4: THE FIRST ONE

17K 391 29
                                        

Please play the music while reading the story. Thanks. :)


4: THE FIRST ONE

 

            Ilang sandali pa ay sumigaw si Madeline. Tinatakpan nya ang kanyang tenga. Bumangon ito at nanakbo papunta sa itaas na parang may humahabol.

            “Huwag kang lalapit. Huwag mo kong lalapitan para mo ng awa. Huwag.” Tila may kausap si Madeline.

            May nakikita syang isang babae na papalapit sa kanya. Nakayuko ito at natatakpan ng kanyang matitigas na buhok ang kanyang mukha at kumakanta ito ng

            “Magtago ka na. Dahil mahahanap kita. Saan ka man magpunta,magiging akin ka!”

 

            “Hindi. Hindi mo ko makukuha!” Napaupo si Madeline sa tagiliran ng hagdanan at iyak sya ng iyak. “Ayoko na. Tumigil ka na.” Parang hirap na hirap na si Madeline sa tono ng kanyang pagsasalita.

            Nagtataka ang lahat sa nangyayari sa kanya. Wala naman silang naririnig o nakikita na kinakausap ni Madeline.

            “Madeline anong problema?” sigaw ni Katarina na dahan-dahang umaakyat sa hagdanan para lapitan ang kaibigan.

            Tumingin si Madeline sa kaibigan na nanlilisik ang mga mata. “Huwag kang lalapit!” sigaw nito kay Katarina na parang nag-iiba na yung boses.

            “Anong nangyayari Cole?” tanong ni Quinn habang nakakapit sa kapatid at naririnig lang ang boses ni Madeline.

            Sigaw ng sigaw si Madeline at hindi nila maintindihan ang dahilan. Lahat sila ay nakatingin lamang sa kanya.

            Naglakas loob lumapit si Katarina sa kanya at hinawakan sya sa balikat.

            “Madeline! Madeline tumigil ka na!” mahigpit ang pagkakahawak nito sa balikat ng kaibigan ngunit parang walang naririnig si Madeline at patuloy pa din ang kanyang pagsigaw.

            “Sinabi kong tumigil ka na!!!” sinampal ng malakas ni Katarina ang kaibigan. Parang nagulat naman si Madeline at tumigil ito sa pagsigaw. Lumingon ito sa paligid at tsaka muling humarap kay Katarina.

            “Katarina.” Umiiyak nitong sabi sabay yakap sa kaibigan. “Natatakot ako. Umalis na tayo dito.” Patuloy lang sya sa pag-iyak habang hinahaplos ng kaibigan ang kanyang likuran.

            “Wag ka ng matakot. Nandito lang kami Madz.” Inalalayan nyang tumayo ang kaibigan. “Ikwento mo sa’min ang lahat.”

            Parang may trauma pa din si Madeline. Kakaiba ang tingin nya sa mga kasama nyang nandun na takot na takot din.

SUMPA (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon