Pilit kong inalis sa aking isip sila Liam at Kate. Bakit ba kahit anong gawin ko palagi ko na lang naiisip ang mga nangyari kaninang umaga?
Kung pwede ko lang pukpukin ang ulo ko ay ginawa ko na, mawala lang yung sakit sa puso ko.
Pilit akong nag focus sa thesis na ginagawa ko, malapit na kasi ang defense namin ng mga kagrupo ko. Sana ay malampasan na namin ito para naman maka graduate na kami agad.
"Sandra! " Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Andrea at Nate mga group mates ko sa thesis.
"Bakit ngayon lang kayo? Kanina pa ako dito, mahigit isang oras na. " Reklamo ko sa kanilang dalawa. Ewan ko ba! Parang may kakaiba sa kanila.
"Chill ka lang Sandra. Bumili lang kami ng makakain. Tignan mo, mga favorites mo ito. " Natatawang sabi ni Nate. Tumaas lamang ang kilay niya.
"Sus! If I know sinusuhulan niyo lang ako. Dalawang araw na puro ako na lang ang gumagawa ng thesis natin." Pagdating kasi sa mga school works ay ayaw niya ang members na tatamad tamad at walang ginagawa. Hindi naman porket kaibigan niya ang mga ito ay magbibigay na siya.
"Okay! Sorry na po. Miss Leader. " Inikutan niya lamang ng mga mata ang kanyang mga kaibigan.
Magaalas tres na ng hapon at nandito pa rin sila sa loob ng library. Medyo inaantok na rin siya.
"Oh my gosh! I need a break. Bakit naman kasi ang hirap ng thesis na iyan. Kainis! " Maarteng sabi ni Andrea.
"Tsk. Pwede ba Andrea. Hinaan mo yang boses mo. Nakakarindi. " Sabi ni Nate sa kanya.
"And so what? Pake mo ba? Sayo ba itong school para pagbawalan ako magsalita hmm?" Nagkasukatan ng tingin ang dalawa at tila ba ayaw magpatalo ng isa sa kanila.
"Guys, itigil niyo iyan nasa library tayo pwede ba? Mas uunahin niyo pa ba yang away niyo kesa sa thesis natin?" Huminga ako ng malalim.
"Hindi ko talaga mainitindihan kayong dalawa. May namamagitan ba sa inyong dalawa? " Tanong ko na ikinagulat ng dalawa.
"Ofcourse wala!!" Mariing sigaw ni Andrea naging dahilan tuloy yun para lumapit sa kanila ang librarian.
"Kasalanan mo iyon Nate! Kaya tayo pinaalis sa library. "
"What? Me? Ikaw kaya may kasalanan para kasing megaphone yang bibig mo. "
Napailing na lamang siya sa dalawang kaibigan. Para talagang aso at pusa. Lumipat kami sa field at dito itinuloy ang ginagawa namin pero parang ako na lang yata ang gumagawa. Ang mga kasama ko kasi ay masama ang tingin sa isa't-isa.
"You two. Stop it. Para naman may magawa kayo ito. Sa inyo ko na ipapauwi iyan " Inabot ko sa kanila yung mga papel na naglalaman ng thesis namin.
"Sandra naman, Ang dami kaya nyan. " Angal ni Nate.
Pinanlakihan ko lang silang dalawa ng mata.
"Oo nga naman Sandz, di ko kaya yan at lalo na yang Nate na yan ang kasama ko. Ewww! " maarteng sabi ni Andrea.
"Ano bang gusto niyo? Singko o thesis? "
Tinawanan ko lamang silang dalawa dahil wala rin naman silang nagawa.
Papauwi na ako ng makita ko ang dalawang bulto ng tao. Si kate yung babae at hindi ko alam kung si Liam yung lalaki. Bago pa man nila ako makita, naglakad ako ng mabilis habang nakayuko. Nang malayo na ako sa kanila ay nilingon ko ulit sila.
Nagulat ako sa nakita ko. Magkayakap silang dalawa! Wala sa sariling naikuyom ko ang mga kamay ko. Susugurin ko na dapat sila ng nakita kong papaalis na sila.
Niloloko niya ba si Liam?
BINABASA MO ANG
Never Enough
General Fiction"Paano ka ba lalaban kung sa una pa lang talo ka na?"-Gasgas na line ng mga taong martyr. The other side