Chapter 6

186 4 5
                                    

A/N: Dine-dedicate po namin tong chapter na to kay Ate Sam/ intengsity :))

We're currently reading her story Overtime, and gustong gusto talaga namin. Kaya, HI ATE SAM <3

***

Ranz's POV

"O sabi mo di ka pupunta?" Sabi ni Biboy pagkapasok ni Oli sa pintuan.

"Gusto ko lang. Pakialam niyo ba?"Sagot ni Oli sabay upo sa tabi ni Ully.

"Tinawagan ko siya kasi mas maganda pag kumpleto tayo" -Ully

"O akala ko ba gagawin na yung last part ng video? Bakit nakatunganga lang kayo dito?" Tanong niya samin. Tanga talaga to.

"Bakit? Di ba pwedeng magbreak muna?" Sabi ko sa kanya.

"Aba malay ko sa inyo."

"Kanina pa nga kami nakaupo dito e. Antagal kasi nung pinabili namin na merienda." -Cav

"Teka kuya ano yang dala mo?"

"Ah oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan." Tapos hinagis niya kay Owy yung dala niyang paperbag. "Nagluto ako kanina ng garlic spaghetti. Andaming natira kaya nagdala na ako."

"Ayun pala e. Abi na nga. Kanina pa ko nagugutom e." Sabi ni Cav sabay agaw nung pagkain kay Owy.

"Oy akin na yan" -Owy

"Teka pahingi rin ako" -Biboy

"Hoy mga gago tirahan niyo din ako niyan." -Ully

"Bahala ka jan. Mauubos na to. Lumapit ka na lang dito." Sabi ni Biboy.

"Sige na nga. Baka ubusan niyo ako e." Sabi ni Ully sabay siksik sa tabi ng mga panget.

"Oy Ranz di ka ba kakain?" Tanong ni Cav. Buti naman naalala nila ako.

"Di na. Alam ko namang kulang pa sa inyo yan e." Sabi ko.

"Buti alam mo." Sigaw ni Owy. Walanghiya talaga tong mga kasama ko. Di man lang nahiya. Andami kayang tao dito ngayon sa studio. Ang ingay na nga nila Cav tapos nadagdagan pa ng ingay ng mga babae ><

"O anjan na pala si Kuya Dan." Sabi ko sa kanila. Choreographer namin yang si Kuya Dan. Karamihan ng sayaw namin siya ang nagtuturo.

"Guys bilisan niyo na jan nang makapagshoot na tayo. Last na to." -Kuya Dan

Nagsitayuan na rin yung mga baliw tapos niligpit yung pinagkainan nila. "Okay ganito yung step."

Tinuro na samin ni Master yung step. Oppa Gangnam Style pala sasayawin namin. "Kuha niyo na? Sige magstart na tayo."

Pinatugtog niya na yung player tapos nagsimula na kaming sumayaw.

Nasa kalagitnaan na kami ng sayaw ng may narinig kaming bumagsak sa may backdoor. Napahinto kami tapos paglingon namin. . .

Ahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaahhaahhahaahahahah

Ansakit ng tiyan ko katatawa. Grabe laughtrip talaga. Ibang klase tong mga to. Kung ano anong pinaggagawa. Sila lang pala yung may gawa nung ingay na yun.

Nabuksan yung pintuan tapos bumagsak sila lahat sa sahig. Hahaha nakakatawa yung mga itsura nilang lahat. Silip kasi ng silip. Pwede naman sa main door dumaan. Lahat tuloy ng tao napatingin sa kanila.

Nakita ko rin yung mga kasama ko. Gulat na gulat sila lalo na sila Cav. Pag nakilala nila kami paniguradong magagalit yun sila.

"Ah, hehehe. Pasensya sa abala..a-akala kasi n-namin bawal pumasok k-kaya...ano..." Sabi ni Mia nung medyo nakaget-over na sila sa pagkabigla.

With the PopularsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon