Prologue

979 14 3
                                    

Sikat. Hinahangaan. Tinitilian. Sino nga ba ang ayaw ng ganyan hindi ba? Halos lahat naman tayo gustong makilala at hangaan ng ibang tao. Pero hindi permanente ang kasikatan..darating at darating ang araw na kailangan mo itong bitawan para sa mga bagay na mas mahalaga kaysa dito.

**

Bawat fangirl, walang ibang gusto kundi ang makita ang kanilang iniidolo sa personal. Ang makilala ang mga ito ng mas mabuti at magkaroon ng pagkakataon na mapalapit sa kanila. Pero paano kung mangyari nga ito? Kakayanin kaya nilang malaman ang mga katotohanan na hindi nakikita sa harap ng camera? Ang mga katotohanang babago pati sa buhay nila.

**

Best friend. Pinagsasabihan ng lahat ng sikreto, nakakaintindi sayo at tanggap ka kung sino ka. Kaya sa kabila ng sakit dahil sa nararamdamang matagal nang itinatago, nagagawa nya pa ring ngumiti at maging masaya sa mga desisyon mo.

**

Mahal mo, may mahal na iba, cliche diba? Madaming nakararanas ng ganyan. Wala namang masama sa umasa na baka balang araw mahalin ka rin nya. Natural lang sa isang taong nagmmahal ang gawin lahat para mahal nya, pero paano kung maraming naaapektuhan? Paano kung pati ikaw masaktan?

This is a story about LOVE

FAMILY,

FRIENDSHIP,

And CHOICES...

With the PopularsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon