2: RETREAT HOUSE
Nakapili na ng room ang sampung dumating sa retreat house. Magkasama sa kwarto ang mga girls na sina Cole, Quinn, Lindsey, Madeline, Katarina at Phoemela. Sa katapat na kwarto ang mga boys.
Tahimik na nag-aayos ng gamit ang mga girls sa kanilang kwarto.
“Madami namang rooms dito sa bahay. So bakit meron pa tayong kasamang hindi belong?” pagpaparinig ni Katarina.
“Kung ako lang yung tatanungin magsosolo na lang kami ng kwarto ni Blake kesa makasama ko yung bitter na inggitera.” Pagsagot naman ni Lindsey.
“Tumigil na nga kayo. Para kayong mga bata.” Pag-awat ni Phoemela. Sumilip sya sa bintana. Kita mula sa bintanang yun ang malaking pool ng bahay at mga cottages sa tabihan nun. Wala na syang ibang makita mula sa labas ng bakod kundi mga puno. Kukuhanan nya ng picture ang malaking pool ng may makita syang isang babae na nakatayo sa tabihan ng pool. Para makasigurado sya zinoom nya ang kanyang DLSR. Isang babae na nakaputi yung nakatayo. Inalis nya yung mata sa camera na hawak-hawak nya at muling tiningnan yung babaeng nakatayo.
“Girls.” Mahina nyang sabi habang nakatingin pa din sa babae. Nakatungo lang ang babae na parang tinitingnan ang sariling reflection sa pool.
Tiningnan ulit ni Phoemela ang babae gamit ang kanyang camera. Zinoom nya ang camera para mas makita ang babae pero dahil nakatungo sya hindi nya makita ang mukha nito.
“Katarina.” Mahinang tawag nya habang nakatingin pa din sa babae.
Magsasalita pa lang sya ulit ng biglang tumingin ang babae sa kanya. Gulat na gulat si Phoemela dahil kitang-kita nya ang mukha ng babae. Sa sobrang gulat ay nabitawan nya ang sariling camera, mabuti na lang at nakasabit ito sa leeg nya.
Nilapitan nya sina Katarina at hinigit papalapit sa bintana upang ituro ang babaeng nasa pool.
“Bilisan mo. Tingnan mo yung babae dun sa⎼” biglang nawala ang babae na ilang minuto din nyang tinitingnan mula sa itaas.
“Phoemela, are you okay?” tanong ni Katarina. “Tumingin sya sa ibaba. “Tingnan ko ang alin?”
“May babae kasing nakaputi dun sa tabihan ng pool. Nakita ko sya gamit ‘tong cam.” Pautal-utal na paliwanag ni Phoemela.
“You’re just tired. Come on, maupo ka muna.” Inalalayan sya ni Katarina sa mini sala set sa kanilang room para maupo.
Tulala pa din si Phoemela sa nakita. “Hindi kaya sya yung pang-eleven na sinasabi ni manang kanina?” tanong nito.

BINABASA MO ANG
SUMPA (COMPLETED)
TerrorIlang scenes ng story na 'to ay nangyari sa totoong buhay. Story ang isang ghost na hindi matahimik ang magpapakita sa kanila. Ang sunod-sunod nilang pagkamatay ay dahil ba sa nagpapakitang multo? O dahil may isang sumpang umikot sa kanila na unti-u...