Patuloy lamang sa pag agos ang mga luha ko. Bakit ba lagi na lang ganito? Bakit lagi akong naiiwan? Lagi akong pangalawa?
Pinanood ko ang dalawang taong nag-uusap sa harap ng hapag kainan. Masaya sila at tila ba sila lang ang may ari ng mundo. Hindi ko na kaya ang mga nakikita ko, kaya napag desisyonan ko na lang na bumalik sa kwarto ko at doon mahiga.
I am Sandra Ortega ang martyr at ang pangalawa sa istorya na ito. Ngumiti ako ng mapait ng mapadako ang tingin ko sa picture frame na nakasabit sa dingding ng aking kwarto.
Mayroon doon na mukha na tatlong bata. Ako, Si liam at Si kate na kapatid ko. Masaya kaming nagtatawanan diyaan. Kinuhanan ang litrato na iyon, seven years ago. Parehas kaming Grade six ni Liam at nasa grade four naman ang kapatid kong si kate.
Ako lang ang may kopya ng litrato na iyan. Umiyak pa nga si Kate noong hindi niya iyan nakuha sa akin at nagalit pa siya, noong araw na iyon pakiramdam ko ako ang nanalo, ako naman ang nakakuha ng gusto ko but I was wrong. Nagalit rin sa akin si Liam noon sinabihan niya akong selfish at immatured. Bakit ba daw hindi ko na lang iyon ibinigay sa kapatid ko? Ako ang mas matanda pero ako pa ang nang aaway?
That day I cried a lot. Hindi niya alam kung gaano ako nasaktan. Matapos ang araw na iyon ay alam kong may nagbago.
He become so distant kapag nandiyan ako. Tatanungin niya lang ako kapag may kailangan siyang bagay o kaya ay hahanapin niya sa akin si kate.
Hanggang sa lumipas ang araw,buwan at taon. Nalaman ko na lang ang relasyon nila.
Also that day. I almost died.
Si Liam, he used to be my best friend, partner in crime and also he is my first love and my first heartache. Hanggang ngayon siya pa rin.
Nagising ako sa init ng sikat ng araw. Tinignan ko ang orasan sa bedside table. 6:00 am. Masyado pang maaga pero ang tiyan ko nagwawala na sa gutom. Hindi kasi ako kumain ng hapunan kagabi.
Para naman may sumundot sa puso ko ng maalala ang eksena kagabi. Kate and Liam are happily talking to each other. Mariin akong napa pikit. Dumiretsyo ako sa banyo para maligo at mag toothbrush.
Pagbaba ko sa may kusina nakita ko si Manang Saleng na nagluluto ng breakfast.
"Good morning po, Manang. Pwede na po ba akong kumain? " Tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi mapigilan ang matakam sa amoy ng paborito kong fried rice
"Hindi ka ba sasabay sa Mommy at Daddy mo? " Ngumiti Lang ako."Hindi na po. Maaga rin po akong aalis dahil may saturday class ako ngayon." Mahabang paliwanag ko. Hindi na nagsalita pa si Manang. Naghain na siya para sa akin.
Hindi pa man ako nakakasubo, nang makita kong pumasok sa kusina si Liam. Masaya ito at naka ngiti ng maluwag.
"Manang Saleng, pwede bang ipaghanda mo si Kate ng breakfast in bed? I just want to surprise her paggising niya. " Magiliw na sabi ni Liam. Bigla naman napako ang tingin niya sa akin, nag-iwas ako agad ng tingin at nagpatuloy sa pagkain.
Anong ginagawa niya rito? Diba dapat umuwi na siya kagabi pa? Bigla na lang bumayo sa kaba ang dibdib ko ng may maisip akong iba. Hindi kaya tabi sila ni ka-
"Sandra. Hi, kamusta ka na?" Nagulat ako ng kausapin niya ako, kime lang akong ngumiti.
"I'm good." Sagot ko sa kanya. I'm not good. Sabi ko sa sarili ko.
"Sir, ito na po yung pagkain." Sabi sa kanya ng isa naming katulong.
"Sandra, I'll go upstairs. " Paalam niya. Tumango lang ako. Pinanood ko siyang naglalakad paalis.
'Ako na lang kasi '
January 18,2015
BINABASA MO ANG
Never Enough
General Fiction"Paano ka ba lalaban kung sa una pa lang talo ka na?"-Gasgas na line ng mga taong martyr. The other side