4 Start

502 18 1
                                    

Apat na  araw na  pala ang lumilipas pero hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga nangyari. Hindi ko na ata makakalimutan iyon. Yung pakiramdam na ipagtabuyan ka ng taong mahal mo. At ang masaklap pa ay ipamukha niya sayo na hindi ka importante sa kanya. 

Sumasakit ang ulo ko, sa tuwing naiisip ko iyon. Di ko rin maiwasan maluha dahil parang wala lang nangyari sa pagitan naming tatlo. Back to normal ang lahat. Sweet ulit sila. Ako? Mag-isa pa rin. 


Kagaya ng nakagawian ko nandito ulit ako sa terasa ng bahay namin. Nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa akin. Siguro ay yung katulong namin na inutusan kong dalhan ako ng kape.


"Pakilagay na lang po diyan manang," Walang lingon kong sabi. Nakatuon lang kasi ang pansin ko sa pagpa finalized ng walang katapusan na thesis. Bukas na kasi ang aming defense. Tinignan ko ang aking phone. Pasado alas otso na ng gabi. Sumandal ako saglit sa kinauupuan ko at sandaling ipinikit ang aking mga mata.

"Kate!! Don't do this. Please!! " Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang boses ni Liam mula sa ibaba ng aming bahay.

Tumayo ako at sumilip. Tutal ay nasa ikalawang palapag lamang ng aming bahay ang terasa ay kitang-kita ko ang aming bakuran na malapit sa gate kung saan naroon ang dalawa.

"I am sorry Liam. Wala na akong nararamdaman sayo. Sorry, I tried siguro hanggang kuya lang ang tingin ko sayo. " Nakita ko ang paglapat ng sakit sa mukha ni liam. Tinakpan ko ng aking mga kamay ang aking bibig. Nakita ko ang pagluhod niya sa harap ng kapatid ko at ang pag yakap nito sa mga binti niya.


"Please I beg you!  I will do everything kate. Please just don't leave me. " Hindi na lang iyak ang ginawa niya kundi hagulgol.


"No, marami pang babae diyan. Si Ate Sandra! Alam kong gusto ka niya. You can divert your feelings to her. I am sorry again kuya liam. Please Leave me and  stay away from me. " Tumakbo ang kapatid ko papasok sa loob ng bahay, wala ring ilang minuto ay umalis na si liam.

Tinakbo ko ang hagdanan pababa at walang pag-aalinlangan na sinampal ko si kate. Nakasandal ito sa likod ng pinto na akala mo ay nahihirapan ng husto sa nangyari.

Napaupo ito sa sahig.


"What are you doing kate?  Trying to be a btch? Huh!  Nakita ko kung ano yung ginawa mo." Mariin kong sigaw sa kanya.

"Ate it's so hard for me to do that. Sa tingin mo ba ginusto ko yun?" Walang tigil ang pag agos ng luha niya.

"Stop your drama. Ano yun drama lang? Diba noong isang gabi may kahalikan kang iba----."


"I'm doing it on a purpose!  Iyon ang naisip kong paraan para siya mismo ang humiwalay at iyong nakita mong nakayakap o nakipag halikan ako kay James, That's not true, I mean ginawa ko yun pero hindi ko iyon ginusto. Humingi lang ako ng pabor sa kanya. Mabait na tao si James.Hindi totoo ang mga lumalabas na rumors sa kanya. Ate Can't you see? I am dying. " Parang nanlambot bigla ang mga tuhod ko.

"What are you saying? Wag ka magbiro kate. " Sabi ko sa mababang tono.


"Remember? Four years ago, Yung tinakbo ako sa ospital. Nakita ng mga doctor na may tumor ako sa utak? Ate natatakot ako magpa opera, ayokong maulit dati paano kung hindi na ako magising kaya pinilit kong daanin na lang sa gamot pero mas lalo pa ata lumala." Tuluyan na akong nanghina. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Hindi ko siya magawang yakapin pabalik dahil nanghihina ako.

"Ate Please do me a favor, Ikaw na ang bahala kay Liam kapag nasa America na ako." Hindi ko na nakontrol ang pag-iyak ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Namamanhid ang buo kong katawan. Mugto ang mga mata kong pumasok sa school kinaumagahan at ang malala pa hindi ko man lang na review ang thesis para sa defense. Kaya naman ipinagdasal kong hindi iyon matuloy. Pero sadyang malas lang talaga ako. Muntik pa akong sigawan ng Panel dahil hindi ako sumasagot dahil laging si Andrea at Nate lang ang may boses.

"Sandra may problema ka ba? " Habol na tanong sa akin ni Nate pagkalabas ko ng room. Tipid lang akong ngumiti pero hindi ko siya sinagot. Umalis lang talaga ako.


Dumating ang araw ng pag-alis ni kate. Nakatulala ito at matamlay. Dati inggit ang nararamdaman ko sa kanya dahil feeling ko  siya na ang perfect na tao at nasa kanya na ang lahat  pero ngayon naaawa ako, gusto ko rin iparamdam sa kanya na mahal ko siya.

Si Liam?  Hindi ko alam kung nasaan siya. Isang linggo na rin siyang di nagpaparamdam. Akala ko nga ay kukulitin niya si Kate para bumalik ito sa kanya. Hindi niya rin naman alam na aalis ang kapatid ko.

.

"Mommy, Daddy kailan po kayo babalik ng Pilipinas? " Tanong ko sa mga magulang namin. Pormal lamang sila na nakatingin sa akin. Sanay na naman ako. Kapag si Kate ang kausap nila masaya sila.

"Hindi pa namin alam. As long as na gumaling ang kapatid mo. " Si Daddy ang sumagot. Busy kasi si Mommy sa kanyang kausap sa cellphone. Tumingin ako kay kate. Inayos ko ang buhok niya.


"Kate magiging maayos din ang lahat. " Ginagap ko ang mga kamay niya. Ngumiti naman siya. I am not used to this, yung pagiging malambing na kapatid kay kate.

"Basta yung bilin ko sayo Ate,  ikaw na ang bahala at wag mo na sabihin sa kanya. Babalik naman ako. " Ngiti lang rin ang nasagot ko. Ilang sandali pa ay tinawag na ang flight nila.

Palabas na ako ng NAIA airport ng may makita ang mga mata ko. Si Liam! Nandito siya. Bagsak ang mga balikat nito at parang bigong-bigo. Lalapit sana ako sa kanya kaso lang ng makita niya ako ay sumama ang tingin niya sa akin, siya na rin mismo ang lumapit.


Hinila niya ako sa magkabilang braso.

"You btch! Bakit mo siya hinayaan na umalis! Bakit?" Para akong babagsak anytime dahil sa grabe ng pangyuyugyog niya sa akin. Doon niya binubuhos ang galit niya. Di rin maiwasan na nakakakuha na kami ng atensyon sa iba.


"Bitawan mo ko Liam. It's not my fault kung umalis siya. It's her decision not mine." Binitawan naman niya ako. Hinaplos ko ang mga braso kong namumula. At dahil nakasuot ako ng sleeveless ay mahahalata agad ang namumula kong balat.

Tumitig pa ulit siya ng masama sa akin bago umalis. Balak ko sana siyang habulin kaya lang ay mainit ang ulo niya at galit siya.

-PS: Mahirap pa lang gumawa ng drama story

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Never EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon