1: THE REUNION
RETREAT HOUSE, 4PM
Isang red Ferrari Enzo ang tumigil sa harap ng isang malaki at magandang Retreat house.
“Are you sure this is the house? Parang wala namang tao.” Tanong ni Phoemela Lewis habang binubuksan ang bintana ng kotse.
“Bakit, may nakikita ka pa bang ibang bahay dito aside from this house?” pagtataray ng nagda-drive na si Katarina Bailey.
Habang nag-uusap ang dalawa at sinisipat ang bahay mula sa loob ng kotse biglang sumigaw ang kaibigan nilang si Madeline Stewart.
“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!” sigaw nito na sobrang ikinagulat nila Phoemela at Katarina.
“What’s wrong with you?” nagpapanic na si Phoemela dahil nag-aalala sya sa kaibigan.
Humarap sya sa dalawang kaibigan na nakatingin ng diretso sa kanya na naghihintay sa kanyang sagot. “Walang signal dito.” Mahinahong paliwanag ni Madeline habang ipinapakita yung cellphone nya sa dalawa.
Sobrang disappointed naman ang mga mukha nila sa narinig. Inis na inis sila lalo na si Katarina, ang pinakamataray sa kanilang tatlo.
“My goodness Madeline! We’re in the middle of⎼” tumingin sya sa labas, “of⎼” lumingon sya sa likod pero puro puno lang ang nakikita nya. “of the forest! Tapos maghahanap ka ng signal! Hindi masamang mag-isip minsan.” Pinaandar na ulit nya ang kotse at ipinasok na sa loob ng bahay.
Bumaba silang tatlo mula sa kotse at namamangha sila sa laki at ganda ng buong bahay. Naghahanap pa din ng signal si Madeline, while pinupunasan ni Katarina yung windows ng kotse nya and Phoemela’s taking picture of the house ng nakarinig sila ng isang kotseng paparating na sobrang lakas magpatugtog.
Sabay-sabay silang lumingon sa gate kung saan papasok ang isang black Pagani Zonda C12 F. Tumigil ‘to sa tabihan ng sasakyan ni Katarina.
“Hey! Magdahan-dahan ka nga baka magasgasan mo yung kotse ko!” Naiinis na sigaw ni Katarina na kausap ang nagda-drive ng Pagani Zonda.
Nagulat silang tatlo ng makita kung sino ang mga nakasakay sa kotseng yun.
Unang bumaba ang isang lalaking nakablack polo and maong pants at tumingin agad sa kanilang tatlo. Tinanggal nya ang kanyang shades para mas makita ang mga ito.
“Cooper Zanders?” Parang medyo nagulat si Katarina. “What are you doing here?”
“Parang hindi ka masayang nandito ako, huh Katarina Bailey?” Lumapit sya kay Katarina. “Or baka masaya ka dahil nandito na ‘ko.”
BINABASA MO ANG
SUMPA (COMPLETED)
HorrorIlang scenes ng story na 'to ay nangyari sa totoong buhay. Story ang isang ghost na hindi matahimik ang magpapakita sa kanila. Ang sunod-sunod nilang pagkamatay ay dahil ba sa nagpapakitang multo? O dahil may isang sumpang umikot sa kanila na unti-u...