Chapter Fifty-Five: Sweet Escape 2

751 27 17
                                    

Daniel POV

Nag-aalala na ako. Ilang beses ko nang tinatawagan si Julia. Ilang ulit na walang sumasagot. Sa panghuli kong subok na tinawagan siya, out of coverage na. Malamang pinatay niya yung phone. Hindi ko alam, pero masama ang kutob ko dito.

Lumapit ako kay Christopher para malaman kung anong nangyayari. Wala din siyang kaalam-alam. Pinili kong pumunta sa bahay ni Julia para malaman sa sarili ko. Pero walang tao doon.

“Calm down, Daniel, okay?” saad sa akin ni Christopher nang makasama ko siyang mag-lunch. “Siguro may business matters lang siyang pinuntahan or stuff.”

“Business matters? One month before summer vacation? Ano ito, iiwan niya ang school para lang sa—“

“Weird ang family ni Julia, I have to say that.” Sabat ni Christopher. “Mayayaman. Nagtatago ng identity. Arranged marriage. And—“

“Right. Right!” napatayo ako sa thought na iyon. Arranged marriage. “Hindi ko pa natatanong si Paulo.” Aalis na sana ako para pummunta sa classroom namin para makausap si Paulo. Siguro naman may alam siya kung bakit wala si Julia.

Pero napatigil din ako sa paglalakad at bumalik kay Christopher.

“Oh bakit di ka tumuloy?”

“Naalala ko, absent na din siya...one week na rin.”

“Okaaay. So,” sagot ni Christopher. Alam ko kung anong sasabihin niya. Hindi na niya dapat sabihin iyon.

“Magkasama sila.” Ako na ang nagsabi nun.

“Let’s not jump sa conclusion na magkasama nga sila. Pero yung probability na magkasama sila ay mataas. Kasi nga engaged na sila.”

Nanghina ako sa naiisip ko. Ewan ko. Baka naghahanda na sila para sa isang kasal. O baka aalis na sila ng bansa ng sabay. At magsisimula ng bagong buhay doon. Malayo dito, malayo sa akin. Siguro pinili na ni Julia na kalimutan na lang ako. Siguro pinili na lang niya magpakalayo. Siguro ayaw na niya sa akin. After all magkapatid kami. Hindi talaga pwede.

Umupo ako at tumingin sa malayo. Hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak.

Babalik si Julia sa akin.

Mahal ko siya. Mahal man niya ako o hindi...mamahalin ko pa rin siya.

Babalik siya.

Paullo POV

“Tito, nasa Isabela daw si Julia?” nasa harap ko ngayong si Tito Darwin.

“Oo.”

“Bakit hindi niyo po siya sundan? Tutal alam niyo naman kung saan siya exactly.”

“I guess she needs time. Maybe a week or two would do.”

“But tito...hindi ba masyadong—“ Napatigil ako nang tumayo si Tito at may kinuhang photoalbum mula sa table niya. Nasa opisina niya ako ngayon.

“I’m sure nami-miss na niya yung days na nasa Probinsya lang siya. Malaya. Walang nakakakilala na Calvin siya.” Saad iyon ni Tito Darwin at saka binigay sa akin iyong photo album. Binuksan ko iyon. Picture ni Julia nung bata pa siya. Karga karga siya ni Tito.

“How I miss her smile.” Halos ibulong iyon ni tito sa sarili niya. “I miss the way she was before.”

Iyong kabilang picture naman, silang tatlo nina Tita Carmina. Masaya.

“Like you, arranged din ang kasal namin ni Carmina.” Patuloy ni tito sa kwento. “Wala sa amin ang totoo at pekeng nagmahal. We just did what we are told to do.”

My Lucky BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon