Chapter 1

217 8 0
                                    


SA loob ng isang taong ay naparaming pagsubok ang dumaan  sa kanyang buhay. Pakiramdam tuloy ng 21 anyos na si Sofia, may napakalaking kasalanan siyang nagawa sa kanyang buhay kaya sobra-sobra ang mga parusang kanyang natatanggap..

Ibig sana niyang magpakatatag pero hindi niya napigil ang mapaluha habang nakatingin sa kanyang Papa Ronwaldo, comatose sanhi ng motor accident. Nagmaneho ito ng lasing tapos bumangga ito sa isang puno. Mabilis ang pagmu-motor nito kaya naging napakalakas din ng impact ng pagkakabanga nito. Dahilan para mamaga ang isang bahagi ng utak nito.

Hindi man niya ito tunay na ama si Ronwaldo Arguelles pero itinuring siya nitong higit pa sa tunay na anak. Ibinigay nito sa kanya ang pangalan nito ng ampunin siya, isang taon matapos nitong pakasalan ang kanyang ina. Lahat ng gusto at pangangailangan niya ay ibinigay nito. Kapag may problema siya, agad siya nitong tinutulungan. Higit sa lahat, ipinagmamalaki siya nito kahit kanino na para bang siya'y nanggaling dito.

Dahil sa pagmamahal at atensyon na buong puso nitong ibinigay sa kanya, hindi niya naramdaman na may kulang siya sa kanyang pagkatao. Kaya ngayong nasa bingit ng kamatayan ang buhay nito, hindi niya ito basta isusuko, kahit pa kay Kamatayan.

Ewan nga lang kung magagawa nitong ma-appreciate ang kanyang gagawin dahil alam niyang matagal na nitong gustong wakasan ang buhay. Nang mamatay ang kanyang ina, si Carmela, last year sanhi ng cancer sa dugo, nawalan na rin ng direksyon ang buhay ng kanyang ama-amahan. Maging ang negosyo nilang grocery store ay napabayaan na nito.

Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Nasa 4th year na sana siya sa kursong BS Management pero napilitan siyang huminto para matutukan muna ang kanilang negosyo. Gayunman, ipinangako niya sa sarili na kapag okay na ang lahat, babalik siya sa pag-aaral.

Ngayon ang tanong lang, magagawa pa ba niya iyon?

Magagawa niya iyon, mariin niyang sabi sa sarili. Ang kailangan lang naman ay magkaroon siya ng ibayong determinasyon. Kaya nga lang, makabubuting hindi muna niya isipin ang tungkol sa kanyang pag-aaral dahil marami pa siyang problemang kinakaharap at isa na rito ang mga gastusin na dapat niyang kaharapin sa pananatili ng ama niya sa Santibaniez Hospital. Alam niyang sa bawat araw na daraan ay gagastos siya ng napakalaki lalo na't maraming aparatong nakakabit sa katawan nito na makakatulong para mapanatili itong buhay.

"Miss Arguelles?"

"Okay na po ba ang request ko?" kinakabahang tanong niya. Alam niya kasing hindi birong salapi ang magagastos niya kaya naman kailangan niya paghandang mabuti. Tiyak niya kasing ang mga kakailanganin ng kanyang Papa Romwaldo ay hindi biro.

Natatakot naman siyang kapag naningil agad ang hospital at wala siyang maibayad ay bigla na lamang silang palayasin. Hindi naman niya gugustuhing mangyari iyon kaya kailangan niyang bigyan ng assurance ang hospital na kahit gaano pa katagal ang ama niya roon ay magbabayad siya.

"Gusto raw po muna kayong makausap ni Dr. Daniel Santibaniez?"

Pamilyar ang pangalan pero tiyak niyang hindi ito ang nagpuntang doktor ng ama. "Bagong doktor ng pasyente?"

"Si Dr. Daniel Santibaniez po ang Director nitong Santibaniez Hospital."

"Oh," bulalas niya. Para tuloy gusto niyang batukan ang sarili dahil hindi niya agad naisip na ito ang may-ari ng hospital.

Ang buong akala niya kasi ay matanda na si Dr. Daniel Santibaniez. Hindi niya akalain na parang nasa trenta lang iyon. Kaya naman, parang mas kinabahan siya. Sa hitsura kasi nito, parang hindi nadadaan sa pakiusap. Matapang kasi ang mukha nito. Salubong na salubong nga ang malago nitong kilay at ang mga mata naman nito ay matalim kung tumitig. Hindi lang siya sigurado kung dahil lang ba hugis espada iyon o gusto lang itong ipakita sa kanya na magagalit ito kapag hindi nito nagustuhan ang kanyang sasabihin. Kahit tuloy guwapo naman ang kabuuan ng hitsura nito dahil mapupula at manipis naman ang labi nito at medyo pangahan na binagayan ng matangos nitong ilong, hindi ito maaaring ihanay sa mga matinee idol. Ang katipo kasi nito ay iyong mga pangkontrabida gaya na lang ni RK Bagatsing.

Kailan lalaya ang puso? (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon