3 Foolish heart

508 23 5
                                    

Umuwi ako ng bahay na iyon pa rin ang nasa isip. Ang tanga naman ni Liam kung nagpapaloko siya sa kapatid ko. Huminga ako ng malalim.

Hindi ko na dapat sila iniisip. Bahala sila kung maglokohan sila. Bumaba ako sa kusina para uminom ng tubig.

"Hija,  bakit gising ka pa?  Masyado ng gabi." Nilingon ko si Manang Saleng na naglilinis pa rin sa kusina.

"Hindi po kasi ako makatulog. Nasaan po pala si kate? " Kanina ko pa kasi hindi siya nakikita.

"Naku!  Ewan ko ba sa batang iyon. Pumunta ata sa party ng kaibigan niyang lalaki. James ba ang pangalan nong lalaki? Di ko matandaan. " Biglang umahon ang kaba sa dibdib ko. Si James? Yung lalaking kasama niya kanina? Yung nakita kong kayakap niya.

Varsity siya ng basketball sa school namin. At bali-balita na naka buntis na ito noon. Maraming lang ang hindi naniniwala dahil sa Congressman ang tatay nito at gagawin nila ang lahat huwag lang masira ang pangalan nila.

Ibinaba ko ang baso sa kitchen counter at mabilis na pumanhik sa kwarto ko para magbihis.

"Saan ka pupunta? " Sigaw ni Manang Saleng ng makita niya akong papasakay ng kotse.

"Basta po. Saglit lang ako. " Pinaharurot ko ang sasakyan at binagtas ko ang makati patungo sa Fort bonifacio global city, Sa Rue Bourbon ang punta ko isa iyong bar. Iyon kasi ang madalas tambayan ng mga estudyante lalo na at malapit lang ito sa school namin.

Napahigpit ang hawak ko sa manibela. Bakit nagawa iyon ni kate? Akala ko ba mahal niya si Liam.

Bumaba ako ng kotse. Ngayon ko lang napansin na naka pajama lang ako at t-shirt naka tsinelas lang din ako.

Pero hindi na iyon mahalaga. Kailangan kong komprontahin si Kate.

Pumasok ako sa loob.  Mabuti na lang at nakapasok ako agad. Hindi naman kasi ganoon kahigpit ang security.

Sinuyod ng aking mga mata ang buong lugar. Mabuti na lang at hindi naman ganoon ka usok at amoy alak ang lugar. Half restaurant rin naman kasi ito.

Hindi pa ako nakalalayo sa entrance ng makita ko si kate na lasing at nakikipag halikan kay James! Susugod na dapat ako ng may makita akong tumakbo papalapit sa kanila.

Si Liam. Nang makalapit na ito ay dinambahan niya si James at pinagsusuntok ito sa mukha. Lumapit ako at  inawat siya.  

"Liam tama na yan! Tama na!" Hinila ko ang kwelyo ng damit niya ngunit hindi pa rin siya natitinag.

Kahit madilim ay kitang-kita ko ang mukha niya pulang-pula ang mga mata nito at umiiyak.

"Li-liam tu-tumigil ka. " Parang nagliyab ang galit sa katawan ko ng marinig ko ang boses ng kapatid kong si kate. Ang kapal ng mukha niya! Inilang hakbang ko ang kinaroroonan niya. Hindi rin ako nagdalawang isip na sampalin siya.

"How could you kate?  How could you do this to him?" Kasabay ng malakas niyang pag iyak ay ang malakas ding sigawan ng mga tao sa paligid.

"Sandra!!!" Tumayo ang mga balahibo sa batok ko ng marinig ang boses ni Liam sa likuran ko.

Halatang galit na galit ito. Naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko.

Nagulat ako ng hilahin niya ako patulak kay kate naging dahilan iyon para mapaupo ako sa sahig. Sumakit ang balakang ko dahil sa ginawa niya.

"Bakit mo iyon ginawa sa kanya Sandra?" Tanong nito sa galit na tono.

"Niloloko ka niya Liam." Sigaw niya kahit namimilipit na ako sa sakit. Pinilit kong tumayo.

"Wala kang alam! Walang kang karapatan saktan ang babaeng mahal ko!" Bigla ako nagising sa katotohanan.

'Babaeng mahal ko' Dinig na dinig ko ang mga salitang iyon. Masakit sa tainga.

Wala sa sariling sinampal ko si Liam ng dalawang beses.

"Kalalaki mong ang tanga mo! Ang tanga-tanga mo. Matalino ka nga pero ang bobo mo para magpaloko." Iyon lang ang sinabi ko at umalis na.

Sumakay ulit ako ng kotse na basag na basag ang puso. Tangna! Bakit ganoon? Mahal ko lang naman. Bakit ko kailangan ko pang masaktan?

Natulala ako ng ilang sandali. Saka ko lang rin na realize na bumabalik din sa akin ang mga sinabi ko kay Liam.

Tanga at bobo rin naman ako pagdating sa pagmamahal, pagdating sa kanya.

Never EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon