Capitulo δύο

263 25 6
                                    

Salome Esther Demitrous

"Hoy! Mukha kang ni-rape dyan. Problema mo?" Imbes na sagutin siya, ay inirapan ko na lang.

Ka-bwesit lang, hindi na nga ako nakatulog ng maayos. Tapos dadagdag pa tong siraulong 'to. Parang tanga kasi si Lajora eh, hindi ako pinatulog. Maya't-maya ay natunog ang phone ko kasi may warning na may intruder malapit sa bahay niya kaya hindi ako nakatulog ng maayos. Halos buong gabi ata akong nagbantay eh, natatakot 'rin kasi ako baka mapahak siya at kung ano'ng mangyari 'don. She kept me up the whole night until dawn.

Hindi ako makapunta dahil may tinignan ako sa profile ng mga pulis na uma-resto kay Ms. Lajora because I feel that there's something wrong with talaga as soon as I've heard she was arrested without a warrant—I  mean it is applicable but only for a valid reason.

Damn.

They did search the house for evidence in he so called 'Staffa' case but the first that made me suspicious is, they don't have a warrant and they had the audacity to search someone's property because they are the authority? That doesn't sit right to me.

"Wala! Alis! Ba't ka ba nandito? May board meeting ka ah?" Anya ko.

"Hindi natuloy, pina-cancel ko na lang . Malapit na kasi ang Christmas, ipa-gift ko na lang ito sa mga employees ko because we are all working hard to build our company and be our best," Ay wow! Himala? She wasn't strict this time? Is this the changed she's been bragging about?

"Ang bait mo namang Boss sis, sana ol,"

"Abat, Syempre naman," she said as she flipped her hair also.

Arte -_-

"Ah si Ms. Abel...Hindi niya ako pinatulog eh, pinuyat niya ko—"

"My ghad sis! Wala pa ngang kasal—" agad ko siyang pinutol. "Tanga! Hindi 'yon, ang dumi naman ng utak mo," Inis kong turan. Green minded naman 'tong babaeng 'to.

"Ah, kala ko tinira mo na siya agad," Aba't-gaga 'to ah. Grabe naman ang term na 'yan.

"So ba't ka nga nagkakaganyan?" Tanong nito.

"Si Lajora kasi, ang gulo-gulo—"

"Sis, hindi ako naniniwala na Valedic—" ano ba 'yan sabat ng sabat eh pwede muna patapusin muna ako? Siya ba bida sa kwento ko?

"Ewan ko sa'yo." Inirapan ko na lang siya, lalo niyang pinapaggulo ang sitwasyon ko. Mainit pa naman ang ulo ko ngayon dahil halos wala na 'rin akong tulog sa kaka-abang sa labas ng bahay ni Ms. Lajora, maging safe lang siya ay gagawin ko ang lahat.

Hindi pa siya pwedeng pumalit sa pwesto ni Lucifer kailangan ko pa siya mundong 'to-I mean marami pa'ng may makaka-miss sa kanya kaya hindi siya pwede sa hell.

"Kailan ang kasal?" Napabuga naman ako ng tubig na iniinom ko sa biglang tanong niya.

Gago! Maaga yata akong mamatay sa pinagsasabi ng kambal ko. Gago 'to parang balak niya akong patayin bas2s ng bibig.

"Gago ka—!"

"Hi Baby," sabay kaming napalingon sa may pintuan ko. Si Ms. Lajora lang pala-ha?! Si Lajora?!

Agad ko 'uling nilingon ito at nakita ko masayang nakangiti at may bitbit na pagkain. Infairness ang ganda niya. Hala sino pinopormahan nito? Hindi pwedeng may pormahan siya.

Killing Me SoftlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon