Chapter 08

5K 91 5
                                    


Nag punta ako sa staff room kaagad dahil kailangan ko munang huminga, kailangan kong mag isip isip. Hindi ko pa kayang pagka tiwalaan ang mga salita ni harvin dahil alam ko kung sino ako sa buhay niya.


Bago ako dumating ay nariyan na si kendra at hinihintay niya lang itong bumalik, hindi porket gustong gusto ko siya ay ibaba kona ang sarili ko. hindi ako ganon, hindi ko kailangang mag bago para lang sa lalake.


"Bes usap usapan dito ang pagbabalik ni maam Kendra ah!" Hinihingal na sabi ni Kathleen sa akin at tumango ako.


"Hah ano yon susuko ka nalang?? eh kani kanina lang ay parang patay na patay na sayo si sir Harvin ah! anong nangyare!?" Tanong niya sa akin at natawa nalang ako.


"At naniwala ka naman?" Mapakla kong sabi sa kaniya.


"Pero parang kasing tutuo talaga eh!" Sabi niya at tumango ako.


Okay lang ako, 23 years akong nabuhay ng wala siya kaya okay lang sakin to! Ang goal ko dito ay ang mapansin niya ako, hindi ang magustuhan niya.


"Alam mo mag linis na tayo at palit na muna tayo ng floor medyo iritado pa ako sa higad na yon at baka maitulak ko siya katulad ng pag tulak niya sa akin!" Sabi ko at natawa si Kathleen sa akin.


"Nag aalala pa naman ako sayo tapos kering keri mo lang pala sila!" natatawa niyang sabi at nakitawa din ako.


Umakyat na ako sa 15th floor para roon na mag mop.


"Grabe bumalik na pala si ma'am Kendra noh! Pag tapos niyang iwan si sir ng ganon ganon lang!" Bulong ng isang empleyado.


"Kawawa naman yung isang janitress na may gusto kay sir, mukhang nawawalan na ng pag asa!" 


"Pero hindi ako maka paniwala na babalik pa talaga si miss possessive matapos niyang ipagpalit sa iba si sir tapos mag no sa proposal!"


"Dahil talaga kay miss Kendra kaya palaging high blood si sir eh!"


Hindi ko alam pero nakikinig kinig lang ako sa usapan nila para may malaman din akong informations sa kanila.


"Kung ako doon sa janitress wag na siyang umasa dahil baliw na baliw si sir Harvin kay maam Kendra naku isang halik lang noon baka mawala na ang galit niya!" Sabi nung isa at nakaramdam ako ng kirot.


"Kawawa naman siya, balita ko pa naman ay nagiging mabait sa kaniya si sir."


"Ediba ka apelido niya si maam Kendra edi parang fall back lang non!" Hindi ko na kinaya ang masasakit na salitang narinig ko kaya naman tumigil na ako sa paglilinis at bumaba na.


"Inay Helen puwede ho bang manghingi ako ng isang araw na day off , bukas po sana. gusto ko lang mag isip isip , medyo nawala po ako sa tamang pag iisip eh!" Sabi ko at tumango siya.

Gone with the Wind (Diary Series 8)Where stories live. Discover now