Capitulo τρία

175 17 3
                                    

Salome Esther Demitrous

Nagising ako sa malakas na tunog na alarm ng lintik na orasan. Nakapikit kong kinapa ito, nang madampot ko ay malakas na pwersang itinapon 'to kung saan. Narinig ko ang medyo may kalakasang pagkasira nito na ikina-ginhawa ko saka babalik na sana sa pagtulog ng tumunog naman ang cellphone ko. Potangina! Patulugin n'yo naman ako noh!

Labag sa loob na dinampot ko ito saka sumadal sa headboard ng kama at sinagot ang kung sino man ang tumatawag sa'kin. Bwisit, 'ke aga-aga.

"Oh?" Barumbado kong tanong habang napkapikit pa 'ding nakasandal sa headboard. "Hello 'rin, East." Bigla akong napamulat sa gulat.

Nagising ata ang diwa ko sa tinig na iyon. Ilang taon na 'rin? Akala ko wala na siya. Sabi ko na nga ba, hinding-hindi lang siya basta-basta mawawala. She will always comeback (inspired by William Afton eme)

"L-Le—"

"Kamusta kayo, kamusta ka while I'm gone?" Naramdaman ko ang mumunting luha na tumulo galing sa mata ko nang aking marinig muli ang kanyang tinig.

Sobrang tagal na, akala ko ay wala na siya talaga kaya tinaggap ko kahit masakit. But hearing her voice again? I don't even care if it was just a dream, if it is, I don't want to wake up anymore then.

"B-Bakit ngayon k-ka lang nagparamdam? A-Ang tagal naming naghintay....B-Bakit? Saan ka ba napadpad Leb" Ang kaninang kaunting luha lang ay nagtuloy-tuloy na sa pagtulo.

Halo-halong pakiramdam ang nararamdaman ko ngayon, saya ba 'to o lungkot? Hindi ko na alam. Basta ang mahalaga, narinig ko na ang boses niya na 5 years ko ng hindi narinig.

"I'm sorry, East. You know what he did. I have to hide, I have to die in his story, I have to do it. Because no one will put an end on his madness, but I can," Pinunasan ko ang luha ko gamit ang aking damit. Wala na'kong pake kung basa na ito.

"T-Totoo ka na ba? Hindi ka na ba panaginip? Please....maging totoo ka na lang. Sabik na sabik na'ko sa'yo." Pagmamakaawa ko.

"We'll meet again soon, East. I still have to make sure that he is totally dead, kung ayaw natin maulit na naman ang nangyari 5 years ago." I was about to say something but she ended the call.

I'll wait for you then....

So, she's really alive eh? Pero pa'no niya ipapaliwanag ang mga nangyari sa iba? Baka samo't-saring reaksyon ang makuha niya. Might be anger, happiness, and confused. Miski ako ay hindi ko alam ang mararamdaman, 5 years na siyang wala, sa 5 years na 'yon ay unti-unti kong tinaggap sa pag-aakalang wala na siya, I need to move to keep moving because that what I promised.

"East? Are you okay? Tulala ka na simula kanina?" Napabalik ako sa ulirat ng untagin ako ni Eunice.

Siya kaya, alam niya na ba?

"Y-Yes, I'm fine. Just stressed about Ms. Lajora's case," I lied.

If hindi niya pa alam 'rin mismo, I should not say about anything siguro. I'll let her meet Levis first.

"Sus, don't worry twin. I'm sure you'll win it, nothing is impossible, right?" Anya.

Napangiti naman ako sa page-encourage niya. If wala akong kambal na tulad niya, maabot ko pa kaya ang pangarap ko lang noon na maging abogado? Ano kaya ang mangyayari sa'kin kapag wala si Eunice? Makilala ko kaya ang isang Abel Lajora? Magtatagpo kaya ang landas namin ni Leyn no'n gabing 'yun?

Maybe, I'm lucky because of my twin, I met the two important women of my life. Leyn, my greatest love. That Lajora woman, the Abel 'laging nasasangkot' Lajora. Annoying, papansin, masungit, demanding, bossy. Pero walang tatalo sa ganda n'yan 'wag kayo.

Killing Me SoftlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon