"Noong Una"

2 0 0
                                    

Sa silid-aralan natagpuan,
Isang dilag na bago sa aking mga mata,
'Di ko naman inaasahan,
Na siya ay makatabi sa unang upuan.

Ngayon ay nandirito ka na,
Nakaharap, nakatitig sa akin,
Ngunit ako'y 'di makagalaw,
Mga matang sa akin ay uma-umaagaw.

Akala ko nawala ko na,
Ayun naman siya ay buhay pa rin pala,
Nararamdaman ko nanaman,
Gagawin ko ngayon ay hindi ko na alam.

At ngayon ako'y nakahiga, walang magawa,
Walang ibang naiisip kundi paano na,
Ang aking gagawin kasi mahal na kita,
Noong una palang, noong una palang.

Sabi nila ang buhay ay swertihan lamang,
Magugulat ka may nangyaring 'di mo alam,
Kaya ako'y mananatiling na lang dito, na lang dito.

Wala nang nagawa,
Noong unang nakita,
Kasi nga mahal na kita.

220521

Thoughts & Feelings Vol. 6Where stories live. Discover now