Pakiplay nung music habang nagbabasa. Para mas maganda. ^_^
3: ONE BY ONE
Nasa loob pa din ng shower room si Madeline at kinakatok pa din nya yung pintuan. Nanginginig na sya sa takot at kung anu-ano na ang kanyang naiisip.
Naramdaman nya na parang may malamig na hangin nananggagaling sa kanyang likuran kaya’t sandali syang tumigil sa pagsigaw at pagkatok sa pintuan. Tumingin sya sa kanyang likuran. Wala syang masyadong makita dahil may kadiliman nga sa loob. Ilang sandali pa ay may isang puting bagay ang mabilis na dumaan sa kanyang harapan.
“Sinong nandyan?” Nanginginig na sya at hindi na nya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha.
Ikaw. Ikaw. Susunod. Susunod ka na. Ikaw. Ikaw. Paulit-ulit na naririnig ang mahinang bulong ng babae ang mga salitang iyon na nanggagaling sa bawat sulok ng shower room.
“Para mo ng awa, wag ako.” Papalakas ng papalakas ang salita ng babae na lalong nagpatakot sa kanya. Nagtatakip na sya ng tenga para hindi nya marinig.
“Tama na! Tama na!” Dahan-dahan syang napaupo sa sahig habang nakatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang tenga. Lumalamig din ang paligid at pakiramdam nya ay hindi lang sya ang tao sa shower room. Iyak lang sya ng iyak at hindi na nya alam ang gagawin.
Hindi nagtagal ay nawala ang boses ng babae. Tila nahimasmasan si Madeline at tumingin sa paligid. Nagmadali syang tumayo upang buksan ang pintuan at nabuksan naman nya iyon. Pagkabukas na pagkabukas nya ng pintuan ay ang matandang babae ang sumambulat sa kanya na naging dahilan ng kanyang pagsigaw.
“Nakita mo ba sila?” sabi ng matanda na nakatingin sa likuran ni Madeline. Mabagal at nakakakilabot ang tinig ng matanda.
“Ano pong sinasabi nyo?” tanong ni Madeline na puro luha ang mga mata.
Ngumiti lang ang matanda at hindi agad sumagot. Sobrang maputla ang itsura ng matandang babae. Tuyo ang mga labi nito na nagtutuklap-tuklap. Malalim din ang kanyang mga mata na parang hindi na natutulog.
“Mukhang kailangan nyo na pong magpahinga manang.” Tumalikod si Madeline at iniwanan ang matanda upang pumunta sa kanilang silid.
“Isasama ko kayo sa pagpapahinga ko,” sagot ng matanda. Natigilan si Madeline sa narinig at nilingon ang matanda. Hindi ito gumagalaw at nakaharap pa din sa shower room. Hindi kumukurap ang mga mata nito at parang may kinakausap pa sa loob ng shower room. Nagmadali sa paglalakad si Madeline hanggang makarating sya sa kanilang kwarto.
Humarap sya sa salamin upang magsuklay. Napansin nyang namumutla na din sya.

BINABASA MO ANG
SUMPA (COMPLETED)
HorrorIlang scenes ng story na 'to ay nangyari sa totoong buhay. Story ang isang ghost na hindi matahimik ang magpapakita sa kanila. Ang sunod-sunod nilang pagkamatay ay dahil ba sa nagpapakitang multo? O dahil may isang sumpang umikot sa kanila na unti-u...