Chapter Eleven: Fried Rice

3.4K 70 6
                                    

Daniel’s POV

“umuwi ka na.” Maaga akong nagising at saka pumunta sa guest room kung saan akala ko nandoon si Paolo nagbabantay kay julia, pero si Julia lang ang nadatnan kong himbing na himbing sa pagkatulog. Pagbaba ko, nakita ko sa sala si Paolo naka-higa sa sofa.

Ilang beses ko siyang niyug-yug para lang magising siya.

“umuwi ka na.” Ulit ko sakanya.

“H-ha?! Paano si Julia?” aba! Nakaka-halata na ako kay Paolo a! Julia agad ang nasa isip!

“Ako na bahala sakanya. Umuwi ka na at maligo, saka pumasok ka mamayang hapon. Susunod kami ni julia.” Napakamot ng ulo si Paolo pero hindi na siya nagsalita at umangal pa. Tumayo na siya at nag-ayos ng buhok.

Pero ang lakas ng delaying tactics niya, pumunta pa siya ng kusina at saka kumuha ng toasted bread na hinanda para sa akin, at mainit na gatas.

“Wag ka ng magalit. Mag-toast ka nalang ng bagong bread mo.” Iyon ang sambit niya bago umalis ng bahay. Hay naku.

Tinatamad ako mag-toast. Tinatamad din akong utusan si manang na gawhan ako ulit, dahil maglilinis pa sila ng buong bahay. Eh... ano ba yan!

Yumuko nalang ako sa table na nasa kusina at naghintay ng milagrong toasted bread sa harap ko na may nutella or peanut butter or jelly jam. Ang sakit na din ng tiyan ko. Ayokong pumasok sa klase ngayong araw. Lalo pa’t may alila akong nilalagnat. Teka nga...

Siguro naman, okay na si Julia! Okay na siguro talaga iyon! Uminom na ng gamot e!

“JULIAAAA! JULIAAAA!” sigaw ko dahil tinatamad di akong pumunta ulit sa guest room.

“JULIAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!”

Julia’s POV

Nagising ako na medyo masakit-sakit pa rin ang katawan ko. Naghilamos na ako’t nagmumog na rin. Nang marinig ko ang di kanais-nais na boses ni Daniel na sinisigaw ang pangalan ko.

Pero may iba. Hindi ko alam. Parang ibang-iba ang pakiramdam kong gumising. Parang ang linis ng hangin...Ang ayos lang. Hindi ako kinakabahan, hindi ako nag-aalala...dati kasi kapag gumigising ako, laging masama ang gising ko...I mean, laging puno ng problema.

Pero Himala’t parang wala akong dinadamdam for the past few days...

Bumaba na ako at pumunta sa kinaroroonan ni Daniel. Sana kahit papaano’y magpatuloy ang ganito kong mood. Yung lagi kong nakakalimutan yung problema. Mas maayos yun e.

Daniel’s POV

“Kung maka-sigaw ka diyan, akala mo may sunog! Bakit ba?!” tumingala ako at nakita ko si Julia na suot-suot yung PJs ni mama noon. Hay...nakaka-miss tuloy si mama. Kung hindi lang si Julia yung nasa harap ko, nayakap ko na siguro.

“gawa ka ng toasted bread! Dali!” tinuro ko kung nasaan yung loaf bread at saka yung toaster. Saka yumuko ulit.

“Ano ka?! Sinuswerte?!” tumingala ako ulit at saka tinignan ssiya ng masama.

“Sino ba ang master dito? At saka magpa-salamat ka naman sa akin!”

“At bakit naman ako magpapasalamat sa iyo?!” aba ang babaeng ito, oo!

“Sa akin lang naman nanggaling yung ininom mong gamot kagabi!”

“e ano naman ngayon?!”

“Sasagot pa e! Toasted Bread na dali!”

“Ayoko...”

“Ano?!” nakaka-inis na itong Julia na ito a!

“ang gusto kong almusal, KANIN o fried rice!” sagot pa niya.

My Lucky BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon