Chapter 4

208 7 2
                                    

Cav's POV

Andito kami ngayon sa T.G.I.F. sa Trinoma. Tambay kami dito e. Djk. Kasama ko sina Ranz, Owy at Biboy. Si Ully kasama ulit si Abhie. Susunod na lang daw ulit. Haha. Palagi na lang nahuhuli yung dalawang yun. Kung alam ko lang. Baka may ginagawa na yun. Haha. Oy wala akong sinabi a. Wag kayong green minded jan :DD Si Oli naman may gagawin daw kaya hindi makakapunta.

Actually, kaya kami pumunta dito sa mall kasi balak kong puntahan si Mia pupuntahan sa may Review Center. Bakit? Haha. Wala lang. Trip ko lang siyang makita. Bakit ba. Walang basagan ng trip:))

 Tapos tong mga kasama ko naman, niyaya ko lang na samahan ako. Haha. Nagiging supportive na sila sakin di tulad ng dati. Kapag may nililigawan ako noon, ang palagi ko lang kasama ay si Ully. Sila Owy kasi palaging ayaw sa mga babaeng nililigawan ko. Ewan ko ba. Pero ngayon naman, ayan na sila. Todo support sakin. Haha. Atsaka masaya rin naman kasama yung barkada nila Mia e. Hindi sila tulad nung mga babaeng nakakasama namin dati na mga puro pagpapacute lang samin ang alam. Sila yung mga taong kahit may ibang tao hindi sila nahihiyang ipakita yung tunay nilang ugali. Atsaka lahat sila magaganda e. 

So back to the topic na nga. Kanina pa kami nandito. Sabi ko kasi sa kanila hindi pa ko ready na makita si Mia. Hindi pa ako prepared. Baka pangit ako e. Haha. Tapos tinawanan lang nila ako. Sabi nila nababaliw na raw ako. Mga loko e. Baka sila ang baliw.

Hay nako. Yung totoo. Ang tagal na talaga namin dito. Para na kaming tanga. Sige na nga. Yayain ko na nga silang umalis.

"Hoy mga tao, tara na nga. Parang naiinip na kayo kahihintay e" Yaya ko sa kanila tapos tumayo na ko.

"Buti naman napansin mo" -Owy

"Kaya nga. Kala ko aabutin na tayo ng bukas dito e. Tagal mo kasi magdecide e" -Ranz

"Haha. Ganun talaga yun" -Ako

"Oo na. Tara na nga" -Ranz

*****

Sa Review Center...

"...get your paper and answer the problem written on the board. You can go home after you finish that"

Ano ba yan. Matagal pa yun. Ang haba kasi nung problem. Kawawa naman si Mia. Pinapahirapan nila. Dapat sakin na lang siya nagpaturo e para sabay na lang kami mag exam sa UST. Panigurado papasa kami nun. Haha. Joke. Pano ko siya tuturuan e ako nga nahihirapan din mag-aral e. Baka nga niyan mas matalino pa siya sakin. Haha. Kay Owy ko na lang siya patuturuan. Matalino yun si Owy e. Kala mo lang paeasy easy yun pero pag pinasolve mo siya, dirediretso na yun. Mana sa Kuya niya. Siguro pati yung kapatid nila na si Onin matalino rin paglaki. 

Pagkaalis nung lecturer pinuntahan na namin sila sa pwesto nila. Haha. Pwede naman kasi pumasok dito kahit na hindi ka kasali e. Wala namang nagbabantay sa may pintuan.

"Mia! Hello:DD" Bati ko kay Mia. Medyo nagulat pa siya. Pero cute pa rin. Tapos ngumiti siya sakin.

"Shhhh" Sabi nung mga tao sa loob ng center. Haha. Sumigaw kasi ako e. Aba malay ko bang bawal mag-ingay dito.

"Wag ka nga maingay" Sabi sakin ni Ranz.

"Haha. Hayaan mo sila. Ang boring kaya dito. Sobrang tahimik" Sagot ko kay Ranz.

"Teka nga. Bakit kayo nandito?" Tanong sakin ni Mia.

"Aaa.. Eee..." Nauutal kong sabi.

"Yayayain ka sana niyang lumabas" Biglang sabi ni Biboy sa kaniya. Hanep na yan. Inunahan pa niya ako. Nakakahiya tuloy.

"Hehe" Di ko alam sasabihin ko sa kaniya.

"Aaa... May ginagawa pa kami e" Sabi niya sakin.

"Okay lang yun. Hintayin na lang namin kayo. Haha" Sabi ko sa kaniya. Aaaaaaaaaaa..nahihiya ako :D

With the PopularsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon