Chapter Twelve: Fried Rice 2

3.4K 61 6
                                    


Daniel’s POV

“Sir, Wag niyo na pong lagyan ng patis, wag din po ng bagoong...Ah sir...hindi po pwede yang vetsin...Masyadong maraming oil, sir...At saka—“

“Manang, relax ka lang okay?Alam ko ang ginagawa ko.” Well, nagluluto lang naman ako at ito naman si manang Gracia nakikialam sa pagluluto ko.

“E sir, para saan po ba kasi iyan?” tanong niya.

“Wala ‘to. Gusto ko lang...mag-laro.” Nginitian ko nalang si manang.

“Ibibigay niyo po sa girlfriend mo?” bigla niyang natanong, natigil ako sa paghahalo nung fried rice ko at napatingin sa kanya.

“Naku manang ha, alam niyo naman pong wala na akong girlfriend ngayon.” Sagot ko naman agad.

“Hay naku, sir! Deny pa e! E sino yung napaka-ganda at napaka-bait na dalagita kaninang umaga?”

“Alalay ko yun! Ano ba yan manang, imagination mo talaga wild no? Dala na siguro iyan ng palaging panunuod ng shows sa TV.”

“Eh sir...”

“Wag ka nalang mangealam dito manang, please? Paano ako matututo kung nandiyan ka.” Tumawa naman bigla si manang. Tignan mo o, may mood swing ang loko.

“Sige ho, hindi ko na tatanungin kung para saan iyan. Pero hayaan niyo po sana akong tulungan kayo, kasi...palpak po talaga e. Wag po sana kayo magagalit pero...walang tama sa mga ginawa niyo.” Napalunok ako. Aminado akong first time ko itong magluto at sa mga foreign tv shows lang ako kumuha ng ideas na hindi ko naman alam kung tama.

“Eh manang, paano ho ba?” sige na nga, magpapatulong nalang ako...tutal...mas experienced siya.

“una sa lahat sir, mahirap po lutuin ang carrots kasi matigas ito kaya ang hiwa nito dapat ay medyo manipis, mali po itong ginawa ninyo kasi masyadong makapal...” naghiwa ng bago si manang saka nagpatuloy na nagsalita.

“At ito naman pong hipon, hindi naman po pwedeng buo niyo nalang na ilalagay sa fried rice...balatan niyo naman po at para mas presentable, hiwa-hiwain natin ng pabilog.”

“At saka sa oil din po sir, hindi ka naman nagdi-deep fry kaya konti lang ang dapat na mantika na ilalagay mo. Wag niyo din pong lagyan ng vetsin, masama po daw kasi iyan sa health, at saka kung gusto niyong lagyan ng patis, wag niyo ng lagyan ng soy o asin. At saka—“ pinapatuloy lang ni manang yung mga dapat at hindi dapat.

Sumunod lang ako sa mga sinasabi niya. Medyo mahirap din pala ito. Lalo na sa paghiwa-hiwa, napaka arte kasi ang daming dapat at hindi dapat na shape ng paghiwa. E yun din naman na kakainin iyon. SUS!

Matapos akong tulungan ni Manang. Medyo naging okay naman yung kinalabasan kung ico-compare sa mga una kong experiment kanina. Gabi na rin noon at pinagsaluhan nalang namin ng mga yaya ko at yung driver ko yung niluto namin, dahil sa pagtuturo sa kain ni manang, hindi na siya nakaluto ng kakainin namin.

“hmmm! Ang sarap! Yes! Magaling na akong magluto!” sigaw ko nung kumakain kami. Nagtawanan lang sila at nagpatulo kumain.

“Maaga akong magigising bukas at magluluto ng ganito.” Sabi ko.

“E sir, hindi kaya ma-late kayo niyan?” sabi naman nung isang yaya.

“Kaya nga sabi ko maaga akong gigising diba? Manang talaga di nakikinig.” Pinagpatuloy lang namin yung pag-kain.

*DING DONG* *DING DONG* *DING DONG* *DING DONG*

My Lucky BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon