na biyahe, biglang kumanta si Daniel. Sumulyap ako sa kaniya, pero nakadungaw lang siya sa labas. Binalik ko ang tingin ko sa kalsada.

“3 am na.” Biglang saad nito sa akin.

“I know.” Sagot ko nang hindi tumitingin sa kaniya.

“hindi ka pa ba pagod? Almost 2 hours ka nang nagmamaneho.” Tanong nito sa kaniya.

“2 hours pa LANG akong nagmamaneho...”

“Palitan na kita diyan, magpahinga ka kaya muna? Kagagaling pa lang natin ng party kanina tapos dire-diretso ka nang bumiyahe. Pwede rin namang umaga ka na lang sana umarangkada para kahit papaano may pahinga ka.”

“Una sa lahat, 6 o’clock pa lang ng umaga traffic na. Pangalawa, may dadaluhan pa akong kasal mamayang 11am sa probinsya. At isang debut 7pm. At siyempre, bibili pa ako ng ipanreregalo ko. So, kailangan maaga ako. Okay?” sagot ko sa kaniya na may halong ibang tono...kung ano iyon, hindi ako sigurado.

“Ang sungit mo na naman...” saad nito.

“Kasi ang weirdo mo na naman...” pagbabalik ko sa kaniya.

“Weirdo?”

“Oo. Weirdo. Sino ba naman kasing matinong tao ang bigla-bigla na lang susulpot sa loob ng sasakyan ko at gustong sumama sa akin sa probinsya? Sino ba naman kasi ang nasa tamang kaisipan na tatawagin ang pangalan ko, pero kapag tatanungin kung bakit, sasabihin niya wala? At sino ba naman hindi weirdong tulad mo?”

“Ouch naman!”

“At idadagdag ko pa ha, sino ang hindi weirdong parang malungkot lang at seryoso kanina tapos biglang magiging madaldal at parang masiyahin? Hindi ba nababaliw na iyon?”

“Baliw agad? ‘Di ba pwedeng bipolar lang?” sagot naman nito sa akin. Umiling-iling lang ako habang nakatuon pa rin ang pansin sa kalsada na hindi naman gaanong madilim dahil sa mga makukulay na mga parol na nakasabit at mga maliwanag na street lights.

“Ako na kasi...take turns tayo, tig-isang oras para walang mapagod.” Saad pa rin niya.

“Ayoko...”

My Lucky BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon